Incomplete Kung ikaw ang tatanungin, ano yung gusto mong bumalik? Bukod kasi sa gusto kong bumalik sa pagkabata, gusto ko din bumalik sa panahong nag aaral pa ako π Ewan ko, kapag nakakakita ako ng mga naka uniform, isa lang lagi ang naiisip ko. " ang sarap mag aral" Naiinggit ako.. Naalala ko pa dati, sa college days ko, may "incomplete" akong grade non. Pre requisite pa ang subject na un, kaya kailangan kong habulin. May tinatawag din tayong "best teacher" Kayo ba, may best teacher din ba kayo noong nag aaral kayo? Para sa akin, ang best teacher pala ay ang "experience" Experience sa buong buhay mo, mga natutunan mo, mga napagdaanan mo. At kung bibigyan ako ng grado sa buhay Ano ba? Uno (1) dos (2) tres (failed) or INC (incomplete) Siguro incomplete hehe, marami pa tayong pagdadaanan sa ngayon eh, di pa natin alam ang mangyayari bukas, o sa hinaharap. Marami pa tayong i accept na challenge Marami pa tayong mare realize...ππ
@Ponytail29
Joined 21 September 2022 · 13 posts
A SMILE is the best make up any girl can WEARπ
120 KT
0 KT received · 0 KT given
Posts
Simpleng Buhay Yung ganitong tahanan, tahimik, payapa at napaka simple. Karamihan siguro sa atin, gustong yumaman noh π Yung nabibili lahat ng gusto natin, nakakapasyal tayo sa gusto natin puntahan, nakakakain ng masasarap at higit sa lahat hindi problema ang pera. Siguro sa akin, khit hindi ganon karangya ang buhay, basta masaya ka, kuntento ka, tahimik at payapa ka, okey na okey na saken. Enough is okey for me. Okey lang, kahit hindi lagi masarap kinakain. Okey lang kahit hindi madalas nakakapasyal. Okey lang, kahit walang maraming pera. Okey na ako sa simpleng buhay meron ako. Marami parin dapat ipagpasalamat.. ππ Uso na kasi ngayon ang paramihan ng kasayahan sa buhay π Ctto π·
I love you too Magkikita tayo Kinakabahan ako Hinahanda ko pa Ang sasabihin ko Sinisiguro ko Na hindi magkakamali Itong nadarama Kailangang malaman mo Sabihin kaya kaagad Kung gaano kita kamahal? O maghihntay nalang Hanggang mapalapit sayo Umiwas ka kaya Kung magtatapat ako? Matatanggap mo ba Ang pag ibig kong ito? Na LSS naman ako sa kantang 'to Sino ba dito ang fav si Rey Valera, kanta ito ni Rey Valera eh, ganda ganda ng lyrics nian. Btw, kumusta na dito hehe
Magandang morning... Early shot from my daughter, kung wala akong post dito, minsan naman ke aga aga π Bago mapalitan ni haring araw, isang pic muna mula sa buwan na papalubog na. I hope all is well, at habang papalapit ang xmas, parang mas lalong nagiging busy tayo hehe. Ingat po ang lahat hane. Post and run nalang po ako dito, isa ako sa mga busy tlga..π
Pag usapan naten ang iyong gabi π Ansarap pagmasdan bituin, buwan at mga ulap sa kalangitan. Mayron kung anong ligayang nararamdaman sa katauhan. Hindi mapakali uupo, tatayo nakatingala sa kalawakan. Haplos ng hangin dumampi'y sa balat ramdam hanggang kaibuturan. Mga alitaptap, kuliglig naririnig tuwing gabi. Kahit na minsa'y gusto mong tahimik na nakakabingi. Ngunit hindi maiwasan, pag usapan natin ang iyong gabi. Hindi dalawin ng antok, kahit pa magtakip ng kumot. Tatayo, lalabas, uupo kahit nilalamok, buti nalang meron dito balut, Masarap, masabaw ang laman ay nanunuot. Kahit di mo'ko hanapin. Magpaparamdam akong pilit. At kung papalarin, iyong gabi'y pag usapan parin natin. ππ±

Panaginip -Wake Up Your Seatmate- Bakit parating nahihirapan Ang mga taong nagmamahalan Naiipit sa gitna ng kaguluhan π΅πΆ Gusto ng maidlip Para makapanaginip Umalis sa mundong totoo At puno ng gulo Para kahit sandali, ika'y makatabi Para kahit papaano, 'di kana lalayo πΆπ΅ Alam nio ba yang kantang yan, kapag napakinggan nio ng buo ang lyrics nian, maganda ang mensahe niya hehe Kanta nga pala yan saken ni hubby, noong mag gf/bf kame hehe.. Wala lang share ko langπ€ Wala lang din ung alarm clock haha Anong oras na raw, so wake up na.. Happy saturday poπ βοΈπ§
Naranasan nio nabang umiyak? Yung iniyakan nio ang kaibigan mo? Yes po kaibigan, hindi jowa o bf/gf. Naranasan ko po kasi ito. I have a friend, or should i say, my old friend, para sa akin kaya ko siya iniyakan dahil nanghinayang ako sa nasimulan naming friendship. Siguro po, we called "friends in seasons" Para sa akin, ung nabuo naming friendship eh hindi pang matagalan, kumbaga sa mag bf/gf hindi nag grow. We separate, at yun ang iniyakan ko, inisip ko bakit kme naghiwalay? kumbaga sa halaman bakit hindi kame nag grow? Hindi namulaklak? Naiiyak parin ako until now, kasi tumawag sya sa akin kagabi, videocall kame. Masaya ako kasi nakausap ko siya at nagkumustahan. At alam kong kahit siya, nanghinayang sa kung anong meron kame noon. Siguro magkaiba lang tlga kame ng paths, mga interest sa buhay. Sobra ko siyang iniyakan, dahil wala nakong 2nd chance para maging magkaibigan ulit. Sabi nila, sometimes growing up means growing apart. Pasensya na po sa post ko at madrama. Mag goodnight lang po ako sa inyo. ππ
Secret for a long and happy life Napakinggan ko ito, sabi ng isang pari.... EAT HALF... kung kaya mong kumain ng isang buong lechon, gawin mo kalahati lang.π Minsan kaya narin tayo nagkakasakit dahil sa mga kinakain natin. WALK DOUBLE.... Galaw galaw, exercise sabi nga nila walking is the best exercise, meron nga akong kakilala eh, naglakad ng naglakad, ayun hindi na nakauwi π LAUGH TRIPLE.... Tumawa ka, ganito oh π€£π€£ Pansinin mo baka isang buwan kana hindi tumatawa. Kahit walang nakakatawa, kahit mag isa ka lang, go ahead tumawa ka. Don't take yourself seriously.. May mga problema nanjan siya.βοΈ Lapit tayo sa kanya. Sa mga most difficult moments naten, lord bahala kana sa amin. At alam namin nanjan ka lang para sa aming lahat. Hindi tayo pababayaan. Magandang araw po sa lahat. Ingat po tayo sa araw araw..
Bisikleta π΄ββοΈ Kung yung post ko kanina ay ganito, "sa sobrang busy at seryoso natin sa buhay, nakakalimutan na natin magsaya". Eto naman ngayon, " sa sobrang kasiyahan at kalokohan natin sa buhay, nakakalimutan na natin magseryoso" π parang patama sa akin ang post ko ahhπ€ Ano ang koneksyon ng bisikleta? Sabi ng isang sikat na author, ang buhay daw ang parang bisikleta, kailangan mong matutong bumalanse para makausad. So kailangan pala hindi puro saya lang, hindi puro kalokohan lang, kailangan din magseryoso sa buhay π over all dapat tlga marunong tayong bumalanse sa buhay. Kaya ikaw ponyang magseryoso ka ha, para hindi ka mahulog sa bisikletaπ€£ Ay bago ko makalimutan yung bike na yan pala ay kay @cjjamer hehe ginamit ko lang na pic, credits aming lalabs. Gandang hapon po sa lahat hane..
Sa sobrang busy at seryoso natin sa buhay, nakakalimutan na natin magsaya. Enjoy life inga ka, kasi maikli lang ang buhay. Kailangan naman kasi tlga natin yan sa nakaka stress na buhay diba βΊοΈ Happy smiles are priceless. Kahit marami tayong pagsubok, kahit marami tayong pinagdadaanan, takasan muna natin sandali, 'wag natin kalimutan maging masaya. Happiness is a matter of choice. Kasi napapansin ko kahit yung may mga sakit, nagagawa parin nila magsaya, ngumiti at maging positibo sa buhay or kahit yung may mga kapansanan, nakukuha parin nila magsaya even if just for a short period of time. πChoose it every single day.βΊοΈπ Happy yarn.. Mapagpalang umaga po sa ating lahat. Ingat po san man magpunta..
πLegacy Skl ito dito, naipost ko na ito sa NC pero deleted na ito. Siguro para lang ito sa mayayaman. Pero syempre dedepensahan ko tayong nasa lower middle class at yung tinatawag nilang poorest of the poor. Sa mayayaman wala yata sila problema, kapag nawala na sila, kasi may iiwanan silang kayamanan. Yung sinasabi nila na hindi naman madadala hanggang libingan ang pera o kayamanan, totoo naman 'yon, dahil ang purpose naman tlga non eh para sa mga mahal mo sa buhay na naiwanan mo. At para sa lower middle class at poorest of the poor. Anong legacy ang maiiwanan natin sa kanila.? Natatandaan nio ba yung linya ni Luis Montenegro (Dante Rivero) na gumanap na tatay ni John Llyod Cruz sa isang pelikula. Ito yung linya, "Madalas sa kagustuhan natin maging pinakamagaling, nakakalimutan nating maging mabuting tao" Siguro para sa'kin, hindi ko man nagawa ang best ko, as long as naipakita ko ang pagiging mabuting tao sa kapwa ko, ok na'ko dun. At ito siguro ang legacy na maiiwanan ko. "Ang maging mabuting tao, at maipagmamalaki pagsapit ng takdang panahon". Parang walang konek ang pic haha basta, aalagaan ko parin siya hanggang sila ay dumami.. Magandang gabi hehe Seryoso ako ngayon π€£
Bagahe May mga bagaheng hindi nakikita Hindi nahahawakan Pero mabigat sa pakiramdam..π Ngayong buwan at araw Oct 29 ang isa sa pinakamalungkot na nangyari sa pamilya namin. Pumanaw ang isa sa kapatid ko sa sakit na Leukemia. Taong 2010 bandang 3am nakatanggap kme ng balitang pumanaw na kapatid ko. Healing may not come quickly but it will come. Kahit matagal na nandto parin ang sakit. Ngayon ang ika labindalawang taon niya sa langit. Bagaheng ilang taon ding binitbit at tanging panahon at mga mahal sa buhay na naiwan ang kasa kasamang umalalay sa bagaheng kay bigat dinala. Ang larawan sa ibaba ay bagahe ng barkada ko, galing ibang bansa, ipinangalan nia lang sa akin at ito'y dumating na. Naisipan ko lang ikonek sa post ko. Mag iingat po tayong lahat...
Every picture tells a story.. Naipost ko na ito before sa noise.cash dinelete ko lang. Ito yung panahon na humaharap kame sa matinding pagsubok. Naka save pa pla sa gallery ko. Hawak kamay.. Siguro kahit anong bigat ng suliranin at gaano ka negatibo ang dating sa atin ng sitwasyon, piliin parin natin ang maging matatag at matapang. At huwag kalimutan kausapin siyaβοΈ Kung ano ang gusto nia at nandto tayo para tanggapin ang lahat ng mangyayari. Sa dumadaan sa pagsubok ngayon, tiwala sa kanya ang pinakamabisang sandata. Maaaring marami tayong katanungan pero pasasaan pa't mahahanap din natin ang kasagutan.. Ingat po ng marami at inuulan na nmn tayo. Gandang umaga parin sa lahat..