Breastfeeding

7 28
Avatar for Qnie
Written by
4 years ago

Ito yung stage ng buhay ng isa ina kung saan nakakabonding kayo ng baby nyo at mas nararamdaman nyo ang pagmamahal ng bawat isa. Gatas ng ina din ang pinakamasustansya gatas sa lahat at walang makakapantay.

Pero ang pagpapabreastfeeding ay di madali. Yung mga first time mommy ay nahihirapan palabasin yung breastmilk nila, marami silang ginagawa para lang mapadede nila ang mga baby nila. Yung iba naman nagsusugat at sobrang sakit kapag dumedede ang mga baby nila minsan pa nga mapapaihi ka sa sakit. Yung kahit wala ka pang tulog at pagod na pagod ka na pero kailangan mo magising lalo na sa gabi kasi baka mabitawan mo yung baby kapag nakatulog ka. Yung di ka makaalis ng bahay kasi iisipin mo yung baby mo baka magutom pero ang masaklap dito kapag umalis ka at napuno ang boobs mo sobrang sakit din na parang nakasemento yung boobs mo at tumutulo pa yung gatas mo ah nababasa ang bra at damit mo syempre pagtitinginan ka pa, etc.

Ang daming sakrapisyo ang gagawin mo kapag nagpapabreastfeed ka. Pero ang mga sakrapisyo to ay katumbas naman ng pagiging malusog ng anak mo at ito na din ang nagsisilbing bonding time nyo. At ang pagpapabreastfeed na din ang pinakatipid na pagpapagatas ng mga anak nyo. Kaya mga mister, ingatan at mahalin nyo mga asawa nyo dahil sobrang laki at daming sakrapisyo ang ginagawa nila mula pagbubuntis, panganganak at pagpapalaki ng mga bagets.

4
$ 0.00

Comments

enjoy lang ang life sis at maintain lang ang pagiging isang mabuting ina.

$ 0.00
4 years ago

Trot sis tsaka habang tumatagal nakakaenjoy talaga lalo na kapag hinahawakan nya mukha mo

$ 0.00
4 years ago

I salute you mam, ako kasi hirap magpa breastfeed, walang gatas.... Huhuhu...

$ 0.00
4 years ago

Sis imposible po na wala kaying gatas. More malunggay at masasabawa na ulam at tubig po

$ 0.00
4 years ago

2 months lang ako nagpa breastfeed. Thankful na din ako kasi, work called na eh. Sayang din ang time.

$ 0.00
4 years ago

saludo ako sa mga mommy na matagal nagpabreastfeed,oo sa una sobrang sakit parang pinupunit ung suso,first week talaga kanda iyak pa ako, pero noong nasanay na ako ok na masaya na akong nagpapadede. Balak kong padedehin baby ko hanggang 2 years old siya kaya lang bigla na lang nawala milk ng dede ko😢

$ 0.00
4 years ago

Sa 1st born ko 2 yrs ako nagpabreastfeed tapos sa 2nd born ko 5 months and counting na

$ 0.00
4 years ago