Hagupit ng mga kamay ng aking magulang

9 39
Avatar for Pupucutie
2 years ago

I'm hesitant to share this to you my dear read.cash fam. because i don't want to expose what my parents did to me when i was a kid.

Ayuko din sanang ilabas ito dahil sa ipinagmalaki kona ang aking ama dito sa isa sa mga article ko. Pero hindi nito mababago ang pag describe ko sakanya as my HERO dahil as a father nagampanan nya naman ang kanyang tungkulin sa aming magkakapatid.

May mga bagay lang talaga na mahirap unawain kapag naranasan mo pero hindi naranasan ng iba.

Kaya naman naisipan kong ibahagi sainyo ang masakit na alaala sa kamay ng aking ama't ina.

• Sa kamay ng aking Ama •

A 12 years old danas na ang marahas na hagupit ng kamao ng aking ama sa tuwing siya ay lango sa alak at sakop ang kanyang utak ng esperito nito. Bugbog sarado ang abot ng mura kong katawan sa mala higante nyang kamao. Ngunit lahat ng ito ay tiniis ko dahil sa maunawain at mapagtiis na puso ko.

Yung pagiging maki tatay ko ay nawala simula ng mangyari ito. Hindi din ako pinagtanggol ng nanay ko sa hindi ko din alam na dahilan kung bakit. Dahil alam ko naman na alam niyang wala naman akong ginagawang kasalanan sakanila.

Pangalawang pananakit sakin ng tatay ko ay gumawa ng peklat na hindi ko makakalimutan sa tanang buhay ko dahil hanggat nakikita ko ito mananatili ang alaalang masakit na nagtatago lang sa kaibuturan ng puso ko.

Gamit ang mga lastikong laruan ko like,guma and tirador pinakuha niya sakin, marami akong guma at tirador pero hindi ko nilabas lahat dahil iniisip ko non sayang pinagkakakitaan ko ito. dahil sa hindi ko alam kung anong gagawin niya dito.

Pinaupo niya ako sa harap niya at ipinalatag ang guma at tirador ko sa harap niya saka inilapit ang lamparang gamit namin kapag gabi na. At sa aking pagkabigla sinunog ng aking ama ang mga ito at ipinatulo sa magkabila kung kamay na walang pag aalinlangan. Ang lead emage ko ay siyang ebedensya sa alaalang masakit na hindi ko makakalimutan.

Pangatlong pananakit sakin ay nung kasama ko ang aking ate na nanuod kami ng vetamax, sa harap ng madaming tao hinampas ako ng flashlight sa leeg ng aking ama na hindi ko alam ang dahilan na kung tutuusin kasalanan ng aking kapatid kung bakit ako nanunuod ng vetamax dahil sakanyang pagyayaya. Buti nalang hindi sa may batok dahil kung nagkataon may paglalamayan sila dahil sa lakas ng hambalos ng aking ama dalawang araw kung ininda ang pananakit ng aking leeg.

Pag uwi sa bahay doon ko nalaman kung bakit galit ang aking ama dahil ang aming sinaing ay sunog at hilaw pa. Na ang may kagagawan ay ang aking ate. Diba ang sakit lang isipin binitbit ka lang para samahan mong manuod ang ate mo ikaw pa ang nasaktan. Samantalang yung ate ko wala man lang ginawa upang ipagtanggol ako sa tatay namin. Marahil ay takot din nung makita niya ginawa sakin.

• Sa kamay ng aking Ina •

Nasanay na ako sa physical na pananakit sakin dahil ang nanay ko ay araw araw akong pinapalo dahil part daw yun ng pag desiplina sakin nung ako'y bata pa. Ultimo pagsagot ng pabalang sa nakakatanda kung kapatid palo kaagad. Ganoon mag desiplina ang aking ina. Kaya naman lalo akong naging loner at hindi palasalita dahil ayukong magkamali at sa harapan ng aking ina.

Pinaka grabe kong naranasan sa kamay ng aking ina ay yong pina luhod niya ako sa asin habang nakadipa at may hawak na libro sa magkabilang kamay sa harap ng altar namin, sabay palo sa hita at binti ko gamit ang limang pirasong walis tingting na paulit ulit.

Habang may pinapasagutan sakin na hindi ko naman alam kung anong ibig sabihin dahil sa lalim ng language na ginamit nya sakin. Na ang isasagot lang naman ay (opo at hindi) pero dahil sa subrang magalang puro opo ang sinasagot ng mura kung isipan kaya naman paulit ulit dahil sa mali ang aking kasagutan.

Diba ang lupit ng nila,pero alam kong mas may grabe pa sa naranasan ko. Sa dami ng napapanuod ko mga balita or mga social media kung paano tratuhin ng magulang ang kanilang mga anak na mas malala pa sa aking naranasan.

Pero sana lang huwag nating ibalik sa ating mga magulang ang ginawa nilang pagdesiplina satin ng ating kabataan. Isipin niyong ginawa nila ito upang ikaw ay maging matuwid sa kasalukuyan.

...........................................................................

Thank you in advance,

At sa aking sponsor mommy kitten @Kendy42 at sa aking new Sponsor miss @itsmeCguro thank you for your trust.☺️

Date Published:1-25-2022
PH Time:11:30am
Article:#26
Title: Hagupit ng mga 
       kamay ng aking magulang

7
$ 2.72
$ 2.60 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Eunoia
$ 0.05 from @LuaDesamor
+ 1
Sponsors of Pupucutie
empty
empty
empty
Avatar for Pupucutie
2 years ago

Comments

I hope somehow, you get rid of the burdens you have for them. Dama ko ung sakit habang binabasa ko. Sana natuto ka ng parenting style na di mo gagawin sa future mong mga anak.

$ 0.00
2 years ago

I think my way of being a parent to my nieces, nephew's and even sa aking mga inaanak i do spoiled them.hahaha wla pa kasi akong anak kya focus sa mga pamangkin. And i know hnd ko gagawin yung ginawa ng parents ko sakin sa magiging anak ko kung magkakaroon man ako ng anak.☺️ Naranasan kona kasi kung gaano kasakit. I'll do a different way of discipline sakanila if ever man.

$ 0.00
2 years ago

Grabeh. Dama ko ang sakit nito.. Grabe sila.mkapagdsiplina sayo noon. Pero i hope marami kang natutununan sa mga magulang mo. Sana ay pinatawad mo na din sila.

$ 0.00
2 years ago

Yeah dami,sa subrang dami nabaon na ako.hahaha Hindi naman ako nagkimkim ng sama ng loob yung katanungan lang kung bakit nila nagawa yun sakin noon na hanggang ngayon hindi ko matanong. basta iniisip kona lang para naman sa ikabubuti ko ginawa nila kaya siguro ganun ang way nila sa pag desiplina sakin.

$ 0.00
2 years ago

Oo nga noh. Isipin mo na lng na ganun pra peaceful ka na din. Magandang displina pero at the same time may pangit konti. Hehe

$ 0.00
2 years ago

yeah,panget lalo na sa panahon ngaun dahil kpag ginawa mo un sa mga bata ngaun tulfo ka.hehe

$ 0.00
2 years ago

Grabeness. I want to believe that this is produced by author imagination, but I could feel the real feeling left behind. Despite of what happened past is past, really that some parents could do things like that. I hope history won't and never be repeated to your next one again.

$ 0.01
2 years ago

I know it's hard to believe,but this is my story and my childhood memory na ayuko ko ng maalala. pero nasa saiyo yun kung paano mo e handle ang ganitong karanasan upang magamit mo ito ng mabuti sa kasalukuyan. even though i have a lot of questions to my parents. ginamit ko pa din ang way ng pag desiplina nila sakin pra maging mabuting tao. ang nakaraan ay huwag nlng nating balikan. dahil sabi mo nga past is past.😊

$ 0.00
2 years ago