Third Eye

4 46
Avatar for Pupucutie
2 years ago

Karamihan sa ating mga pinoy ay may ganitong abilidad, hindi lang alam kung paano gamitin at hindi lang alam kung paano palabasin.

Bata pa lang ako ay bukas na ang kakayahan kong makakita ng mga nilalang na hindi ko kauri. Hindi ako pala kwento kasi alam ko naman na madami pa din sa atin ang mga hindi naniniwala lalo na kapag hindi pa nila nararanasan ang ganitong mga pangyayari.

Nagsimula ang lahat nung nagpaturo ako sa nanay ko ng latin words para sa mga pangontra sa mga maligno or spirit na hindi ko nakikita dahil sa lagi akong napunta sa bukid namin na mag isa.

First encounter:

Sa hugasan namin na ang dingding ay kawayan at pawid lamang ( kubo namin sa bukid) kapag anihan kasi ng palay doon kami natutulog upang bantayan yung mga ani na nakuha na.

Isang mabalahibong kamay ang humawak sa aking binti habang nasa kasagsagan ako ng aking paghuhugas. Sa liwanag ng buwan kitang kita ko ang itsura niya,pero hindi ako natakot bagkos ay kinuha ko pa ang itak ko sabay pinalusot ko ito sa dingding namin, ngunit bigla na lamang itong nawala. Kinaumagahan may pasa na yung binti kong nahawakan niya.

2nd Encounter

May tinda kami noon na tabako sangkap sa nganga ng mga nag nganga samin. Isang hapon may bumili sa akin,kilala ko siyang taga tabing ilog at malayo sa bahay namin. Habang pumipili siya nag iisip na ako, iniisip ko kung bakit ang layo ng binilhan niya samantalang madaming tindahan na malapit sakanila na merong tindang tabako. Pero hindi na ako nagtanong kasi hindi nga ako pala salita hinayaan kona lang siyang mamili.

Kinagabihan sa kalagitnaan ng aking pagtulog bigla akong nagising at ako'y napatingin sa haligi namin na kinabitan ko ng ring nakita ko siyang nakatayo doon at nakatingin sa akin. Hindi ako makagalaw at makapagsalita hindi ko magising ang nanay at tatay kong katabi ko lamang natutulog,parang nanigas ang katawan ko hanggang sa napagod ako at nakatulog ulit.

Kinabukasan hindi ko kinuwento ito sa aking mga magulang. Hanggang sa aking nabalitaan kinahapunan yung lalaking bumili sakin ay patay na,doon kona na kwento ito sa nanay ko.

Kaya naman ginawan ako ng nanay ko ng pangontra sa mga nilalang na hindi natin nakikita. Sa isang pulang tela pinagsama sama ang isang krus,pulbura at isang papel na may nakasulat na latin words at kanyang itong binalot sa pulang tela at binigay sakin,huwag ko daw tanggalin sa katawan ko at huwag din daw akong magpapa hakbang sa mga tao.

Ngunit kahit may ganito na ako madaming time parin na ako ay nakakakita at nakakaramdam. Mas lalo pa ngang lumakas ito. Hinahayaan ko lang sila,hindi ako nagpapatalo dahil sabi ng nanay ko kapag daw nagpatalo ako at nagpakita ng kahinaan sakanila doon ka nila makukuha. Na nagiging resulta na hindi mo makontrol ang sarili mo na nauuwi sa pagiging malakas mo pero hindi mo alam ang ginagawa mo sa madaling sabi (kapag sinapian kana ng masamang espirito).

3rd Encounter

Noong high schooler ako sumali ako sa CAT required na sumali dahil kasama sa grado alam ko kung batang 90's ka alam ito.

Madaling araw kami nag iinsayo para dito sa plasa ng brgy namin ginagawa ito,kasama ng ate ko na isa ng ganap na officer ang siya kung kasama para magpunta sa plasa. Dala ko ang rifle na gagamitin sa pag practice namin. Yung kapatid kung dilaw ang atay kung tawagin namin dahil sa kaduwagan dahil sa takot, lalo ng natakot nung time na may magpakita na aso sa amin galing sa puno kulay puti paruot parito minsan tumatagos sa mga puno sa gilid ng plasa. Sabi ko sa kapatid ko kapag lumapit sayo hambalusin mo ng sord mo habang nginingitian ko siya dahil sa takot niya. Sabi ko sakanya bakit ka natatakot aso lang yan tao ka mas may lakas ka dyan sabi ko sakanya para pakalmahin siya. Simula noon hindi umalis ng ganoon kaaga ang kapatid ko natakot nang makita ulit yung aso na ikinasiya kona man dahil sa kasarapan ko ng tulog yun.

Madami pa akong karanasan, lalo na sa mga kaluluwa na hindi pa makatawid sakabilang buhay,mga kaluluwa na hindi pa makita ang liwanag para matahimik at umalis na sa mundo ng mga buhay, yung mga kaluluwa na hindi pa matanggap ang kanilang pagkawala kaya naman nagliliwaliw pa mundong ibabaw.

Sabi ng karamihan imahenasyon mo lang ang lahat. Isip mo lang ang dahilan kung bakit ka nakakaramdam ng ganito. Ito ang isa sa dahilan kung bakit hindi ko ma e share ang mga karanasan ko.

Kulang lang daw sa pananampalataya sakanya kaya madali kang mag isip ng mga bagay na hindi naman totoo.

Mahilig akong magdasal, noong bata ako lagi akong kasama ng nanay ko sa church. Kapag flores de mayo kami lagi ang nagkakalimbang ng kampana ng simbahan sa madaling araw dahil ang nanay ko ay miyembro ng simbahan.

Hanggang ngayon simbahan ang aking puntahan kapag need ko ng lakas, guidance at need ko ipahinga ang isip ko sakanya ako dumudulog. Siya lang ang nakakapagpakalma ng aking isipan. sakanya lang ako kumakapit.

Yung mga may ganitong kakayahan lumapit lang kayo sakanya para tulungan niya kayong mawala or maibsan ang inyong mga nakikita.

...........................................................................

Thank you in advance.😊

To my sponsor @Kendy42 @LuaDesamor @itsmeCguro thank you for trusting me.

PH Time:4:15pm Date:2-1-2022
Article:#27 Title: Third Eye
Lead emage from unsplash

5
$ 0.96
$ 0.93 from @TheRandomRewarder
$ 0.02 from @LuaDesamor
$ 0.01 from @PrincessMae
Sponsors of Pupucutie
empty
empty
empty
Avatar for Pupucutie
2 years ago

Comments

Hehe, ang dami naman niyan. Sana naman wala ka nang nakikita ngayon. Meron atang nakakapagsarado ng third eye di ba? Base doon sa nakita kung paranormal documentary. Baka pwede doon, paclose mo. ☺️

$ 0.00
2 years ago

Sarado na hnd na siya masyadong active ngayon.

$ 0.00
2 years ago

Wooosh! Bast ako ayoko mabuksan third eye ko. Bahala ka dyan! Heheheh katakot

$ 0.00
2 years ago

Mas maganda yan para hnd mo maranasan yung naranasan ko.😊

$ 0.00
2 years ago