Tatay

0 22

maliit pa kami ...nag aabroad na ang tatay ko! Taong 80's usong uso ang pagpunta ng Saudi Arabia ..matagal din namalagi ang aking tatay na Saudi kung kayat di kami nasubaybayan sa aming paglaki; noong panahon na yun dipa uso ang cellphone ,wala pang internet, kung may telephone man pupunta kapa ng ibang bayan para lang makatawag..ang way ng communication noon sa pamamagitan lang ng pagsulat o kaya voice tape! Kontractor ang tatay ko sa Saudi kaya medyo malaki ang sahod..pero pag dumating ang pera sa nanay ko..bawas utang bigay sa kamag anak, utang si kumare ! Kaya ang natitira sa nanay ko ay kakaunti na lamang at kailangan niyang mag budget ng isang buwan..ganoon ng ganoon ang nangyayari ..ngunit wala padin upon ang magulang ko..kaya nagpasya ang tatay ko na umuwi na lamang upang dito sa pinas nalang magtrabaho..mula ng umuwi ang tatay ko ..nasubaybayan na kaming magkakapatid ..kahit di ganoon kalaki ang sahod nya dito..OK lang naman atlist magkakasama na kami..

1
$ 0.00

Comments

mahirap talagang mag tatrabaho abroad. malayo sa pamilya. buti naman nakahanap sya trabaho sa pinas. ilang taon n b sya?

$ 0.00
4 years ago

60 yrs old na siya sa Aug! Pero ngayon need nyang magpahinga dahil nagkasakit siya..kami naman ang mag aalaga sa kanya.

$ 0.00
4 years ago

ano po pala sakit niya?oo pag senior citizen na mahirap na magtrabaho. tama po alagaan niyo po sya.

$ 0.00
4 years ago

mainam din naman na mangibang bansa upang maghanap buhay ang isa sa mga magulang para matustusan ang pagpapalaki sa mga anak, tiis at hirap para mapalaki ng maayos at maitaguyod ng pagpapaaral at maginhawang buhay sa pamilya. Pero mas maganda talaga kung magkakasama ang lahat ,masusubaybayan ang paglaki ng mga anak kahit na minsan ay kapos at least nandiyan ang lahat magkakaramay. Happy fathers day sa lahat ng tatay😊

$ 0.00
4 years ago