Ang aking buhay bilang batang magsasaka Last Part

7 50
Avatar for Pupucutie
3 years ago

Continuition...

Pagkatapos isalansan ang mga nabiak ng niyog saka nmn iipunin sa ilalim ang mga bunot na tinanggal mula sa niyog na syang gagamitin pang gatong. Kailangan bantayan ito dahil pwdeng mahilaw o kya nmn ay masunog. Ang aking ama ang syang taga bantay.

  • Oras na para bumaba ng sapa at maghanap ng mauulam. Malapit lng po ang sapa sa aming koprahan kya bitbit ang aking pamana babaybayin ko ang sapa upang makahuli ng laman tubig,swerte kpag ang aking nahuhuli ay mga hipon o talangka dahil ito lamang ang aking kinakain. Lugi kpag puro isda ang aking napapana dahil hnd ako nakain nito. Sa awa nmn ng dyos at sa galing ko mamana may ulam ako.

  • Pagbalik ko ng koprahan kukuha na ako ng buko para ihalo sa nahuli ko, opo marunong po akong umakyat ng puno ng nyog kya ko po akyatin ung inaakyat ng tatay ko. Natuto akong umakyat ng ayaw akong ikuha ng tatay ko ng buko 9y/o ako. Nagtampo ako noon dahil ung ate ko kpag nag request ng buko umaakyat kaagad ang tatay ko para ikuha ito.

  • Gnun ka unfair ang turing samin ng aking mga magulang. May pinapaburan. Kya simula noon hnd na ako nakisuyo sa aking ama't ina sa mga gusto ko,kusa ko na itong ginagawa..

  • Wla po akong ka close sa mga ate at kuya ko pero malaki po respeto ko po skanila. Hnd ko po sila sinasagot ng pabalang dahil once na ginawa ko po iyon parusa mula sa aking ina ang kapalit.

  • Dahil sa pag akyat ko ng puno ng niyog may pilay ako sa dibdib dahil nahulog ako mula dto.

Habang niluluto ng aking ina ung ulam na nahuli ko, pinalitan ko nmn ang aking ama sa pagdagdag ng bunot na panggatong sa niluluto naming niyog. Matagal maluto ito lalo na kpag limang patong ang pagkasalansan ng niyog kya kailangan hnd mawalan ng apoy. Bantay sarado tlg sya. Pero nmn ewan kpag oras na ng kain pero nakamasid masid pa din.

Pagkatapos namin kumain ng tanghalian na minsan late na at inaabot ng hapon. Pinapauwi na ako ng aking ina para mag asikaso nmn sa bahay. Malayo bukid namin sa aming bahay 45 minutes na lakad kpag mabilis ka maglakad. Bago ako umuwi nadaan muna ako sa gulayan namin para kumuha ng aming uulamin sa hapunan. Sabay ligo sa ilog para pagdating ng bahay magbihis na lamang.

Pagdating ng bahay saka ako mag asikaso,iigib ng tubig ang igiban namin ng tubig ay medyo malayo kya nakakatamad magpabalik balik,kya ang dala dalawang container tig isa sa magkabilang kamay.

  • Sabi ko sainyo dahil sanay na akong magbuhat ng mabibigat ng bagay. Kya nmn ang height hnd na tumaas pa.

  • Minsan pra kumita ng pera nagbubuhat ako ng graba, isang lata limang peso ang bayad.

  • Hnd na po ako nanghihingi ng baon sa parents ko,madiskarte ako noong bata pa ako. Sa school kpag wla na akong papel mangunguha lng ako ng bunga ng bayabas at makikipagpalit sa mga kaklase ko ang kapalit ay papel.

  • Maglalaro ng guma,text,jolens at ibibinta sa mga kalaro na natatalo ko dn. Kung minsan naglalaro ng tatsing at cara cross na kpag nakita ako ng aking ina patay kang bata ka,umuwi kna dahil may pagkakalagyan na ako noon.

Pangatlong araw ng pagkokopra

Balik ulit sa bukid gnun po ulit ang routine sa umaga. Mag prepare ng foods pra sa baon. Tatay at Nanay ko nauna na sa koprahan ulit.

Aalis na ako ng bahay sukbit ang basket na ratan sa likod ko. Babaybayin ko ulit ang madamong daan papunta ng bukid namin.

Mangunguha ako ng bato sa ilog pamato sa aking tirador na lagi kong dala. Minsan napapagalitan ako ng aking ina dahil ang tagal ko dumating ng aming koprahan dahil kpag may nakita akong ibon tinitirador ko.

Nakalimutan ko plang sabihin na may kasama ako. Ksama ko lagi ang aking alagang aso, magaling manghuli ng ibon ang aso ko. Hnd sya nawawala sa mga lakad ko pagpunta ng bukid ang pangalan nya ay si Engki at isa syang babae.

Pagdating ng koprahan napapabuntong hininga ako ng malalim dahil naiisip ko sasabak na nmn ako ng mabigat na trabaho. Ngayon ang gagawin ko ay magtatanggal ng niyog na niluto. Habang ang aking ama ay ang magtatanggal ng laman sa bao. Dto nasusugatan dn ako dahil matalas din ang bao. Kapag natanggal kona lahat sa ibabaw ng kawayan ang mga niyog na niluto tatadtarin kona man ngaun ung laman na natanggal na ng aking ama para kpag isinilid sa sako ay siksik ito. Na kung minsan mas malaki pa sakin ang sako.

Maghapon ulit namin gagawin ito minsan inaabot hanggang kinabukasan pa. Pagkatapos ay hahakutin na namin ito sakay ng (kangga) hihilain ng kalabaw namin pabalik balik ito dahil tatlo lng ang laman nito.

  • Ang isang sako ng kopra ay kaya kong buhatin, katulong ako ng tatay ko magbuhat papunta sa kangga.

  • Na imagine nyo po ba ang isang 12 y/o na magbuhat ng isang sako ng kopra? Hindi ko po tanda kung ilang kilo ang isang sako pero I'm sure mas mabigat sa kilo ko po yon. Kailangan pong tulungan ang aking ama para mabawasan ang bubuhatin nya.

  • Ganoon kahirap ang buhay ko noong bata pa lamang ako. Hinubog ako ng aking ama na matutong tumayo sa sariling mga paa na syang pinagpapasalamat ko ngayon dahil sknya nadala ko hanggang sa pagtanda ang magandang halimbawa para pahalagahan ko lahat ng bagay na aking natatanggap.

Pang apat na araw, ang araw na maibibinta na ang kopra

Kpag nahakot na lahat sa amin ang kopra.Kinabukasan pa ito madadala sa bayan pra maibinta. Sakay ng bangkang de motor na tatlong oras ang lalakbayin sa ilog ksama ako upang makalabas man lng ng aming bario papunta sa bayan at maibili ng pagkain na sa bayan lamang meron.

Masaya na akong makakain ng malaking chichirya kagaya ng (oishi) kapalit ng pagod na aking dinanas habang ako'y nasa koprahan.

Kya natuto kong pahalagahan lahat ng maliliit na bagay na aking natatanggap basta't ito'y iyong pinaghirapan.

Malaki ang aking pasasalamat sa aking ama't ina na ako'y hinubog nila noong ako'y bata pa dahil nadala ko ito hanggang sa'king pagtanda. At naipakita skanila na kya ko ng tumayo mag isa at sa sarili kong mga paa.

  • Salamat sa pagbabasa ng aking buhay, Nawa'y may makapulutan kayong aral sa aking kwento.

Salamat...

5
$ 0.05
$ 0.02 from @Khing14
$ 0.02 from @Kendy42
$ 0.01 from @Jay997
Sponsors of Pupucutie
empty
empty
empty
Avatar for Pupucutie
3 years ago

Comments

Open mo n yong sponsors block mo para makapasok ang may gusto. Click mo yong may $ sign kapag nagsisismula kang magsulat.

$ 0.00
3 years ago

ah gnun po ba un hehehe dko po alam eh, thanks po sa info.

$ 0.00
3 years ago

Maliit n bagay☺️

$ 0.00
3 years ago

Madiskarte talagang bata itong si Pupucute. Matulungin pa! Pasensiya ma mgayon lang ako nadako sa bahay mo sa read.cash hehe

$ 0.00
3 years ago

Nagkokopra din kami dati sa probinsya.. Naranasan ko din magbantay nyan noon.. Hehe.. Enjoy ang experience kapag naalala... Mula sa pagpapakawit ng niyog hanggang sa pagpapausok gamit ang bunot....

$ 0.00
3 years ago

Nakakatuwa ka simulansa una mong article ay aking nabasa hanggang itong pangalawa ,oo na imagine ko kung ano ang mga ginawa mo noong una di Tayo nag kalayo ng karanasan ,pero salamat sa hirap na dinanas natin Tayo ay nahubog at naging matatag. God bless you bro and your family

$ 0.00
3 years ago

Salamat sa pag subaybay sa aking buhay. ata tama ka po nahubog tayo at naging matatag sa dinanas po nating buhay.

$ 0.00
3 years ago