Kahapon, maghapon akong hindi nakapag post dito sa noise, para kasing wala akong maisip kundi puro sakit, panghihina at kalungkutan. Ewan ko ba! Hanggan ngayon nga ganun pa din ang nararamdaman ko. My time pa nga na bigla nalang tutulo luha ko. My time na gusto kong tumakbo papalayo at sumigaw ng kung ano yun nararamdaman ko. Ma papa Lord, eto na ba, babawiin mo na ba! Ang sakit ang lungkot, grabe! Daig ko oa nakipagbreak up or namatayan sa nararamdaman ko. Nadedepress na ba…
@Reysky in June 2022
Tama kaya ang decision ko. Àyaw ko sana gawin pero ayaw kong nakikita na malungkot ang mga mata niya. Ayaw ko siraan ang sana na masaya noon na meron ako. pero wala na. Sira na! Ganun talaga ang parusa ko. Walang katapusan parusa ata to sakin. Hanggan nabubuhay ako. Parurusahan ata ako. Wala eh! Wala atang kapatawaran ang nagawa ko. 😭😭😭😭
Umaraw din sa wakas. Nakapaglabas din ng mga nilabhan ko. Hindi na kasi kaaya aya ang amoy kaya pinaarawan ko muna. Kahapon kasi hindi umaraw bagkus umulan pa. Kasabay pa nh pag alis ko sa bahay na di ko alam kung san ako nakarating basta naglakad lakad ako papalayo sa bahay at nag isip isip. Nakaisip na ako. At kailangan matuldukan na ang aking pag iisip. Hindi na ako makatrabaho ng maayos dahil sa problemang dala ko. Siguro nga unfair ang mundo. Mejo palaisipan noh. Hehe.…
Nakakamiss din naman kumain ng ganitong kalaking pizza na di mo nyo alam paano nyo uubusin na hanggan bukas ay kinakain pa din. Nakakain pang kami ng ganyan kalaki kaoag nag uwian ang mga kapatid ng mister ko. Eat all you can talaga ang ginawa namin. Kaya nga mejo nag diet ako dahil sa dec. Pag uwi nila. Kainan all the time na naman. Sabi nga namin na tinatawag kong ate, kahit walang pagkain basta may magandang view lang ahah. Kaya kapag lumalabas kami walang tigil sa pag…
Tanghali na nagising. Napasarap sa tulog. Napapatakaw na ako sa tulog. Masarap naman talagang matulog lalo na kungbwala kang iintindhin. Kaya naman eto ako ngayon nagmamadaling mag saing at magluto ng uulamin dahil napasarap ang tulog. Baka malaye na kami nento kumain. Tulog pa more 😂
Good morning! Habang naghahanap kami ng makakain na Pares. Napansin ko ang pag bukang liwayway ng ng araw. Namumulang maige at parang nagbabadya na mainit ang panahon ngayon. Katulad kahapon talaga naman sobrang init. Noon nakaraan linggo, walang patid ang pag ulan. Kahapon grabe naman sa sikat ng araw na talaga naman kapag naglagay ka ng kawali sa labas at talaga naman makakapag prito ka ng itlog. Ngayon feeling ko ganun na naman. Makikita mo naman. Dahil iba ang kulay ng…
Kaninang umaga pa kami naghahanap ng Pares, ngayon lang kami nakabili at nakahanap pagtapos namin mag anak. "Sana alam ko yun nasa isip niya. Pero ramdam ko ang nararamdaman niya. " Wag nyo nalang intindihin yun qoute ko. Marami lang akong pinagdadaanan. Na pinagdasal ko na sana makayanan ko ang lahat at bigyan ako ng tapang na mahintay ang bagay na inaasam ko. Matagal man pero naniniwala ko sa panginoon na di niya ipagkakait sa akin yun. Kaya nagpapasalamat ako sa Ating…
KMJS! Sinu nanonood ng KMJS, naantig ako sa magkapatid na nawalay ng 32 yrs. Hinanap sila ng batang nawala nun 1989. Biruin mo yun kahit gaano pa katagal silang nawalay kung ilalaan talaga ng Panginoon na magkita sila, ilalaan talaga. Masaya ako at naiyak ako sa nangyare sa kanila. In prfect time talaga. Kung para sayo, para sayo. Basta wag lang mawalan ng pag asa at mag dasal ng taimtim sa pangarap na gustong makamtam. Naniniwala ako na ganun din ako. Na babalik din ang mga…
Kaya pala iba ang kulay ng araw kahapon, kulay red na parang galit. Ayun pala may bulkan na sumabog. Sanhi ng ash kaya ganun ang kulay ng araw. Napansin ko kasi yun nun naghanap kami ng asawa ko pares na mkakainan, sakto pabukang liwayway na ang araw at kulay red ito tulad nun pumutok ang taal. Ang mga bulkan ngayon nangangalit na. Dapat talaga magbalik loob na tayo sa panginoon. Humingi ng kapatawaran sa mga kasalanan. Tapos marami pang relasyon na nasisira ngayon.…
Ang cute talaga ni Sam. Ang asong hindi nalaki. Parang tuta lang. Mabait at maharot na aso. Miss ko na yan si Sam ilan araw na din kasi ako hindi nadalaw sa kanila. Tintamad kasi akong lumabas ng bahay. Sobrang init kasi at walang hangin sa labas. Kung hindi naulan grabe naman tirik ng araw. Ngayon umulan ng konti at grabe ang binigay na init sobrang maalinsangan. Ayun balak ko sana pasyalan ang cute na asong si Sam kaso heto na naman ako wala sa mood. Hhaa.. meryenda time.…
Good morning its Choose Day! I choose to be happy no more fb muna. Ang daming dramas na nababasa. Pati ako naapektuhan. Malungkot na nga life ko tapos makakabasa pa ng malungkot kaya libangan ang sarili sa makabuluhan. Maglalaba ako ngayon haha! Bago muna ang lahat ng prepare ako ng breakfast ng mister ko. Kasi papasok siya sa work. Every morning ko yan ginagawa. Minsan nakakaumay na hahaha..
May bago akong natutunan na luto. Hindi ko nga lang alam tawag pero parang adobo style hindi lang siya nilagyan ng toyo kundi mang thomas ang nilagay. Natikman ko para sa akin masarap siya. Sana maging patok sa panlasa ng anak ko. Minsan lang ako makapanood at dahil madali nagtry ako. Malaan sa mga anak ko. Hehe
Broken heart. Broken broken broken
Grabe sobrang lasing pala ako kagabi. iyak daw ako ng iyak. Kaya ayoko uminom eh ganyan mangyayare sakin. Pero inferness nakabawas siya ng bigat ng nararamdaman kasi minsan gusto mo umiyak hindi lang mailabas kasi ayaw mo na makita nila na weak kang tao. Well, nakita man nila akong umiyak dahil sa kalasingan un. Oppss! Sa katabing bahay lang po ang nag inom kasi nanood kamo laban ni Donaire kianis natalo ako. 2 rounds lang ksai di man pintagal. Saklap.
Gisang repolyo at pritong pork ang akin hinand ngayon hapunan. Ngayon lang ako nakarecover sa pagkakahang over ko. Di naman ako nangamba kaninang tanghali dahil meron pa naman kaming ulam na natira kagabi. Ininit nalang ng panganay ko at yun ang amin inulam. Dapat talaga yan ang babaunin ng asawa ko kaninang pagpasok niya. Dahil lasing at di talaga ako makatayo ng ayos. Pinaliguan pa ako ng asawa ko para mhaimasmasan ako. Kaso lakas tlaaga tama ng Gin. Haha! Di na ako uulit.…
Bumli ako sa labas ng Pares. Tapos ininit ko nalang para masarap kapag hinigop ang sabaw. Kinain ko na din yun tirang gisang repolyo kagabi para hindi masayang. Wala na kasing kakain non kaya kinain ko na ngayon umaga. Pagtapos ko malasing last night puro kian naman ang nasa isip ko hhaha.
May nagpadala sa akin ng empanada. Tikman ko daw para kung mag business daw siya yan daw ang gawin na business. Masarap nmaan siya pero mad maganda sana yun cheese na nilagay niya yun nag memelt sa loob ng tinapay kapag naluto. Yun kasi ang masarap para sa akin. Anyway ok naman yun lasa kasi libre eh haha
Good morning! Nakalibre ng break fast. May nagbigay kasi ng spagetti kahapon at dahil galing na din sa handaan di na namin nakain. Nilagay ko sa ref at ito na siya. May libreng almusal na. Hehe. Nilagyan ko nalang ng cheese ang spagetti para mas masarap. Kainis lang nawawala un pang kadkad ko ng cheese. Saan kaya napunta yun di ko naman masyadong nagagamit yun. Ginawan ko nalang paraan para mabudburan ng cheese. So yummy!
Miss ko na yun kasama ko sa pict. Magkasama nga kami pero hindi nagpapansinan. Dahil sa pagod sa trabaho. Pag uwi, kakain papahinga konti tapos matutulog. Kinabukasan, gigising, kakain at aalis. Yan nalang kami ngayon. Haha! Hirap ng naghahabol sa pera. Pwede ba na ang pera naman ang humabol sa tao. Haha
Kakauwi lang galing palengke. Inagahan ko na ang punta para hindi mainit. Mamaya kasi masakit na sa balat ang sikat ng araw kaya inunahan ko na. Bumili ako ng bangus para ipaksiw. Request kasi yun ni mister. Kung maari daw durugin ko ang luya at bawang para makain din daw niya. At gagawin ko naman yun sympre. Request ng mahal ko yun eh. Bumili din ako ng pakpak ng manok. Iniisip ko pa ang gagawin sa pakpak ng manok. Naghahanap pa ako sa fb na pwedeng gawin dun. Para sa mga…
Adobong Chicken wings ang akin naisipan lutuin. Grabe na mahal ng manok ngayon. Nakakagulat na sa presyi. Baka bukas makalawa nasa 200 na ang kilo. Magbago o hindi ang pangulo ganun at ganun pa din. Tataas at tataas pa din bilihin. Sana pati sweldo ng mangagawa tumaas din. Kasi masyado ng masakit sa bulsa
Paksiw na bangus Yun ulam namin ng tanghalian, ulam pa din ng dinner. Syempre sa mahal ng bilihin ngayon dapat mag tipid. Kailangan din rumaket kasi kung sweldo lang ni mister ang aasahan naku kakapusin kami. Mahihirapan akong ibudget. Kuryente tubig at net pa. Di na nga ako nag memeryenda para makatipid haha. Kailangan dumiskarte para sa future.
Pumunta kami sa Kawit Cavite para makita ang ganda ng Aguinaldo Shrine ngunit hindi kami pinapasok dahil may dala kaming bike. Pwede naman pumasok kaso iiwan namin ang bike wala naman akonh dalang lock sympre mahirap iwan baka may manganga ng bike. Kaya nag decide nalang akong umuwi. Sayang 1st time ko pa naman pumunta na Araw ng Kalayaan. Marami pa naman ganap ngayon doon. Next time nalang mas aagahan ko para mkaapasok ako. Good morning, arat at mag kape.
Maganda din itong nabili ko sa shoppee. Kapag naubusan ka ng gasul may pang emergency. Hindi ka mangangapa kapag naubusan ka ng gasul. Lalo na mahal gasul ngayon. Hindi ko din alam kung saan ako kukuha ng pera pambili ng gasul. Matagal tagal din naman maubos nag butane at kahit sa halagang 75 pesos may mabibilhan ka.
Lunch done na. Nakahugas na din ng plato. Nakapag walis na din. Pero inaantok na agad. Maaga kasi ako nagising kanina para makapagbike. Gusto ko sana kasing manood sa Aguinaldo shrine ng event don dahil sa Independence Day. Kaso dahil nakabike ako at walang pag iiwanan di nalang ako tumuloy. Umuwi nalang ako hehe Pero ok lang, next time nalang kapag may dala na akong kandado ng bike ko hehe..
Ube pandesal Amin meryenda ngayon hapon. Nabili ko siya kaninang umaga habang nag bibike kanina. Dati noon unang bili ko ng ube pandesal maraming palaman na ube at cheese, ngayon parang tinipid na ang palaman. Kaya ginawa ko meron akong condense sa ref at idinagdag ko na palaman sa loob ng tinapay. Mas lalo siyang sumarap. Mapaparami ang kain mo. Sa ngayon may tira akong 3 pcs. Sana pag gising ko meron pang tira para may pang almusal bukas.
Late dinner. Nagsimba kasi ako kaya late na ako nakapagluto. Nadaanan ko kanina habang naglalakad. Naisipan ko magluto ng adobong kangkong. Matagal tagal na din kasing di nakapagluto niyan. Nilagyan ko ng tokwa para mas masarap. Di ko lanh napicturan ang tuyo kasi kinuha na nila isa isa. Hehe..happy eating sa mga late kumain.
Nakapamili na ako ng amin pangtanghalian. Inunahan ko na ang nakakapaso ng init ng araw. Kasi mamaya tatamarin na ako dahil di ko keri ang init. Lilinis muna ako ng bahay habang tulog pa ang mga anak ko. Mahirap kasi maglinis kapag nandito na sila sa baba. Mamaya ko pa naman gigisingin ang anak ko dahil may online class pa siya ng 8:00. Mamaya na ako makikioag chikahan pag wala na akong gagawin. Ingat sa lahat.
Wala na ngang sarili bahay, hindi pa masaya ang buhay. Yan ang buhay na meron ako. Good morning every one!
Soon to open ang naisip kong business. Dito lang naman ako sa tapat ng bahay mag start at nag naisip ko ay milkshake. Inunti unti ko na ang pagbili ng mga produkto at gamit na gagamitin ko dito. Sana mag click siya para may pagkaabalahan ako. Patnubayan nawa ng ating panginoon ang akin bagong tatahakin negosyo na milkshake. Matagal ko din pinag isipan at nanood pa ako para sa mga tamang mesurement. God pls guide me!
Nakapag open na ako ng small business dito s tapat namin kahapon. Hindi ko lang mailabas kasi mainit wala pa kasi akong payong. Pga iipunan ko pa. Buti nalang may alalay akong tiga hugas ng mga dapat hugasan. Yun anak ko kasi excited din naman mgtinda kaya nag go na. Madami din bumili. Nakakatuwa lang ishare dito.hehe
Happy lunch mga kaibigan. Nakalibre ako ng ulam. May nagdala ng creamy tahong dito sa bahay. Tikman ko daw ang kanyan luto. Tumikim na ako ng isa at talaga naman napakalasa at masarap. Kaya ito akin ulam ngayon. Mapapaextra rice na naman ako nento. Hehe
Kamusta mga kanoise. Ako mejo busy lang sa new small business. Nakakaenjoy naman kapag may bumibili sa akin. Nawawala ang akin pagkabagot sa bahay. Pero mejo may lungkot lang ako nag konti kasi basta.... Pinag papa sa Diyos ko nalang lahat ng nararamdaman ko dahil alam ko balang araw magiging matatag ako. Nakalibre nga pala sila nh shake na tinda ko. Kanina pa sila ungot ng ungot sabi ko later, ayun nag pm ang tita nila at ibinili sila. Happy ang dalawang chikiting. May…
Yung matutulog kang busog na busog dahil nakalibre ng kain sa labas. Nag ihaw kasi sila ng manok at tilapya. Gumawa din sila ng pipino na mapaparami ang kain mo dahil ang sarap ng pagkakatimpla. Kaya ito ako ngayon busog na busog. Gusto ko na sanang matulog kaso baka di naman magising. Kaya mag papababa muna ako ng nakain.
Ayyy! Ang ganda naman gising ko. Pag silip ko kay noise may ft na ako. Daig ko pa na nakipagbalikan sa taong mahal ko. Yung puso ko sobrang tuwa. At habang tinatype ko ito, nakangiti lang ako. Meron man hindi bumalik sa kin pero si ft grbe ang saya. Thank you noise sa pagbibigay ng chance na maipahagi ang iyong binigay sa akin. I love noise so much
Coffee with bread. Di ko nga lang alam tawag dito sa tinapay na ito. Basta binili ko lang siya. Muka kasing masarap at hindi ako nagkamali. 7 pcs na ganyan tinapay naubos ko. Ayaw naman kasi ng bunso ko kaya ako nalang kumain. Nakapagsalang na din ng labahin pero puro kumoy, punda at bedsheet ang nilabhan ko. Para maiba naman magamit namin. 2 weeks ko na atang di nalalabhan. May dinaramdam kasi ako nun mga nakaraan araw. Pero thank you kay God binibigyan niya ako ng Hope…
Habang nagluluto ng maling at egg akala ko nalindol yun pala nahihilo lang pala ako. Gutom na ito kaya ako nahihilo. Sabayan pa ng mainit na panahon. Kahit na ka fan ka mainit pa din ang buga. Iniisip ko mamaya patay na naman ang balat ko nento pag bumili ako ng crash ice. Tirik pa naman ang araw. Ulam namin maling with egg at ang tirang munggo kagabi na luto ng mister ko. Nakakatuwa naman at gusto niya siya ang magluto ng munggo pero ako ang nag gayat ng mga isasahog dito.…
Nakaidlip na ako ng 30 minutes. Kailangan na ulit kumilos para mailabas ang tindang shake ko. Mas mabili kasi ng ganitong oras kasi ganitong oras din ang mainit ang panahon. Kaya kailangan ng bumangon at bumili ng crash iced. Malapit lang naman ang bilihan ksao lang sobrang init.
Medyo matumal ang akin milkshake. Bigla kasing nagbago ang panahon. Pero intay lang maaga pa naman. Wala pang batang ngalalaro sa labas. Kaya wag mainip malay natin may maligaw na bumili. Wala din akong meryenda pero naisip kong mag kape ngayon. Pangpawala ng bagot at antok. Oh lord bigyna mo po ako costumer. Pls!!!!
May napulot akong laruan. Nalipad siya kapag on siya. Di ko alam kung kanino ito. Basta nakita ko lang nalaglag sa tapat ng bahay namin. Hinanap ko din kung sinu may ari. Kaso wala talagang katao tao sa lugar namin. Di pa din ako nawawalan ng pag asa. Mgkakabenta din ako. Hehe
Ang sarap ng luto ng mister ko. Burger steak! Para na din kaming kumain sa jollibee ang laking tipid. 2 nights na siyang nagluluto. Siguro sawa na siya sa luto ko kaya siya na ang nagluto. Sa akin pabor yun dahil kahit ako nagsasawa sa luto ko kaya ngayon ang dami kong nakakain Bukas naman libre hapunan dahil ang kapit bahay namin magluluto ulit. Fathers day, kaya mag celebrate daw kami. Lets eat ka noise.
Good night mga kanoise. Antok na ako.! Pero dahil sunday bukas. Off ako sa pag gising ng maaga. Makakatulog din ng kumpleto ang tulog. Hindi muna ako mag bibike bukas. Gusto ko talagang matulog ng matulog. Ewan ko ba at ang hilig ko matulog ngayon. Kahit mainit nakakatulog pa din ako. Sunday na bukas at Fathers day. Hindi ko al kung paano ko babatiin ang asawa ko. Jehe. Sa totoo lang hindi kasi ako malambing na tao. Ewan ko ba. Mas malambing pa ako sa mga hayop. Haha..…
Good morning friends! Sarap sa feeling yung pag gising mo may nagluluto ng almusal mo. Ewan ko ba kung meron sa Mister ko at siya ang may gustong magluto. Ako lang ang nagtimpla ng kape niya. Hehe. Sunday is family day at bukod dun celebration pa ng fathers day. At dahil may handaan mmaya sa tapat ng bahay makikiamoy nalang kami. Hindi naman kami naimbitahan eh haha..
Nakabili na ng pang ulam. Tilapya ang akin nabili. Iihaw namin ng mister ko. Nainggit kasi ako sa mga post dito na puro pritong tilapya. At dahil mahal ang mantika, ihaw nalang ang akin ggawin. Lalagyan ko ng maraming sibuyas at kamatis para masustansiya ito. Tapos nag sawsawan toyo na may kalamansi at may sili. Naku mapaparami na naman ang kain nento. Haha
Tapos na mag lunch! Sarap ng inihaw na tilapya. Palibhasa ngayon lang ulit nkapag ihaw. Mas gusto ko kasi na ako gagawa ng ipapalaman. Sa iba kasi tinitipid. Yun kasi ang pinaka gulay namin kaya dinadamihan ko. Busog na naman ang tummy ko. Hindi na mapiligilan ang paglobo ko haha.. Ok lang basta pagkain ang binabantayan ko hindi buhay ng ibang tao haha
Minsan di ko maiwasan ang panghinaan ng loob. Kasi kung sinu pa yun pinanghuhugutan mo. Siya pa yun tatalikod sau. Pero wag magpadala sa emotion. Kailangan maging matatag para sa sarili. Dahil may mga anak akong na nakadepende sa akin. Hays! Buhay talaga! Di mo alam kung kailan ka susubukin. Pero alam kong nanjan si Lord. Iiwan ako ng lahat pero si Lord hindi.
Nagdidilim na naman ang kalangitan. Sinu bang hindi magkakasakit sa pa ibang iba panahon. Kanina, tirik ang araw ngayon naman nagdidilim. Sana naman wag umulan kasi lalo lang iinit. Kasi minsan uulan konti tapos biglang titirik ang araw. Kyaa yun singaw ayun mas nagpapainit. Watch muna ako movie habang nah babantay dito sa mini milkshake ko. Mahaba pa naman ang oras baka may bumili pa. Nakabenta na naman na ako. Kaya di na masama. Hehe
Hays salamat at tumila na ang ulan. Pero atlist bumuhos ang ulan hindi yun nagpapabitin. Kaya naman lumamig lamig ang panahon ngayon. Na talaga naman nakakapagpaantok sa akin. Naglimas din ako ng tubig sa kusina namin. Ganyan talaga jan sa kusina namin kapag umulan ng malakas asahan mo na magbabaha. Di ko alam kung barado ba o sadyang maliit lang ang alulod. Kasi kahit saglit lang ang ulan ayun talaga naman babahain ang kusina. Kapag ganito, may namimiss ako. Lalo na kapag…
Nakadami din naman ako ng benta kahit umulan ng malakas. Thank you Lord sa blessing. Sana mag tuloy tuloy po ito. Daming tao sa labas kasi nga my bday. Pero hindi ako invited hanggan amoy amoy nalang ng handa nila haha. Di kasi namin ka close puro ata katrabaho nila ang inimbitahan dito kasi sa lugar namin wala haha.. Pero nakakaramdam ako ng kalungkutan. Ewan ko ba. Mas gusto ko talaga busy ako. Para di ako nakakaramdam ng ganito.
Boodle fight with our kapit bahay. Sarap ng luto ng kapit bahay namin. May hipon,mais at tahong. Meron din adobong kangkong at marami pang iba. Grabe sogbu na naman si tummy. Gabi gabi nalang busog. Baka matuluyan na ako nento na di magising. Pero ok lang atlis kung di man ako nagising busog naman ako at masarap ang huling nakain ko haha
Sleep time na. Antok na din ako. Peri ang tiyan ko sobrang full pa. Paano ako matutulog hindi pa natunaw ang kinain ko. Baka di na talgaa ako magising nento haha. Anyway maliligo muna ako bago matulog. Di pa pala ako naliligo. Pinatulog ko muna ang bunso ko para makakilos ako. May aayusin muna ako. See you bukas guys!
Good morning mga friends! Break tayo! Nabili ko nga pala sa labas, pancit canton at sinamahan ko na din ng kape para pang pagising at di tutulog tulog. Maglilinis kasi ako ng bahay habang tulog pa ang mga anak ko. Dahil pag nag babaan sila, di na ako makakapag linis. Ayoko kasing maglinis ng bahay ng maraming tao dito sa baba. Kaya kain muna bago linis para may energy.
Kakauwi lang namin ng mister ko galing palengke. Sa malaking palengke talaga. Nag canvas kasi ako ng mga cups na makakamura ako. Syempre kailangan din kumita para at magkaroon ng tubo sa akin muntin milkshake. Hindi pa kami nag tanghalian pero ok lang ewan ko ba parang busog pa ako. Pero tanungin ko mister ko kung kakain siya. Natulog kasi pag uwi.
My meryenda for this afternoon. Buti nalang hindi mainit ang panahon, makulimlim kaso walang hangin. Ano kaya uulan kaya. Pinya ang meryenda ko kasi yab lang ang meron sa ref. Tsaka matamis siya at hindi masakit sa dila. Nakakadami na ako. Hehe
Ang tumal ng shake ko ngayon. Di ko kasi mailabas kasi sobrang init pa. Maarawan maige ang akin paninda. Marami ngang tambay di naman nabili haha.. meron naman bumili pero iilan lang. Pero ok lang. Thats life. Minsan mabili minsan hindi. Kaya wag mainip at maaga pa naman. Keribels yan.!
Kahit madilim nakukuha pa din nilang maglaro ng pool. Tiyagaan lang basta makapag enjoy lang. Minsan lang kasi ilatag yan pool. Kaya kahit madilim nilulubos na nila. Makaklaibre na naman ng hapunan. Makikikain ulit sa kapit baha haha
Egg and toasted pandesal ang almusal namin ngayon. Kaya tinosted ko kasi tira siya kahapon ng umaga sayang naman kung di makakain kaya tinosted ko para may maalmusal. Maglalaba na din ako pag tapos mag almusal, Hindi ko kasi natapos yun labahin kagabi. Kaya ngayon ko itutuloy.
Luto nalang ulit ng burger. Gagawin kong burger steak. Try ko yun ginawa ng asawa ko kung makukuha ko ang luto niya. Yan ang uulamin namin for lunch. Sakto yan pag gising ng mister ko may ulam na at kanin kakain nalang siya. Hehe Tapos na ako maglaba. Bukas nalang ang mga puti binabad ko kasi. Par amas pumuti at mawala ang mantsa. Kape muna ulit ako. Pang pagising sa inaantok kong puso. Baka makalimot ako. Heje
Nakameryenda din sa wakas. Bumili ako ng turon sa kumare ko. Talagang nagutom ako. Ngayon lang ulit nakapag post dami kasing costumer at puro bata ang bumili sa akin. Kakatuwa lang. Sabi ng isang bata, mura daw ang shake ko kaya dito nalang daw sila bibili. Ayaw ko naman din mahalan kung alam ko naman na may tutubuin ako.
Salamat at tapos na ako magligpit ng paninda ko at mga hugasin sa lababo. Di ko napansin na tambak na pala ang mga hugasin dun. Inuna ko muna mag hugas at maglinis ng bahay. Naghakot na naman kasi ng kalaro ang bunso ko at ang mga laruan ay talaga naman kalat kalat. Kaloka.! Hahaha. May nakaabang pa na gawain ang magtiklop ng mga nilabhan kanina. Iniisip ko bukas nalang ako magtiklop at talagang napagod ako ngayon araw na ito. Sunod sunod din kasi nag costumer kanina ang…
Good Morning Everyone! Ang bilis ng araw Wednesday na agad. Sabi ng teacher ng anak ko hanggan friday nalang ang pasok nila. Salamat makakapahinga na. Focus muna ako sa maliit ko. Gusto ko na din kasing turuan magbasa ng ABC. Minsan kasi hirap turuan. Pero di ko naman minamadali kasi bata pa naman. Kumain nga pala kami sa Paresan at ito busog na busog ang umaga ko. Ready to fight na ulit sa buong araw na ito.
Magandang Araw mga kaibigan. Walang ganap sa akin. Ang gara kasi ng panaginip ko kanina. Biruin mo nasa ibang mundo ako. Tapos ang alarm ko 20 minutes ng natunog. Buti nalang nin sumakay ako sa isang bilog para makabalik sa earth dun ako nagising. Naku kaya ayaw ko matulog ng sobrang busog. Kung saan saan ako nakakarating ng panaginip ko. Nub isang beses, lumindol ng sobrang lakas. Halos lahat ng bahay nabiyak. Di ko pa alam kung san ko hahagilapin mga anak ko lalo na ang…
Lunch namin ginisang repolyo na may carots at sayote. Hinaluan ko na din ng chicken na hiniwa hiwa ng maliliit. Ngayon lang ulit nakapagluto ng gulay. Dapat nun isang araw ko pa ito iluluto pero nilagay ko muna sa ref para hindi masira ang gulay. Tara lets eat mga kanoise!
Open na ulit ang mini milkshake ko! Yan lang muna nilabas ko kasi baka maarawan ang paninda ko. Di pa kasi ako nakakabili ng payong na malaki para pananga sa mainit na panahon pwede din panangga sa ulan.naghahanap pa ako ng mura syempre kailangan bugdetin ang hawak kong pera.
Parang uulan ata. Lalamig ang ating gabi. Masarap na naman matulog nento. Kaso mapeperwisyo ang tinda ko kapag umulan. Biglang nawala ang tao sa kalye. Sana may bumili pa para masambot ko ang kita ngayon araw. May bumili na din naman atlist hindi na zero. Masama walang benta. Lugi na sa yelo hehe
Umulan na nga ng malakas with kidlat at kulog pa. Nasstress talaga ako pag naulan. Paano ang kusina ko basa na naman. Hindi lang basa, baha pa. Hays! Paano ba ginawa nila sa alulod nento at bakit hindi swak sa butas. Nakailan gawa na yan pero ganun pa din. Hmmmp! Nakakastress talaga. Imbis na magpapahinga ka nalang maglilimas pa. Sabayan pa ng makukulit na anak. Jusko stress lubayan mo ako.
Good morning! Ang aga aga naman ny blessing! Bigay sa akin ng costumer ko na laging nabili ng yelo sa akin. Dragon fruit, favorite yan ng anak ko. Pag nakita niya yan tiyak na papabuksan niya yan. Kape kape muna tayo mga frenny! Pangpagising sa inaantok natin diwa. Para hindi na tayo hatakin ng ating higaan. Hehe.
Thank God ang daming bumili sa akin ngayon. Malapiy ng masold out nag yelo ko. Maganda talaga kaoag nasa labas ang paninda mas kita ng costumer. Nilabas ko kasi dahil hindi naman maaraw meron tabing. Kitang kita na yun tinda ko. Nagpapasalamat talaga ako sa kapit bahay ko. Sila ang nag suggest na mag business ako. Tapos nag isip ako ng walang tinda dito sa lugar namin. At shake nga ang naisip ko. Di naman kalakihan ang tubi pero nakakaenjoy lalo na pag may nabili. Hehe…
Thank God, ang daming costumer kanina. Hindi makapagnoise ng maayos kasi halos sunod sunod ang costumer. Pero mas gusto ko yun, yun maraming nabili. Nakakatuwa may nagtatanong pa kung open pa ako ng gabi. Hanggan 8pm naman ako dito kasi may ilaw naman ako dito. Naubusan na ako ng yelo kaya sumaglit ako at bumili muna. Sunod sunod pa din ang costumer pagdatin ko. Share ko lang hehe
Pagod na ang lola nyo. Gagawa pa ako ng yelo. At ayusin ko pa ang tindahan ko para ipasok sa bahay. Tapos ang gulo pa ng bahay dahil naghatak din ng kalaro ang bunso ko. Mapapa Jusko po nalang ako haha. Peri ok lang kasi halos maubos ang akin tinda. Bukas mamimili ako ng mga flavor at dadagdagan ko. 7 flavors lang kasi ang meron ako. Kaya dadagdagan ko. Magsasara na din ako kasi gabi na din at wala ng tao sa labas. Siguro wala din bbili haha.. Bukas nalang ulit, aagahan ko…
My breakfast, kape at pancit canton na nabili ko sa labas kanina. Kailangan busog ako ngayon dahil mraaminh nakaatang trabaho ngayon. Laba, luto at linis ng bahay. Sa linis bahay malaan pa kung hindi agad baba ang bunso ko. Kasi pga kababa non naglalaro na siya dito sa sala. Pero unahin ko muna na mag salang ng labahin. Kain muna ako para may masimulan na.
Tapos na kaming kumain, tapos na din magligpit. Its time na magbantay sa munting milkshakan. May mga bumili na. Kaya abang abang muna ako dito sa labas para kung sakaling may bumili madali kong ma entertain. Sinabay ko na din ang akin labahin. Pinagugulong ko pa sa washing. Nakakapagod din ang paikot ikot haha
Good afternoon! Nakapagpost din sa wakas. Silip silip lang nagagawa ko kanina. Ngayon nakaupo din sa wakas. Pero need ko din iprepare ang baon ng mister ko. Kasi maya maya lang papasok na siya. Kami na naman ng mga bata ang maiiwan dito. Pero ok lang sanay na kami. Para sa future ng mga anak namin kaya nagtatrabaho siya. Anyway magpapasalamat ako kay God kasi sinusuportahan niya ang akin small business. Syempre pati sa partner ko na very suportive. Hehe
Kamalas malasan naman oh! Bigla pang umulan ng malakas haha! Pero ok lang nakabenta na naman na ako ng marami. Pinasok ko muna ang paninda ko dahil mababasa. Pati blender baka masira. Open pa din naman ako kaso mas nakakaakit tingnan king nakikita nila sa labas ang tinda ki. Wala pa kasi akong nabibiling payong. At pinag iisipan kong payon o tent ba. Kaso pga tent mahal haha. Pag iisupan ko muna.
Dinner time na! Bumili nalang ako ng shawarma rice dahil kinulang ang amin ulam. Sa mga bata ko nalang pinaulam ang tirang ulam namin kaninang tanghalian. Bumili ako sa kaibigan ko ng shawarma rice dahil support na din sa business niya. Masarap at talagang naman mapapadalawa ka. Pero isa lang ang binili ko kasi di kaya ng tiyan ko, mabigat din kasi sa tiyan. Ngayon palang inaantok na ako pero maya maya na at marami pang aayusin. Magandang gabi sa lahat.
Good night to all! Thank you Lord sa blessing! Thank you Lord sa lahat lahat ang bait mo po sakin. Sana po hindi po kayo magsawa sa oag gabay sakin. May takot pa din sa puso ko, pero piliy nyo akong pinatatag sa araw araw. Araw araw nyo din po ako pinapatawad sa mga kasalanan na akin nagagawa. Salamat sa paggabay. Amen! Antukin na ako. Pagod ang katawan lupa. Gigising nalang ulit ng maaga para makapaglinis ng bahay. Gagawin ko ulit busy ang sarili ko para di ko maramdaman…
Magandang umaga sa lahat! Simulan ang umaga ng may ngiti sa labi para ang positive vibes ay pumasok sa atin. Syempre wag kakalimutan na magpasalamat kay God na nasilayan pa natin ang earth. May pag asa pang baguhin ang mga nagawang pagkakamali at pagsisihan ang mga nagawang kasalanan. At ipakita ang pagmamahal, pagmamalasakit at suporta sa mga taong mahal natin sa buhay ipakita natin yan araw araw hanggat nagigising pa tayo. Dahil di natin alam ang pwedeng mangyare sa…
Chicken Curry Tapos na kami mag tanghalian ngayon lang nakapost kasi may biglang bisita na dumatin. Ang bunso kong kapatid. Nagparehistro daw siya dito sa may malapit sa amin ng kanyan motor. At sakto ant pagdating niya kakain palang kami ng tanghalian. Ayun sumabay na siya sa amin. At mya bigla din bumili ng shake kaya tinigil ko ang akin pagkain. Ayun now lang ako natapos kumain.
Tamang nood muna ng netflix habang nag babantay dito sa munting milkshakna ko. Medyo matumal ngayon,pero ok lang maaga pa naman hintay lang baka sakaling may bumili pa. Nalilibang din naman ako sa panood ng mga movie. Kaya di naman ako naiinip. Meryenda time na, meryenda na kau. Ako maya maya na hehe..
Buhay pa pala ang ginawa kong scrapbook ng panganay ko noon grades school pa siya. Pupuro picture niya ang laman niyan at may mga caption. Noon elem ako di kami pinagawa ng ganyan kundi magluto at gumawa ng kung ano ano, at mgatanim. Masaya noon ewan ko lang sila ngayon haha
Goodnight! Tulugan na! Pahinga time na para marecharge ang ating katawan upang magkaroon ng lakas ang isipan na makaisip ng tama para sa kinabukasan. Gusto ko sanang mag bike bukas, pero parang hindi pwede, pang gabi kasi ang mister ko, bukas pa siya ng umaga uuwi. Ligpitin ko nalang ang mga hindi ko pa natitiklop para mabawasan ang sagabal sa sala. Salahat kasi ng gagawin ang magtiklop ang kinatatamaran ko haha.. Sige na tulog na ako at maaga pa ggising bukas. Sleeptight to…
Good morning Sunshine! Happy Sunday sa atin. Today is family day. Ngayon na din ito na sama sama kami sa bahay dahil rest day ng mister ko. Pero minsan pag restday siya wala siynag ginawa kundi matulog ng matulog sa bahay. Pero ok lang. Kaya nga resy day eh! Haha.. Ako naman, dito lang sa bahay. Alam na natin ang gawain sa bahay hindi natatapos. Na parang walang katapusan haha. Lalo na koaag may maliit. Ayun! Basta kahit anong mangyare be happy lang! Humanap tayo ng bagay na…
Nakalabas din ang mga chikiting ko! Magcacanvas sana ako ng tent. Kaso mas mahal pala dito sa amin. Kaya ginwa ko ni treat ko nalang ang dalawang chikiting na kumain ng gusto nila. Tapos sa akin takoyaki. Isa sa hinahanap hanap ko sa mall ang takoyaki. Kaya yan ang binili ko. Pauwi na din kami para makapag open ng ng mini milkshake ko. Ingats sa lahat!
Umulan na nga! Nawala tuloy ang tao, pero dahil kakadating lang ng tent, nasubukan ang tent nun tinayo kasi namin ito biglang humangin at nagdilim ang kalangitan na nagbabadyang uulan. Ito na nga at umulan na nga. Pero ok lang nakarami na naman ako. Hehe
KMJS na! 90 % patalastas 10% palabas haha! Yan ang mga nababasa ko sa fb kapag KMJS na. Sobrang haba naman talaga ng patalastas. Yung tipong nakatulog ka na kakaantay sa palabas. Hanggan sa pag gising mo wala na, tapos na ang palabas haha! Nagsara na din ako ng mini milkshake ko. Kasi wala na pagod na ako. Di lang naman kasi yan ang iniintindi ko pati mga bata, bahay at ang mister ko. Haha! Lupaypay na talaga. Pagod na!
Kay sarap matulog.nang lamig kasi ng panahon. Palibhasa umulan kahapon kaya malamig ang gabi. Kagising ko nga lang baka wala na akong mabiling pandesal. Baka wala ng maalmusal ngayon umaga. Pero ok lang sulit naman ang gusto kong tulog. Ready to fight ulit ngayon araw. Thank you Lord sa umaga ito. At kahit ko pnag gumising ay ginigising nyo pa din ako. Thank you po sa walang sawang paggabay sa akin. At salamat din po araw araw nyo ako on napatawad. Amen
Ngayon palang nagluluto ng pang tanghalian namin. Naisipin kong lutuin ay fried chicken at gagawa ako ng gravy na may mushroom. Kasi dati fried chicken tapos gulay. Ngayon fried chicken with gravy na may mushroom. Ewan ko lang kung di ganahan ang mga anak ko kumain. Haha
Luto na ang aking finish product. Kainan na.! Nung naamoy ng anak ko ang niluluto ko biglang ginutom kung pwede na daw kumain. Sabi sabay sabay na tayo para isang ligpitan at ahinan. Pagtapos kumain ppwesto na ako sa aking trono. Haha.. bantay ulit at baka may bumili. Happy lunch sa lahat. Pakabusog po tayo!
Ayan na nga uulan na naman. Pag ganitong oras lagi nalang naulan. Pero ok lang nakasambot na ako ng kita. Bago umulan sunod sunod ang costumer ko. Kaya ngayon lang ulit ako nakapag post. Tapos nento prepare naman ng ulam sa hubby ko dahil may pasok siya mamaya. Pang gabi kasi siya. Bago siya nagpahinha inayos niya muna ang tent ko para hindi liparin ng hangin. Ayaw ko talagang umulan di dahil mawawalan ako costumer kundi bbaha na naman sa kusina. Pang asar lang. Dagdag…
Makakalibre na naman ng hapunan. Nag ihaw na naman ang mababait kong kapit bahay. Syempre kasama kami jan sa inihaw nila. Lagi yan kapag nagluluto sila. Kaya kakain muna ako bago ako makipag chikahan sa inyo.haha
Niligpit ko na ang akin tindahan, ngahugas ng plato, nawalis ng bahay. Balak ko sana maglampaso kaso mas naisip kong ituklop ang akin nilabhan nun nakaraan araw. Tagal na nila dito. Kaya unahin ko muna ito. After magtiklop, lilinisan ko ang bunso ko. Nakagawa na din pala ako ng yelo. Hoooooo! Kakapagod din pala hahaha. Ok lang, masaya naman ako. Kasi ayun nga kahit maulan, lumabas pa din ang tao para bumili sa akin. Kaya bukas makakabili ulit ako ng bagong flavor. Pinaiikot…
Magandang Umaga! Gising na naman tayo ng maaga para ang grasya ay tuloy tuloy ang pasok sa atin bulsa. Haha! Kamusta ang morning nyo ako heto nag aantay ng chat ni mister kung pauwi na ba siya o hindi. Siguro hindi pa tapos yun sa trabaho dahil di pa nag oonline eh. Marami daw silang gawa. Sa Oishi kasi siya nag tatrabaho. Sila ang nag titimpla ng flavor. Tinatakal din kapag kailanga iexport sa ibang bansa. Minsan binubuhay din nila kapag tapos na. Hindi biro ang trabaho…
Katatapos lang kumain at heto upo na ulit sa trono. Gusto ko sanang umidlip kaso baka mabitin at may biglang bumili. Nakatapos na din ako sa pagsasampay kaso labas pasok naman ako. Dahil sa hindi maintindihan ang panahon. Manonood muna ako ng teleserye sa netflix para walang commercial. Dere derecho lang ang palabas. Happy eating sa lahat ng kumakain.
Maghapon na naambon ngayon, masarap matulog kapag ganito ang panahon. Nakakaantok pero bawal muna matulog. Mamayang gabi nalang. Meryenda na, balak ko sanang bumili ng shawarma kaso walang bantay dito kapag may bumili. Try kong kontakin ang friend ko na nagtitinda ng shawarma baka pwede siya magdeliver. Pero kung marami siyang contumer baka malabo na madeliverin ako. Kung anong dami ng bumili sakin kahapon siyang matumal ngayon. May benta na naman ako. Ok na yun kesa sa wala…
Hapunan na! Tapos na din kumain! Di ko na napost kasi gutom na at di ko na naisip. Kasi kahiy gabi may nabili pa din. Bait talaga ni Lord sakin. Kahit maulan binibigyan pa din ako ng costumer. Maya maya lanh magsasara na ako kasi feeling ko tutumba na ako sa antok. Maaga kasi ako nagigising kaya eto nahihilo na sa antok.
Good night na sa inyo. Hinihila na papikit ang mata ko. Talagnag antok na antok na ako. Inayok ko muna lahat nag dapat ayusin sa sala at kusina. Ngayon nakahiga na ako sa akin higaan. Nailapat ko na din ang akin likod sa akin higaan. Thank you Lord sa araw na ito. hindi nyo hinayaan na mazero ako sa akin muntin milkshake. Na kahit maulan may mga bumili pa din sa akin. May pahabol pa ngayon gabi. LOrd sorry po sa mga naiisip ko. Pag wala talaga ako magawa kung ano ano…
Magandang umaga noise family! Kamusta ang gising nyo. Ako kanina pa gising ngayon lang napasilip. Maya maya lang aalis ulit ako para mamalengke. Kasi bibili ng ulam at pandagdag sa akin paninda. Mas marami, mas rami din silang choices diba. Pero kalahat lang muna bibilihin ko kasi baka hindi mabili kaya kalahati. Buti nalang kahit papaano may benta ako kahapon. Di na lugi hehe.. sana mamaya may bumili ulit. Aagahan ko nalang bumili ng yelo. Mamaya na ulit guys!
Happy lunch po sa lahat. Nakapagluto ako ng gatang tilapya. Niprito ko muna para mabawasan ang lansa. Gutom na ako kaso busy pa sila. Di ko alam kung gusto na ba nila kumain o ganyan nalang sila. Basta ako kakain na. Tara kain tayo guys!
Ang tahimik ngayon ah! Di naman maulan pero ang tahimik ng lugar namin. Buti nalang may pailan ilan na naliligaw na bumibili sakin kahit papaano may benta. Sa court ata mga kabataan ngayon malapit na kasi ang liga. Mejo malayo kasi ang pwesto ko dun pero isang linya lang naman pag nag uwian sila madadaanan nila ako. Pwede silnag tumambay dito. Bawal lang ang magulo. Jeje
Busog na naman ang inyong kaibigan. Nakikain na naman ako dito sa kapitbahay. Letchon Manok ang ulam nila kaya ako sakto walang ulam sa bahay nakikain na din ako. Habang pang gabi pa ang mister ko hanggat may nakakain dito sa kapitbahay go lang ako. Gusto ko kasi may kasabay kumain kaoag wala akong kasabay di ako nakain. Kaya ako ngayon pataba na naman haha..Di ko na alam kung kailan ulit ako mag didiet basta ang alam ko masarap kumain kasabay sila. Kapag ang uwi ng asawa ko…
Break fast with my Mister! Tuwing umaga sabay kaming kumakain ng break fast. Kakauwi lang kasi niya galing work kaya bumibili na kami ng maalmusal sa umaga. Pandesal ang naisip namin. Minsan kasi kumakain kami ng pares, di naman aari na laging ganun kasi unhealthy food un. Kaso talaga naman mabigat sa tiyan. Tara breakfast tayo guys!
Busy maghapon. Ngayon lang ulit ako nakahawak ng cp. At ang sakit na ng ulo ko sa kasasaway sa mga anak ko. Ang kukulit kasi.! Yun pigil na pigil ka at ayaw mo magalit pero di mo magawa kasi nauubos din ang pasenxa mo. Ok lang naman maglaro at magkalat yun may maririnig kang umiiyak, doon nagpapantig ang tenga ko. Parang umaakyat ang dugo ko sa ulo na di mo maintidihan. Gusto ko ng mag relax. Matulog ng walang humpay haha
Good morning, Ginising na ako ng alarm clock ko. Dahil kagabi di na ako nakapaglinis ng bahay. Dahil kagabi naglalaro pa ang anak ko. Ngayon ko ggaawin bago ko sunduin ang mister ko. Para pag uwi niya maaliwalas naman nag bahay. Di kasi ako makapaglinis ng bhay ng maraming magulo baka mag ala dinasaur ako habang naglilinis haha. Maya maya na din ako mag aalmusal para sabay kami ng mister ko. Linis muna ako. Have a nice day to all.