Responsibility of a single person to his parents

5 32
Avatar for Pupucutie
3 years ago

Ito pong muli ako,muling nagbabalik po dto. Kanina po narinig ko na nmn ang kantang MAPA ng SB19 kya naalala kona nmn po ang aking parents. Kya naisipan ko po e share sainyo ng pahapyaw po ulit ang aking kwento.

I was 17y/o ng ako ay umalis sa poder ng aking ama't ina. Nagpunta sa syudad malayo saking pamilya. Dala ang baon na paalala ng aking ina na maging matatag at maging maingat sa lahat ng aking gagawin. Ang payo ng aking ama na maging responsible sa lahat ng desisyon na aking gagawin saking buhay independent.

Tumira sa bahay ng aking kuya. Kya dapat makisama sa asawa't mga anak nya. Gumawa ng gawaing bahay alagaan ang mga pamangkin na maliit pa.Dahil habang wla pang trabaho ay hnd masabihan na batugan ako.

Ako'y naghanap ng hanap buhay ko, pumasok sa isang company na ang sahod ay tama lamang sa isang single na kagaya ko. Pero ito'y akin pinagkasya makapagpadala lamang sa nanay at tatay ko, na nag aantay ng suporta ko. Unang sahod ko kalahati nito ay pinadala ko sabay hingi pa ng ate ko ng panggatas sa anak nya dahil sa wlng maibigay asawa nyang piling binata dahil sa dami ng bisyo sa buhay.

Pero hnd ko nagawang magreklamo dahil kabilin bilinan ng nanay ko na kpag meron ako ay tulungan ko ang mga kapatid ko.

Limang taon napawalay sa nanay at tatay ko bago ko ulit sila nakita nong umuwi ako. Bitbit ang pera na pinag ipunan ko.

Dumaan pa ang araw,buwan at taon napalayo ulit ako sa aking mga magulang na iniibig ko.

Noong dumaan ang bagyong Yolanda sa bayan ng tacloban,nadamay kami kahit malayo na dto. Bahay na aking kinalakhan nasira nito, bubungang natanggal dahil na dn sa kalumaan nito. Ate ko'y tumawag upang ibalita ang masamang nangyari sa aming bahay at ang masaklap ayaw pang iwanan ng aking ama't ina dahil sa palay na mababasa na. Pasalamat ako sa aming lamesa na kahit inabot na ng ilang dekada ay matatag pa dn sya. Sabi ng ate ko doon sumilong ang aking ina habang nilalagyan ng trapal ang palay at bigas ng aking ama.

Sa tigas ng ulo ng aking ama't ina hnd sila mapasunod ng aking ate sa gusto nitong mangyari.

Noong akin nabalitaan ang sitwasyon samin ako'y hnd makapagtrabaho ng maayos dahil sa ang isip ko ay nsa aking pamilya. Dahil wlng tutulong skanila dahil wla ang aking mga kuya na tulad ko'y malayo dn skanila.

Kya naisipan kong umuwi buwan ng desyembre,upang asikasuhin bahay naming naapektohan ng bagyo. Pag uwi ko'y ayos na ang bubungan,inayos daw ng aking mga pinsan. Ngunit sa ibabaw nito'y may trapal na nakapatong dahil sa mga butas na yero ma gawa ng bagyo.

Tinanong ko ang aking ina kung gusto nyang ipaayos ang bahay namin? Sabi nya kung may pera bakit hnd nmn daw. Sabi ko gawa nlng tayo ng bago upang mas maging komportable kayo para hnd na ako mangamba sa seguridad nyo sa tuwing may bagyo at wla ako.

Pinangakong bahay para sa parents ko ay itinayo ko. Akoy nag ipon pra dto upang hnd na mangamba sa kaligtasan ng pamilya ko tuwing may bagyo. Ngayon kita ko sa mga mata ng parents ko na satisfied sila sa kinalabasan nito.

Nawa'y may maka appreciate sa pinaghirapan ko pra sa parents ko. gagawin ko ang lahat pra maranasan nila ang maalwang buhay na hnd nila naranasan noong kami'y mga bata pa.

Marami pong Salamat sa mga babasa at nawa'y may kapulutan kaung aral at nawa'y ma motivate ko po kau sa kwento ng buhay ko bilang isang taga pag taguyod sa parents namin.

Pupucutie's short story. for my 10th Article. thanks for reading.

3
$ 0.43
$ 0.38 from @TheRandomRewarder
$ 0.03 from @Kendy42
$ 0.01 from @MisakiLhaine
+ 1
Sponsors of Pupucutie
empty
empty
empty
Avatar for Pupucutie
3 years ago

Comments

Salute sa mabuti mong kalooban para saiyong pamilya.

$ 0.00
3 years ago

Ang ganda naman ngniyong kwento nakakatuwa badta tayo ay nakakatulong za ating mga magulang

$ 0.00
3 years ago

opo masaya po ako na ako ung naging source of income nila. makita ko lamang ang ngiti nila sa knilang mga labi subrang saya kona po non.

$ 0.00
3 years ago

Nakakaiyak nman and nakakatouched. So glad na napaayos mo yung bahay ng parents mo on your own. Marami kang blessings na mrereceive bilang isang mabuting anak. Stay safe alway.

$ 0.00
3 years ago

salamat at kau po ay naiyak at na-touch sa aking kwento. obligation ng isang anak na mapabuti ang kanilang magulang habang ito ay nsa ating piling pa. Ingat dn po lagi.

$ 0.00
3 years ago