read.cash Log in
@Ponytail29

Incomplete Kung ikaw ang tatanungin, ano yung gusto mong bumalik? Bukod kasi sa gusto kong bumalik sa pagkabata, gusto ko din bumalik sa panahong nag aaral pa ako 😊 Ewan ko, kapag nakakakita ako ng mga naka uniform, isa lang lagi ang naiisip ko. " ang sarap mag aral" Naiinggit ako.. Naalala ko pa dati, sa college days ko, may "incomplete" akong grade non. Pre requisite pa ang subject na un, kaya kailangan kong habulin. May tinatawag din tayong "best teacher" Kayo ba, may best teacher din ba kayo noong nag aaral kayo? Para sa akin, ang best teacher pala ay ang "experience" Experience sa buong buhay mo, mga natutunan mo, mga napagdaanan mo. At kung bibigyan ako ng grado sa buhay Ano ba? Uno (1) dos (2) tres (failed) or INC (incomplete) Siguro incomplete hehe, marami pa tayong pagdadaanan sa ngayon eh, di pa natin alam ang mangyayari bukas, o sa hinaharap. Marami pa tayong i accept na challenge Marami pa tayong mare realize...😊💜

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.