read.cash Log in
@Ponytail29

Pag usapan naten ang iyong gabi πŸŒ™ Ansarap pagmasdan bituin, buwan at mga ulap sa kalangitan. Mayron kung anong ligayang nararamdaman sa katauhan. Hindi mapakali uupo, tatayo nakatingala sa kalawakan. Haplos ng hangin dumampi'y sa balat ramdam hanggang kaibuturan. Mga alitaptap, kuliglig naririnig tuwing gabi. Kahit na minsa'y gusto mong tahimik na nakakabingi. Ngunit hindi maiwasan, pag usapan natin ang iyong gabi. Hindi dalawin ng antok, kahit pa magtakip ng kumot. Tatayo, lalabas, uupo kahit nilalamok, buti nalang meron dito balut, Masarap, masabaw ang laman ay nanunuot. Kahit di mo'ko hanapin. Magpaparamdam akong pilit. At kung papalarin, iyong gabi'y pag usapan parin natin. πŸ’—πŸŒ±

10 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.