My lunch for now! Wala kasing kasama sa bahay kundi ang bunso ko lanh. Mga anak ko na sa school na yun mister ko nasa work so bale mamaya pa kami magkikita. Sa ngayon yun bunso ko lang muna ang kabonding kong kumain. Maya maya susundo na din ako. Habang nag aantay nagtitiklop na din ng mga damit na nilabhan ko nun nakaraan araw haha. Mejo matagal na sila sa sampayan kaya dapat na silang tiklupin. Pero kakain muna ako at mejo late na din hehe
@Reysky in September 2022
Ang dami kong pagod ngayon. Paano pa kaya kapag may pasok na yung bunso ko. Paano ko kaya hahatiin katawan ko. Pero keri naman kaso kanina cleaner ang anak ko sa school. Dahil mga bata pa di pa ganun kapulido ang paglilinis nila sa room nika kaya naman tumulong na ako sa paglilinis dahil yun ang napag usapan sa meeting namin kahapon. Kakahiya naman kung hindi ako sasali sa paglilinis. Marami naman kami kaso nakakapagod ang init sa loob ng room nila tapos ang mga bata pabalik…
Fried chicken for my kids and paksiw na bangus for my husband at syempre sakin din. Hindi kasi nakain ng paksiw ang mga bata kaya magkaiba na naman kami ng ulam. Kung san kasi mabubusog ang mga anak ko yun ang niluluto ko. kapag nag crave kaming mag asawa sa ibang ulam iba ang ulam namin haha
Good morning! Gising na ulit ang bulilit ko. Kumakain ng noodles na may rice. Ako naman champorado kaso ubos na. At syempre hindi mawawala ang kape. Champorado sana ipapaalmusal ko sa kanila kaso hindi naman nakain ng champorado kaya pinagluto ko nalang noodles. Dalawa naman silang naghati ang ate niya at ang bunso ko. Ewan ko ba bakit ganito trip nento sa umaga haha.. mga unhealthy food. Pero ok lang bawi nalang mamaya. Magluluto kasi ako ng toge at isda. Yun ang ulam namin…
Rain rain go away muna.plss! Pero wala akong magagawa dahil hinahatak ng bagyo ang hangin habagat. Sana mamaya pagsundo ko sa anak ko hindi na maulan kasi magmumukang basanh sisiw na naman kami haha. Kahit may habong ang ebike ko nababasa pa din nasira ang trapal. Mahal pa naman magpagawa. Kaya sana mamaya wag muna. Wala din kasi akong payong. Yun iba kasi manghihiram kungdi d isosoli, isosoli ng sira kaya ayun ako ang nawalan hahaha
Wala akong maisip na mameryenda kaya yan nalang toge na niluto ko. Para mas mabusog ako. Patay ang negosyo ko ngayon kasi maulan hahaa. Malakas pa naman dahil kada mag uuwian mga studyante sa akin nadaan heheh
Sulit na sulit ang tulog kapag walang pasok ang mga bata kaso hindi naman ako nakapagluto kapag tinanghali na ng gising. Pero nagluto naman ako kaninang madaling araw kasi ang mister ko may pasok. Gumising pa din ako ng maaga pero natulog ako nun nakapasok na siya sa work niya. Sana hindi na maulan ngayon kasi maglalabas ako ng paninda ko. Buti nga kagabo kahit nasa loob na may bumili pa din. Lakas ng trip nun dalawa kahit nag uulan bumili pa din ng shake haha.. syepre…
Naparami luto ko kahapon kaya hanggan ngayon eto pa din ang kinakain ko. Haha! Toge pero maraming sahog yan kaya hindi ka mabibitin. Di din kasi ako namalengke dahil tinanghali na ako ng gising. Yung idlip ko nagtuloy tuloy na matulog. Napuyat din kasi ako kagabi. Basta umulan nagigising ako. Di ako mapakali. Haha Di na din ako magbubukas ng milkshake ko. Hanggan maulan pa din. Di naman sila masisira kasi powder lang naman sila. Yung pearl naman sa ref nilagay ko. Mahina…
Unti unti ng nasisira ang tent ko, parang relasyon lang namin unti unti na din nawawasak. Ay, wasak na pala. Kahit pilitin ayusin di na maayos kasi sira na pala. Hahah Grabe kasing tong ulan na ito kung ano ano napasok sa utak ko haha. Pero khit ano pa ang mangyare tuloy lang buhay. Dahil hindi lang sa kanya na ikot ang mundo ko.. ohhh diba haha
Hot choco sa maulan na panahon. Nagtry lang akong mag hotchoco gamit ang paninda ko sa milkshake. Yung powder na choco hot fugde. Di ako nagkamali para siyang kswiss. Kulang nalang yun marsmallow. Masarap din pala! O diba kapag gusto ng kakaiba try din ang paninda hindi lang sa ahake pwede din sa hot hehe
Break fast: egg mayo Tasty Kape At sopas na bigay ng kapit bahay. Maaga palang busog na agad. Dahil sunday ngayon. Eto yun araw na magastos haha. Kasi nandito ang mister ko. Kung makabili kasi ng ulam yun parang wala ng bukas haha.. kaya minsan na shoshort ako. Kung alam lang niya na di na kasya ang sinasahod niya. King alam lang niya king gaano kamahal ang bilihin. Dumagdag pa ito sa isipin ko jusko hahaa Mamaya nalang ulit...
Pag day off ng asawa ko iba ang trip kundi kumain ng kumain. Kaya eto busog na naman kami. Di ko na napictura kasi paggkaluto palng ny cheese stick na ginawa namin kinain na agad. Tapos nagluto pa ng nuggets, tuwang tuwa ang bagets. Samahan pa ng kikiam ayun lulungad na kami. ang dami kasing naluto kami naman unli kain hahaha.. meron din ako buko juice na nabili kanina kasi bunso ko nasarapan sa buko juice. Ayun sarap matulog kasi busog. Kaso nagpatimpla ng kape syempre di…
Ang batang laging huli kumain. Siya nalang ang hindi tapos. Kami tapos na. Inaantay ko nalang siya matapos para makapagligpit na ako. Sinigang na pork nga pala ang ulam naman. Napadami na naman ang kain ko paano lahat ng tira ng anak ko na pork ako kumain sayang kasi. Wala ng mura kaya wag sayangin. Ako nalang kakain haha
Baon ng anak ko sa school. Dun na kasi sila magtatanghalian. Dahil ang pasok nila 7 to 2. Mejo matagal tagal din sila sa school. Pero ok lang kasi atlist dun matuturuan sila ng teacher. Dito kasi sa bahay kung ano ano ginagawa. Ok naman oag online classes kaso iba pa din yun may nakakasalamuha sila. Para di sila maging mahiyain pag datin ng panahon. Tagal maligo, tagal din kumain. Matagal din magbihis ang daming seremonyas haha
Breakfast ko ngayon hot choko, tasty at egg mayo. May natira pa kasi sa ref na egg mayo kaya ito nalang ang inalmusal ko. Wala na din kasi akong pera. Di ko nga alam kung ano ang lulutuin ngayon na makakatipid ako. Nakakaloka na talaga ang gastusin lalo na may mga studyante ka na napasok at kailangan mag baon at mag almusal sa umaga. Magastos pero ok na din kesa nandito sila sa bahay. Puro computer at cp lang ang inaatupag.
Maganda talaga tingnan kapag nakanuniform ang isang studyante. Kaya naman naghanao talaga ako n swak sa anak ko. 2 weeks din kasi siyanh di naka uniform dahil wala akong mahanapan ng palda niya kaya nagptahi nalang ako. At yan ang ganda niyang tingnan at ang linis pa..
Iba talga nagagawa ng kape sa katawan ko at ulo ko. Kahapon kasi hindi ako nagkape, hot choco lang yun ininom ko. Maghapon na yun. Tanghali palang sumakit na ulo ko, pero hindi ko iniinda kasi dami ko inaasikaso. Mas tumindi anh sakit ng ulo ko non pagdatin ng gabi na halos di ko na nagawa ang mga gagawin ko kasi pagtapos namin kumain, humiga ako at ipinikit ko ang akin mga mata. Akala ko pag gising ko mawawala na ang sakit ng ulo yun pala nandito pa din siya. Kaya ngayon…
Lagi nalang bang uulan sa hapon. Hays! Sa hapon pa naman ang maraming costumer. Anyway, kakauwi ko lang galing school. Sinudo ko ang anak ko sa school. Kasamaan palad inabot pa ng ulan kaya pag uwi namin basanh sisiw kami. Meryenda time na din kaso walang gana kumain busog pa kasi ako. At mejo sumasakit na naman ang ulo ko. Di naman makatulog kasi bantay nga. Magkakape nalang ako para mabuhayan naman ang dugo hehe
Parang 6pm na ng gabi. Ang dilim na ng kapaligiran. Magbabadya na may malakas na ulan at hindi ako nagkamali na malakas nga ulan. Nagbukas na ako ng ilaw ko sa may tent ko kasi madilim na nga. Susundo pa ako sa asawa ko maya maya. Pagsundo ko tumila na ang ulan na ang ulan. Ayaw ko talaga ng naulan ng ganitong oras kahit sana sa umaga nalang o kaya sa gabi. Kaso pag sa gabi di naman ako makatulog kasi maingay. Hays! Tag ulan na talaga!
Good morning! Gising na naman ng maaga.! Baon nga pala ng anak ko, century tuna! Pihikan kasi sa pagkain kaya kung ano gusto niyang baunin, yun ang nilalagay ko sa baunan niya. Pagnaglagay kasi ako ng hindi niya gusto malamang yan hindi niya kakainin at masasayang lang. Atlist ito, siguradong simot. Halos maghapon din kasi sila dun sa school kaya need nila magbaon bukod sa pera. Pang emergency naman yun. Jehe
Kakauwi lang galing sa bahay na nag aayos ng papel ng mister at mga anak ko. May mga documents kasi siyang hinihingi kaya dali dali kong pinuntahan sa bahay nila para iabot ang mga document na kulang. Nag ebike lang ako para walang huli. Pag motor kasi pansinin ng mmda lalo na wala akong lisensya. Buti nalang may ebike kundi baka mamaya pa ako makarating kasi matrapik dito sa lugar namin dahil sa mga ginagawang road widening. Mamaya naman meeting naman sa bunso ko sa daycare…
Pagkatapos ng meeting sa daycare heto naman at sususndo naman ako sa pangalawa kong anak. Mejo ngarag na ako at need ng konting pahinga dahil sa init din ng panahon. Pero na sakin ang mainit kesa naman naulan. Pahinga lang ako ng 5 minutes at susundo na ako. Pagkasundo ko, iidlip muna ako saglit at baka sumakit na naman ang ulo ko dahil 3:30 am palang gising na ako. Mejo nakakapagod din naman haha
Minsan nakakapagod na din intindihin sila. Parang ako lang umiintindi. Parang feeling ko na kahit mapagod ako at magkasakit ako baliwala sa kanila kasi wala ehh! Ayaw nalang kumibo. Ayaw ko nalang magsalita. Basta kung ano nalang mangyare go nalang. Hays nakakapagod. Hindi ko naman siya ginanito noon. Hays!
Good night guys! Times to sleep na. Ito na ang pagkakataon para humiga at magpahinga. Natapos ko na ang dapat tapusin ngayon naman mailalapat ko na ang akin likod sa akin higaan. Napakasarap sa pakiramdam. Wag lang makulit ang katabi ko haha.. Bago matulog mag pray muna tayo. Magpasalamat sa araw na ito. Magandan man o masama ang nangyare ang importante kasama natin ang mga mahal natin sa buhay. At araw araw tayo sinusubukan para maging matatag tayo harapin ang hinaharap.…
Pahinga muna kahit 5 minutes tapos larga ulit sa mga gawain. Magluluto naman ako ng amin ulam. Pang hanggan hapunan na din para mamaya wala na aking iisipn kundi mag saing nalang magluluto din ako ng sago para sa akin paninda. Sana hanggan mamaya maaraw para maraming bumili sakin haha.. Magsasalang din ako ng labahin na mga kobre kama para bumango bango naman sila. Mejo matagal tagal ko silang di nalabhan kasi sobrang busy minsan di ko na alam ang uunahin ko. Hays! Tapos na…
Birthday treat ng pamangkin ng mister ko. Nakalibre ng meryenda. Kasama na hapunan. May ulam na. Ngayon ko lang naalala na birthday pala ng pamangkin ng mister ko, ayun binati ko. Nasa ibang bansa kasi sila. Nababasyon sila ngayon sa california pero kung nakuha na ng mga bata ang kanilang green card dito sana sila magbabakasyon. Pero dahil hindi, sa californina at ang handa niya ay umabot ng Pinas. Busog na naman ang mga tiyan namin. Salamat sa kanila. Heje
Baon ng anak ko, maling at itlog. Yan din ang almusal niya. Tinatanong ko siya kung ano gusto niyang baunin para di na ako magiisip kasi mejo may kaartehan kasi sa pagkain. Nag almusal na din ako, tasty at kape para mabusog lang. May tira pa kasing tasty kaya yun ang akin inalmusal. Friday na pala ngayon, bukas wala na silang pasok. Makakaidlip na ulit ako pagnakapasok ang mister ko. Pag weekdays kasi mula 3:40 am hanggan 10 or pass ako nakakatulog kasi may inaasikaso pa…
Gatang Tulingan Sa totoo lang yan pa yun ulam namin kahapon. Dahil nakalibre kahapon, eto at may natira pa. Hindi muna ako nagluto kasi sayang naman kung hindi makakain. Kaya ito muna bago ako magluto ng bago. Iba talaga kapag gata ang ulam na kakagana kumain. Lalo na kung may kagat na anghang. Kay sarap! Buti natutunan ko magluto ng gata sa nanay ko. Bicolana kasi nanay ko mahilig magluto ng gata. Talaga naman masarap kapag natikman nyo. O siya kakain muna ako ng mataps na…
Ano pa kaya pwedeng pagkakitaan. Hindi na kasi ang hirap na talagang umasa sa partner ko. Kung pwede lang talaga siya ang pagbabudgetin ko, ginawa na ko na. Ng malaman niya ang sweldo niya ay kulang pa. Sa mga bayarin palang sa bahay. Sa mga pagtaas ng bilihin. Gustong gusto ko talagang sabihin. gusto ko din sabihin na yung kinikita ko sa pagtitinda sa shake nagagamit ko na din dahil sa pagtaas ng bilihin. Minsan mas gusto ko na ako nalang ang magtrabaho at soya dito sa…
Tirik pa din araw, pero sa likuran ko maulap at mejo naririnig ko ang kulog. Uulan kaya. Sana wag muna. Mamayang gabi na. Para makarami ako ng benta. Kasi kapag naulan walang benta. Para naman makatulong tulong dito sa bahay sa gastusin ayaw ko kasi na nasusumbatan ako. Lalo na pagdating sa pera. Magreklamo siya kung ginagamit ko sa pang paganda ang perang binibgay niya. Eh kaso ni sarili ko nga di ko mabilhan. Kahit nga sabon para sa muka ko di ko na mabilhan. Shampoo…
My simple brunch Kakain nalang sila. Mejo na sana mood ako kaya may pa ganyan design. Sayang lang nasa trabaho ang mister ko kaya yun baon nalang niya muna ang kanyan kakainin. Pang amin na muna ng mga bata. Hindi naman ako nakainom kagabi pero parang may hang over ako. Paano yung pabango jan sa kapitbahay namin ubod nakakahilo.ginawa atang pabango sa bahay nila o ginawang pabcon basta ang sakit sa ulo. Kaya di ko maintindihan ang nararamdaman ko. Nahihilo na nasusuka. Pero…
Good morning madlang pips! Maulan na naman dito sa amin. Boring na naman ang araw na ito. Lalo na naman nakakulong sa bahay dahil hindi makalabas. Hays buhay nanay! Salo ang daigdig! Char! Hahaa
Sunday is Family day. Kasama ko ang mister ko ngayon mag almusal. Minsan lang toh kasi lagi ngang may pasok. Buti nga pag linggo di na siya napasok napapagod na daw kasi siya. Hindi tulad nood hataw kung hataw. Kape ,pandesal at itlog na may hotdog.. kakain din kasi bunso ko kaya may hotdog favorite niya kasi yan hehe
Adobong paa mainit init pa. Galing pang kawali. Haha Dahil wala akong maisip na mailuto ayan nalang. All time adobo, favorite ng nga Pilipino. Hindi nakakasawa, talaga naman uulit ulitin mong lutuin at kainin. Kami lang ng bunso ko, mamaya gagawa na kami ng module. Madali lang naman kulay kulay muna kami hehe. O siya kakain na muna ako at mejo late na ang tanghalian ko.
Ngayon lang ulit nakapag online. Sobrang busy ngayon araw na ito. Hindi ko na maisip na buksan ang noise ko dahil busy sa mga bata. Nagtuturo pa sa module ng bunso ko dahil ang daycare di pa pwedeng face to face. Di nga ako nakapag luto ngayon kasi wala na din pera haha. Wala pang sahod ni mister. Pero mamaya meron na baka bumili nalang ng lechon manok. Para di na ako magluto. Wala din ako sa mood. Di ko din trip ang luto ko ngayon. Meryanda time na pero walang pang…
Almusal ng mga kids ko ang pancake. Sa akin naman kape syempre kuha na din ako ng pancake, gusto ko din kasing kumain. Nakakatakam din kasi ang pancake lalo na kung may Goya na ipapahid o kaya Maple. May kasama naman siya sa box niya na maple kaya yun ang ipapahid ko. After kong mag almusal at natapos na magbihis ang anak ko. Ihahatid ko naman sila sa school. Mejo malapit din naman kaya kahit quarter kaming dumating ay ok lang kasi gumagamit naman kami ng ebike para…
Sa hindi inaasahan. Tumaya ako sa raffle.120 ang isang taya. Hindi talaga ako nasali sa ganyan kasi nanghihinayang ako sa pera. Pero pinilit ako ng isang frend ko na tumaya ako, tulong na din ba. Ayun tumaya ako! Ilan days bago iraffle. Di ko na nga pinansin at hindi din ako nanood ng live kung paano iraffle. Basta tinagged nalang ako sa post niya na ako ang winner. Syempre shock ako kasi di ko naman inaasahan never pa akong nanalo. Ayun! Swerte lang nanalo ako ng brand new…
Wala ng tigil ang ulan! Hindi na nakakatuwa. Haha. Ano ba ang meron at sobrang maulan ngayon. Lugi negosyo ko ngayon haha. Pero ok lang ganun talaga ang life. Buti kahit papaano may benta. Bali ba naman nagdadalawang isip ako kung magbubukas ako. Sana pala hindi nalang. Nakatulog pa sana ako haha. Pero ok lang ganun talaga minsan di mo inaasahan ang ganitong panahon. Nakaluto na ako at nagsara na din. Wala na din naman kasing bibili kasi maulan na. Sana lang mamaya pag…
Iba talaga nagagawa ng pera sa tao. Minsan nakakapagpapasaya, minsan nakakapagpalungkot. Pero mabubuhay ba ang tao ng walang pera eh halos karamihan ng tao ang problema ay pera. Yung iba kahit anong kayod, kahit anong gawin diskarte kaso ang pera na nakukuha nila ay kulang pa din. Yung iba sobra sobra ang pera pero yun ang nagigimg mitcha ng buhay nila. Pera nga naman! Bakit ganun nalang kahalaga sa tao ang pera. Sabi ko pa naman sa sarili ko hindi ako mamomoblema sa pera…
Ang tahimik na naman sa lugar namin. Nagtatago na naman ang mga tao sa kani kanilang bahay. Yung iba nasa school pa. Nalulungkot talaga ako kapg ganitong oras walang gaanong tao. Pano pati business ko apektado hahaa. Yung buhok ko namumuti ng maigi sa kakaisip. Kaya minsan mas masarap matulog kasi walang iniisip. Maliban nalang makapnaginip ka ng masama. Nakakalimutan ko na din kasi pagmulat ko iba na agad nasa isip ko haha.. na mimiss ko na ang sarili ko. Di naman ako…
Baon ng anak ko, chicken fillet na gawa ko. Nasarapan kasi siya kaya nag request siya. Ipnadagdagan niya kasi pinatikim niya sa clasmate niya, ayun nasarapan kaya dinagdagan ko para mabigyan ang klasmeyt niya. 20 yrs na kami ng mister ko. Ano pa kaya ang mga pagsubok na ibabato ni lord sa amin. Kasi habang tumatagal di na dib nagiging masaya. Sa totoo lang! Hahaha
Paano ba gagawa ng masasayang ala ala kung ikaw mismo malungkot ka. Yun fb ko puno na din ng kalungkutan. No picture no post paano wala naman nag lalike haha. So di na niya ako mahal ganern!
Di naman siguro masama mag unfriend ng friend sa fb ng asawa ko. Masyado kasing papansin eh! Naiinis ako. Sinabihan na nga siya, ginagawa pa din. Edi ayan unfriend ko nga. Tapos mag tatanong siya bakit di na sila friend. Sorry siya ako gumawa ng fb ng asawa ko kaya may karapatan akong burahin siya. Instalk niya pa fb ng asawa ko. Di niya malalaman yun kung di niya ni search. Duh!!!!
Late post:! Dinner ko kagabi. Nagcelebrate kasi kami ng aniversary namin kahapon. Actually, maagga palang binati na niya ako. Ako hindi ko siya binati. Niyakap ko lang siya ng mahigpit. Ayun, pag kauwi niya ng trabaho. Nag aya siya na kumain kami sa labas. Buti nalang di ako nagluto kasi walang kakain haha.. Swerte din kahapon kasi nakabenta ako. Nun naubos ang yelo ko kahapon di na ako bumili, nagsara nalang ako at nagpahinga para pagdating ng asawa ko may energy pa ako…
Kape at tinapay ang almusal ko ngayon. Yung tirang pandesal ang kinain ko kasi sayang kung hahayaan ko nalang manigas at amagin dito kaya imbis na bumili, kainin ko nalang. Sayang kasi! Di bali kung mura ang pandesal. At syempre sa panahon ngayon masama ang nagtatapon ng pagkain. Baka lalong lumayo ang grasya sa hapag kainin. Di ko ba nilagyan ng palaman. Sinawsaw ko nalang sa kape. Aba masarap din naman yun diba. O siya at akoy kakain. Mamalengke pa ako pagtapos ko kumain.
Late breakfast! Ayun nalate ng gising kaya late din ang breakfast. Makakapagtanghalian pa kaya kami. Sayang kasi yun kanin feeling ko mapapanis na kaya siningag ko na agad para hindi masayang. Sakto may tira pa kaming ulam kagabi kaya ayan din inalmusal namin. Ngayon nagtatanong ang asawa ko kung ano ulam namin ngayon tanghalian. Biniro ko, di pa natutunaw kinain natin yun pang tanghalian na agad nasa isip mo. Ayun napangiti siya haha... Kakatapos lang kasi kumain, pagkain…
Ang ganda ng panahon ngayon. Bukod sa mahangin, maaraw at walang bahid na uulan. Sarap lang tumambay ngayon dito sa labas kasi marami din tao na nadaan. Nakalibre nga pala ako ng meryenda kasi meron may bday dito at nayaya akong kumain. Kumuha lang ako at dinala ko sa bahay kasi yung mga bisita dun di ko naman kilala kaya unuwi ko nalang. Di naman kalayuan kaya ok lang di naman halata haha. Eto busog di malaan kung makakain pa mamaya haha!
Maulan na hapon. Buti nalang di ako nagtinda. Alam ko kasi na masama ang panahon. Umaga palanh umuulan na. Kaya ginawa ko nag turuan nalang kami ng bunso ko ng bagong module niya. Pinapractice na din namin ang mga kanya at tula na ipinagagagawa sa kanya. Minsan nasunod minsan ayaw na at gusto na din maglaro. Wala eh bata pa. Kaya mas more laro pa ang gusto. Kaya utay utay lang muna ang turo para hindi naman magsawa ang bata. Mag kakape muna ako at inaantok na naman ako. Haha
Good night guys! Ngayon lang ulit nakahawak ng cp. Busy today kasi focus sa bunso ko. Module kasi siya kaya mahabang pasenxa ang akin ginagawa. Kasi kada turo ko may larong kasama. Tapos may kulitan. Ayaw sumunod sa instruction haha.. kapag umiikli na ang pasenxa ko, nag bebreak kami kasi baka mapalo ko kaya sinsabi ko na kumain muna tayo. Tska pag ok na ulit balik na sa gawain. Ayun, natapos naman namin ang task niya ngayon araw. Bukas ulit haha.. Kaya matutulog na ako para…
Nakaprepare na ako ng baon ng anak ko. Ang almusal naman niya ngayon tasty na may palaman Goya. Request niya kasi yan. Kagabi pa lang bumili na ako kasi di ko na maasikaso kapag sa umaga. Gusto ko kasi ready na lahat sa umaga kaya nag sstock na ako. Tsaka tinatanong ko din siya kung ano babaunin at aalmusalin nila. Para di na ako nanghuhula haha.. Tara almusal tayo! Kape at tasty din ako..
Nacomment ako sa frend ko na ipasyal niya ang bago niyang pusa dito sa lugar namin. Di ko pa kasi nahihimas ng matagal ang alaga niya. Ang cute pa naman. 8k ang bili niya jan. Ang hilig nila sa mga pets. Parang ako kaso ako di ko afford bumili ng ganyan at ang mister ko di mahilig sa hayop mag aaway lang kami haha Nakikihimas nalang ako madali lang naman sila paamuhin eh. Haha
Kasing dilim ng kapaligirin ang akin buhay. Naghahanap ng liwanag kung ano ang dapat sundin. Puso ba o ang isip. Nagtatalo, nag aaway masakit ang ulo sa gulo ng buhay ng akin nararanasan. Nasaan na ang liwanag, nasaan na?
Good morning! Kape kape muna sa malamig na umaga. Ang aga aga blankonagad utak ko hindi makapag isip kung ano dapat unahin o gawin. Ewan ko ba yun utak ko lumilipad ngayon. Hindi ko kasi maintindihan. Ang aga aga magulo agad isip ko. Mababaliw na ata ako haha.. O siya pagtapos ko magkale matulog nalang ulit haha
Signal no. 3 na daw sa cavite at bukas wala na din pasok. Pero mahina pa naman ang ulan dito. Ayon sa balita mamaya pang hapon o gabi ang daan dito sa amin. Pero sana hindi na ganun kalakas kasi. Ayaw ko talaga ng umuulan na malakas. Mababasa na naman ang akin kusina at kailangan tàkpan ang dapat takpan. Yun asawa ko nasa mga katrabaho niya. Niyaya kasi siyanh mag inom ngayon lang naman. Kaya pinayagan ko na.
Ito na kaya yun bagyo. Malakas na kasi ang hangin at ulan ngayon gabi. Ito pa naman ang ayaw ko yun binabagyo sa gabi. Kasi di natin alam ang pwedeng mangyare. Kaya dapat handa ka. Na charge ko na ang mga flash light namin. Pati na din ang cp incase of emergency. Nagload na din ako. Kaso di naman nakikisama ang katawan ko kasi yun tagiliran ko nasakit. Di ko alam bakit. Di na naman ako makakatulog nento. Ganito talaga ako kaoag mat ganitong bagyo. Malakas man o mahina. Di ko…
Almusal tayo guys. Kape na mainit at pandesal mamili na lang kung anong palaman gusto mo hehehe.. kasi ako dairy cream di ako mahilig sa reno. AsAwa ko ang mahilig jan. Mga junakis ko mahimbing na natutulog sa ngayon. Dito kasi sila sa sala natutulog. Kami naman mag asawa sa kwarto haha. Ewan ko ba mas trio nila dito sa sala. Bago kasi matulog naglalaro pa sila. Kaya pag baba ko magulo ang sala haha
Kuha ko kanina yun di pa umulan. Nanganib na naman ang milkshake ko. Sa awa ni Lord kahit papaano may benta ako. Di talaga ako pinababayaan. Ngayon lang ulit nakapag post kasi di dahil sa busy kundi wala ako sa mood. Wala sa wishou mag isip. Ewan ko ba! Haha
Good morning! Tapos na lahat. Nakapasok na ang anak ko. Pahinga muna ngayon. Mag iisip ng iuulam ngayon. Magbabawas muna ako sa aking kinita kasi wala pang sahod si mister kasi ang agency nila mukang inipit na naman nila. Kaya yun iba nag cash advance at syempre may bawas yun. Yun ibang agency mapagsamantala talaga. Di biro ang trabaho sa pabrika kaya sana wag silang abusado. Ibibigay nalang sa mga manggagawa, ipopostpone pa nila.
Good morning! Spaghetti my break fast. Nakabili sa labas kasi gusto din ni mister ng spaghetti. Naka prepare na din ako ng baon ng anak ko, baon niya pagpasok sa school. 7 hours din kasi siya dun kaya kailangan niya magbaon. After naman nito magsasalang na ako ng labahan para mamaya magsampay nalang ako. Kaso mukang hindi magpapakita si haring araw kaya baka hindi agad matuyo ang akin labahan. Pero maaga pa naman kaya wag mawalan ng pag asa ahaha. O siya kakain muna ako.…
Yung siga ka mag park ng motor mo na halos na sa gitna. 😂 Ok lang naman wala naman din gaanong sasakyan na nadaan sumaglit lang dito sa mga tropa niya. Parang nag mano lang siya at sinasabinh buhay pa siya at busy lang sa buhay. 😂 Wala po siyang sinabing ganun. Imagination ko lang....
Kape sa umagang kay ganda! Syempre may kasamang pandesal yan. Masama din naman uminom ng kape ng walang laman ang sikmura dapat samahan ng solid food. Akala ko kapag saturday makakapahinga ako yun pala hindi haha. Maaga pa din magigising. Ito nag iisip kung ano ang sisimulan para di na antukin. Buti mga anak ko tulog pa ako gising na agad. Sarap din kasing matulog kapag malamig ang panahon. Amihan season na ata kaya malamih na ang hangin. Kagabi nga lang tumambay ako sa…