read.cash Log in
@Reysky more from that month

Salamat at tapos na ako magligpit ng paninda ko at mga hugasin sa lababo. Di ko napansin na tambak na pala ang mga hugasin dun. Inuna ko muna mag hugas at maglinis ng bahay. Naghakot na naman kasi ng kalaro ang bunso ko at ang mga laruan ay talaga naman kalat kalat. Kaloka.! Hahaha. May nakaabang pa na gawain ang magtiklop ng mga nilabhan kanina. Iniisip ko bukas nalang ako magtiklop at talagang napagod ako ngayon araw na ito. Sunod sunod din kasi nag costumer kanina ang alalay ko iniwan ako at nakipaglaro sa pinsan niya. Haha. Pero masaya ako kasi marami akong benta. Sana tuloy tuloy na ito. Kung di man ok lang di naman laging may panbili diba. Basta ako, nandito lang kung kailangan nilang bumili.

4 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.