"Dagat Ng Apoy"

20 46
Avatar for QueencessBCH
3 years ago

Isang pangyayari sa aking buhay ang nais kong ibahagi sa inyong sa aking ika-pitong artikulo. Ito ay hango sa pangyayari at karanasan na kung maaari ay ayoko ng balikan. Marahil iniisip niyo kung bakit ito ang tema ng aking artikulo. Hindi ko kayo dadalhin sa ilalim ng lupa na kung tawagin sa mas mababaw na salita ay impiyerno. Hayaan niyong isaysay ko sa inyo ang pakahulugan ng temang ito.

Taong 2020 sa buwan ng Abril ika-18 ay naganap ang pangyayaring pumukaw at gumising sa natutulog pang mamamayan ng Brgy. 105 Happyland, Tondo, Manila. Hindi inaasahan ang nagngangalit na mala-dila ng apoy na lumalamon sa mga kabahayan.

Nagulat kami sa mga sigaw na aming naririnig sa labas ng bahay at ang mga tao'y nangangalampag ng mga dingding. Ito pala ay sa dahilang may sunog na nagaganap.

Sabado ng umaga yon, mahimbing pangvtulog namin dahil grabe ang pagod namin nung araw ng Biyernes. Day-off ng asawa ko ang araw na yun kaya naman ang ginawa namin ay kinumpuni ang aming ikatling palapag. Naglagay kami ng mga halaman at kulungan din ng manok, ang lahat ng yun ay gawa lamang sa mga kahoy.

Ngunit palakas na palakas na ingay ay bumangon kami, umakyak ang asawa ko sa bubong at sinilip kung saan banda ang sunog. Ito pala ay sa kabilang iskinita lamang at sadyang napakabilis ng paglaganap nito. Marahil ito ay dahil sa gawa at yari lamang ang karamihang bahay sa mga kahoy at plywood.

Sponsors of QueencessBCH
empty
empty
empty
Aerial shot ito gamit ang isang drone camera

Kinuha ko ang larawang ito sa fb lamang upang maipakita ng buo ang laking pinsala dulot ng sunog. Naibalita rin ito sa telebisyon sa GMA at ABS-CBN, at maraming video na naipost sa fb.

Sa kabila ng pagtutulungan ng magkakapitbahay at kalugar ay hindi kaagad naapula sa halip mabilis na kumalat ang apoy. Napakaraming bombero ang dumating kasama ang mga kalapit barangay ngunit hindi agad maapula ang apoy, tumulong maging ang north harbor ngunit hindi rin agad naapula at nabawasan ang apoy, umabot na ng ilang alarma. Hanggang sa gumamit na sila ng helicopter na may dalang tubig at ibinuhos sa mga bahay na nasusunog.

Hindi ko akalain na mararanasan ko ang pangyayaring ito, isang taon pa lamang ang bunso ko ng mga panahong yun.

Wala kang itinira sa amin

Mabilis kong ginising ang mga anak ko at nakipagsabayan sa maraming tao palabas ng kalsada ng walang bitbit na kahit na ano, kundi ang ipon namin, kita at puhunan ng tindahan ko.

Ubos ang lahat ng gamit na naipundar naming mag asawa gaya ng ref, washing machine, spinner, videoke set, ice cream freezeer, at marami pang iba.

Hindi kami mayaman ngunit hindi rin kami nagkukulang, sapat ang mga bagay na merun kaming mag-asawa. Ngunit ang trahedya ay trahedya!

Walang pinipili, mayaman ka man o mahirap.

Evacuation Center

Isa ito sa kauna-unahang pagkakataon na nakisiksik ako kasama ang mga anak ko sa maraming tao, napakahirap bilang isang magulang na makita ang mga anak ko sa ganung sitwasyon. Walang kamuwang muwang sa kung ano ang dagok na aming nararanasan.

Habang nakaupo kami sa footbridge, tinatanaw ang nilalamong mga kabahayan. Unti-unti ng tumulo ang luha ko hanggang sa ako ay humagulgol na. Hindi ko na napigil na ilabas ang takot at kaba na naramdaman ko, ng mga sandaling yun ay naramdaman ko na ang panginginig ng tuhod ko at bilis ng pintig ng puso. Tinanong ko ang Diyos, kung bakit ngyari ito sa amin? Bakit nga ba? Biruin niyo po, kung kailan wala na ang apoy ay saka bumuhos ang malakas na ulan. Matinding sumbat na marahil ang natanggap ng Diyos dahil sa dobleng dagok na naranasan ng aming komunidad.

Nagtanong man ako sa Diyos ngunit kailanman ay hindi ko pinagdudahan ang kanyang kakayanan.

Nasa isang libong pamilya ang apektado at biktima ng sunog, at maraming kabuhayan rin ang napinsala kasama ang mga bahay at kagamitan.

Tatlong gabi kami na nanatili sa brgy, kasama ang maraming katulad namin na biktima ng sunog. Hindi namin ininda ang banta ng virus na COVID-19 dahil na rin sa sitwasyon. Wala naman kaming magagawa rin!

Pinilit ng asawa ko na gawin ang bahay namin, kahit ito ay mabubungan lamang.

Ang mga larawang ito ay kuha sa aking facebook, ilan ito sa kuha ko sa aking asawa ng di niya alam. Nagsumikap siya na kahit paano ay maayos ang bahay namin at may masilungan kami pansamantala. Tamang bubong lamang at dingding noon, napakainit pa ng paligid pero minabuti namin na umuwi na lamang. Napakahirap bumili ng materyales ng panahon na yun dahil sa nationwide lockdown at napakamahal pa ng mga materyales.

Binalak namin na umuwi na lang ng Subic upang tumuloy sa aking magulang ngunit hindi kami pinahintulutan dahil na rin sa lockdown ng mga panahong iyon.

Maraming tulong ang dumating

Sa kabila ng pangyayari, maraming tulong ang dumating samin.

Screenshot ko mula sa ilan sa mga nagpaabot ng tulong ami

Napakaraming nagpaabot sa amin ng tulong ng mga sandaling iyon, ilan na rito ang aking mga tiyahin at mga kapatid ng asawa ko.

Family card

Ito ay ibinigay sa bawat pamilyang apektado, patunay na kabilang sa mga nasunugan.

Tumanggap rin kami ng tulong mula sa iba't-ibang uri ng ahensiya ng gobyerno tulad ng DSWD at FDA. Ilan pa rito ay ang mga politiko, simbahan, foundation at napakarami pang indibiduwal.

Nakakaiyak, ngunit ito ay luha ng galak! Na sa kabila ng ngyari may mga taong taos puso at bukas palad na handang tumulong sa amin na naging biktima ng sunog.

Mensaheng Pangwakas

Dumaraan tayo sa mga pagsubok na kung minsan ay sadyang hindi natin inaasahan. Ngunit hindi nangangahulugan na ito na ang wakas at katapusan. Ibinibigay ng Diyos ito upang subukin ang ating pananampalataya at pagtitiwala sa kanya.

Masakit man at mahirap ngunit dapat pa ring ipagpasalamat!

  • Tandaan:

Pasalamatan natin ang Diyos hindi lamang sa mga biyaya at pagpapala na ating natatanggap, kundi sa mga pagsubok at problema na ating nararanasan.

Marahil magkakaiba tayo ng pinagdadaan ngunit iisa lang ang natitiyak ko, hindi ka pababayaan ng Diyos basta't lumapit at manalig ka sa kanya.

Sa ngayon kami po ay unti-unti ng nakakabangon...

Blessing in disguise nga daw ang ngyari dahil ngayon halos mga bato na ang bahay dito, iskwater man na kung tawagin ngunit masasabi kong iba ito sa kung ano ang maaaring iniisip mo.

Inuna namin na maiayos ang bahay dahil yun ang mas mahalaga, balik uli kami sa tatlong palapag ngunit sa pagkakataong ito ay sementado na. Unti-unti na rin kaming nakakapagpundar muli ng mga kagamitan at ang negosyo ko ay naibalik ko na rin.

Hanggang ngayun binubuo pa rin ang bahay namin, mag iipon at pagkatapos ay magpapagawa, ipon uli tapos paggawa uli. Dahan dahan ngunit may pagbabago.

Naniniwala rin ako sa kasabihan na...

"Hindi baleng manakawan, huwag ka lamang masunugan".

Totoo po yan dahil napakahirap po talaga lalo at nataon pa na may pandemya.



Maraming salamat po sa inyong pagbabasa!

Maraming salamat din sa pagtitiwala sa akin ng aking mga sponsors, patuloy kung sisikapin na mapaghusay ang aking pagsusulat. Hindi man perpekto ngunit mula sa puso ko.

Salamat din sa mga nag iiwan ng kanilang komento at nag a-upvote ng ng aking artikulo.

Higit sa lahat, maraming salamat Rusty at sa lahat ng nasa likod ng platapormang ito.

Mabuhay po kayo at pagpalain ng Diyos! <3


Ang pangunahing larawan ay kuha ng drone camera at nagmula sa facebook

Sinuri ang komposisyon ng artikulo sa 1text.com

Inilatha ngayon: Oktobre 4, 2021

Inilathala ni: @QueencessBCH

Alrights Reserved 2021

To God be All the glory!

9
$ 0.11
$ 0.05 from @Jeansapphire39
$ 0.05 from @RosheiGanda
$ 0.01 from @Jay997
Sponsors of QueencessBCH
empty
empty
empty
Avatar for QueencessBCH
3 years ago

Comments

Sunog ang kinatatakutan ko din kya mainam manakawan kesa masunugan tlga. Buti nga sis dami tumulong sa inyo no. God bless u always tlga

$ 0.01
3 years ago

Oo sis, yun talaga pinagpasalamat namin dahil ang damibg bukas palad. Nakakataba ng puso.

$ 0.00
3 years ago

Uo ah.. Nkakaiyak pa, kasi sa hirap ng buhay eh may mga tao pa ding tumulong

$ 0.00
3 years ago

I don't understand one comma or full stop in this post but I saw the fire and worried did soemthing happen? am sorry if yes.. God be with you

$ 0.00
3 years ago

Yes dolly, me and my family was a fire victim that happened in oir community last year.

$ 0.00
3 years ago

Buti pa kayk sissy no g nasunugan marami tumulong nong nasunugan kami sabi ng nanay ko galing lang sa taguig mayor bawat pamilya 5k daw, buti ung tume na yon nsa abudhabi pa ako kaya mabilis ako nakatulong. Sarili lang ng pamilyanko nailigtas kasi isang bahayblang pagitan ng bahay namin mula sa pinagmulan ng apoy. Grabe ang hirap masunugan

$ 0.00
3 years ago

Oo sis, napakalaking papasalamat namin dahil marami ang tumulong kaya nakakataba ng puso. Katabi niyo lang pala sis, sa amin kabilang iskinita pero malapit lang din.

$ 0.00
3 years ago

Ang hirap talaga masunugan sissy, grabe mas ok pa na bagyo tumama meron kpa makukuha. Naranasan namin yan noon katawan lang naligtas ng pamilya ko kasi isang bahay lang pagitan nmin mula sa nasunugan

$ 0.00
3 years ago

Napaiyak at naawa ako sa iyong kwento .. Tama ka hindi yan ibibigay sayo ng Diyos kung hindi nyo kaya at totoong minsan na tinitesting Tayo kung hanggang Saan Ang ating pa nanampalataya.

Si Job sa old testament kinuha Ang lahat pero double Naman na ibinalik sa kanyĆ  .

$ 0.01
3 years ago

Nung nag sink in sa akin yung sitwasyon sis, buhay kaagad ni Job yung naisip ko at pinanghawakan ko yung gagawin ng Diyos sa amin sa oras na mapagtagumpayan namin lahat.

$ 0.00
3 years ago

Tama sis kase doon mag kakaroon ka ng lakas at PAg asa na pwede ding mangyari sayo

$ 0.00
3 years ago

I'm sorry that you have to go through all that pain. You inspired me of your family's courage. If I we're in your shoes, I wouldn't know what to do. Laban lang talaga! Sana bumuhos pa ang mas maraming tulong para tuluyan na kayonhh makabangon. Sana mabiyayaan na rin kayo ng sarili ninyong bahay at lupa para mapawi na ang mga pag-aalala.

You write well in Tagalog. Keep it up!

$ 0.01
3 years ago

Maraming salamat po, sana nga po magkaroon na kami ng mas ligtas na tahanan. Pagpalain ka po ng Diyos.

$ 0.00
3 years ago

Totoo po, manakawan lang sana at wag masunugan. Grabe anglungkot ko nung nabasa ko ang 1st part ng kwento mo sis. But thanks God talaga dahil He provided. Mahal nya kayo ng sobra at hinding gindi nya pinababayaan ang mga anak Nya

$ 0.01
3 years ago

Inisip ko lang sis that time, everything happened according to His plan at may purpose pa siya sa buhay namin, kaya blessed and thankful talaga kami.

$ 0.00
3 years ago

Napakabuti ng Panginoon sis. Hindi nya kayo pinababayaan. Napakalaking pagsubok ang pinagdaanan ninyo pero nanatili kayong matatag at ang mahalaga katuwang mo ang iyong asawa sa pagbangon. Magkasabay kayong bumangon..

$ 0.01
3 years ago

Tama ka sis, ang pagbangon ay magagawa kung magkasama at magkatuwang ang mag asawa.

$ 0.00
3 years ago

Totoo yan sis... Kaya hanga ako sa ipinakita ninyo ng asawa mo..

$ 0.00
3 years ago

Wow. God is so great all the time. Grabeng kakila kilabot na pangyayari yan sa buhay. But at nakayanan. Whew.

$ 0.01
3 years ago

Oo sis, ito ang pinakamatinding pagsubok samin pero thankful.pa rin ako kasi hindi niya kami pinabayaan. Mahalaga pa rin sa amin ang ligtas kaming lahat, hindi bale ng walang gamit na naisalba.

$ 0.00
3 years ago