Made Up My Mind to take the Board Exam
Finaaaallyy! After months of struggling on what to do. I finally made up my mind to study for the upcoming May's board exam.
Oops! wait, tagalog session muna tayo ngayon mga beshyy ha? Sobrang nosebleed na po ako, need ko naman tangkilin ang sarili nating wika.
Sobrang tagal ko sya naplanohan since di lang naman ito nasa isip ko. Maraming bagay ang sumasagi sa isip ko these past months. Yung pressure talaga yung dahilan bakit nagiging ganito mga desisyon ko lately, and thank God, meron akong family at partner na nandyan lang always sa tabi ko.
At first, yung pinili ko talaga is work. Work sa field na napili ko para meron akong experience once makapasa ako for board exam. Para na rin mas mapadali ang pag apply ko nang work, need ko nang experience. So yun na nga, Last February 21, nag apply ako and luckily I got accepted. And since wala pa ako experience sa field ko, yung nila sa akin is 12k pesos lang. So para sa akin, luh paano ko kaya mapapagawa ang bahay namin if eto yung salary ko? So, nagchange ako nang plan, nag apply ako nang iba't ibang klaseng work sa BPO.
So yun na nga, I am not sure if may work ba para sa akin sa BPO, titingnan ko pa next week if may papasa ba for me, pero today, napagisipan kong cancel nalang ang work, at focus nalang ako sa board. Sobrang tagal ko sya pinagisipan na halos mabiyak na yung ulo ko kakaisip ano ba talaga yung uunahin ko sa dalawa. Since malapit na ang May, need ko na talaga mag start nang review.
So ito na, officially tonight, nagstart na akong mag open nang book. Balik slowly but surely kesa wala talaga akong gagawin diba.
Kaya for the mean time, ito munang read.cash at noise.cash ang trabaho ko para may extra earnings naman ako. Kahit papaano, nakakatulong talaga nang malaki itong dalawang platform na ito sa akin para di na akong manghingi pa sa partner and parents ko.
Ngayon, super pursigido na akong makapasa for board exam para mas madali nalang din sa akin ang pag hanap nang trabaho. Once kase may lisensya kana, mas mapapadali talaga yung pagtanggap nila sa iyo.
Sa previous article ko, na Engr. Or Call Center, nandoon pa ako sa point nang life ko noon na di pa talaga alam ano yung priority. Buti nalang at nalinawagan ako ngayon na e grab ko na yung chance to be a Licensed Civil Engineer. Para soon, mas mapadali na ang pagpagawa ko nang bahay for my parents, hindi na sya Renovations for the house lang, like makapagawa na talaga ako in the name of the Lord.
Di talaga madali pag galing ka saa mahirap na pamilya noh? Biruin mo, kailangan mong magsumikap para maiahon mo pamilya mo sa kahirapan. Kaya talaga ganito ako, pero di ko rin pala namamalayan na di ko na rin naaalagaan yung mental health ko recently dahil sa pressure.
There were days na nagigising ako at maiiyak dahil wala pa akong nararating. Kaya talaga sa mga students dyan, wag nyo e destroy yung mental health nyo kapalit sa grades. Alagaan nyo yung mental health nyo. Okayy?
So dito lang po ako, share ko lang yung final desisyon ko. Hehe. Salamat sa pagbabasa kahit too personal na itong article ko. Hahaha. Laban lang talaga tayo sa buhay.