360 View ng Cloud 9 Antipolo

6 45
Avatar for Rena
Written by
3 years ago

Napakasarap langhapin yung sariwang hangin na sayo'y dumadampi. Malayo samaiingay na lugar at mga luntian halaman na nakapalibot sa lugar na ito.Mga nagsisispaglakihan na mga puno, at kay sarap sumilong sa lilim nito.

Makikita nyo din ang malawak na lupain na animoy napaka patag. Yung ang tingin mo kase nasa mataas na lugar ito. Yung Hotel din nila dito ay kayang kaya sa buget nyo. Masarap dito pag ikay gustong magrelaks, maaliw ka sa mga tanawin na nakapaligid at yung presko ng hangin ay syang malalanghap mo na napakasarap sa pakiramdam.

At wag mamroblema tungkol sa pagkain dahil may canteen din sila dito at super sulit yung bayad mo dito sa pagkain nila. At libre na ang pag akyat mo sa hanging bridge kung ikaw ay kakain sa canteen nila. Pero kung may baon ka at busog naman, halagang 70 pesos lang din naman bayad nila sa entrance fee. Na kung saan ito ang madalas na dinayo rito. Unang pagkakataon ko po iyong nakapunta don kaya syempre di ko na pinalalagpas pa ang pagtawid sa nakabitay na tulay don. Habang nasa kalagitnaan na ako yumuyugyog ng yumuyogyog po itong tulay na to. Madami kase kaming nagsisipag akyat don. Pero nakakatuwa naman din sa kabila ng lahat, kahit nakakatakot pero nung malapit ka na sa finishing line kumbaga ang sarap na sa pakiramdam, wari'y nabunutan na ako ng tinik at nakahinga na din ng maluwag. Habang binaybay ko kase yung tulay na yun kaba sa dibdib ko at kabog ang nagsisipag unahan. Pero nung nakarating na ako sa dulo kay sarap at parang wagi ako dahil napagtagumpayan ko, at nakayanan .

Sabi nga ng iba , harapin mo ang kinatatakutan mo. Subukan din nyong makapunta dito at umakyat nang sa gayo'y mawala din ang pangamba at kinatatakutan nyo sa buhay. At may hardin din sila dito, subrang saya at mapayapa po ang lugar na ito at pati na yung pag iisip mo maging mapayapa din.

Kung overload ka na sa trabaho subukan mo din namang magbyahe para ika'y makapag relaks at marefresh ka sa araw araw mong gawain.

1
$ 0.01
$ 0.01 from @TheRandomRewarder
Sponsors of Rena
empty
empty
empty
Avatar for Rena
Written by
3 years ago

Comments

Lugar na ayaw ko Ng balikan... Nakakatakot Ang hanging bridge πŸ˜…πŸ˜…πŸ˜….. pero challenging Naman...

$ 0.00
3 years ago

Yes, challenging talaga, kumbaga parang pagsubok lang din sa buhay na napagtagumpayan mo,pagnaabot mo na yung dulo😊.

$ 0.00
3 years ago

Takot ako sa matataas na lugar. Hindi ko ata kaya yan πŸ˜… simpleng tulay nga lang sa baryo ng lola ko halos mag magsabay ng magtuluan ang luha at sipon ko.

$ 0.00
3 years ago

Ganon ba, lakasan ng loob lang talaga. Ako mahina yung heart ko, pero inisip ko kase that time na, nakaya nga ng iba ako pa kaya... Hehehe, pero ang layo ng ng narating sa utak ko nung time na yon😁

$ 0.00
3 years ago

Pwede din naman pero hindi mo lang talaga maiwasang magisip ng nakakatakot na bagay habang tumatawid jan πŸ˜†

$ 0.00
3 years ago

Tama, sari-saring pangyayari maiisip mo, habang baybay mo yung tulay,ganon nga nangyari sakin,hinanda ko na sarili ko,kasama tlaga dasal.

$ 0.00
3 years ago