Kailangan na ba kitang bitawan?
Naniniwala ba kayo na lahat ng bagay sa mundo ay may katapusan? At walang permamente sa mundo?
Naniniwala din ba kayo sa kasabihan na lilitaw ang totoong kaibigan kapag may hindi inaasahan na mangyayari sa iyo o part na ng itong buhay?
I've been missing here a week already sa kadahilanang wala akong maisip na maisulat dito. Marahil siguro ako ay naubusan na ng kwentong patungkol sa sarili ko. o kaya naman baka naibahagi kona sa inyo ang kalahati ng kwento ng buhay ko.
Recently lang ako ay nagulat,sa kadahilanang ang aking mga kaibigan sa isang social med ko ay nag message sa akin na ang account ko ay na hacked.
Wala akong kaalam alam sa nangyari dahil na din sa hindi na ako active dito.
It was hacked by someone na walang magawa sa buhay. Nagamit ang account ko sa isang malalaswang video na pinakalat at ti-nag mga friends ko.
Sa umpisa nalungkot dahil nadungisan ang dignidad ko. pero doon ko nalaman kong sino sa mga kaibigan ko ang totoo at kong sino ang talagang nakakakilala sa akin.
May ibang nag message at nagsabi na na-hacked ang account ko at ereport kona ito kaagad at magpalit ng password.
May iba naman nag message at nang block without asking kong ako ba ang gumawa non. Anyways hindi din sila kawalan.
Naayos ko at napalitan ng password. but my account is restricted already because of what happened. Nakita ko na taga Singapore ang naka hacked ng account ko. Diba ang galing wala siguro silang magawa sa buhay nila.hahaha
Anyways ngayon nga ay hindi kona mabuksan. ang dami ko ng napagtanungan kong paano ko ma-retrieve ang account ko. pero sadyang pinagkaitan na ako ng kapalaran. hahaha Tatlong social media ko ang naapektohan marahil ay senyales na ito upang tuluyan kona silang iwan sayang nga lang ang mga alaalang naipon ko sa mahabang panahon na sila ay kapiling ko pa at parte pa ng aking buhay.
Salamat na lamang at ako ay naging bahagi sa site na iyon. mapait man ang pagwawakas ko dahil sa nangyari ipinagpapasalamat ko pa din na ganoon lamang ang nangyari.
Lesson learned: siguradohin na lahat ng social media account niyo ay naka private para hindi mapasok ng mga taong mapangsamantala sa buhay niyong tahimik.
Lead emage from unsplash.
Date Published:2-23-2022
Ph time:1:25am
Article:#29
Title:Kailangan naba kitang bitawan?
Let go mo na Yan bro.. ikw ha di mn lng nagsabi andito ka pla.