read.cash Log in
@Ponytail29

📌Legacy Skl ito dito, naipost ko na ito sa NC pero deleted na ito. Siguro para lang ito sa mayayaman. Pero syempre dedepensahan ko tayong nasa lower middle class at yung tinatawag nilang poorest of the poor. Sa mayayaman wala yata sila problema, kapag nawala na sila, kasi may iiwanan silang kayamanan. Yung sinasabi nila na hindi naman madadala hanggang libingan ang pera o kayamanan, totoo naman 'yon, dahil ang purpose naman tlga non eh para sa mga mahal mo sa buhay na naiwanan mo. At para sa lower middle class at poorest of the poor. Anong legacy ang maiiwanan natin sa kanila.? Natatandaan nio ba yung linya ni Luis Montenegro (Dante Rivero) na gumanap na tatay ni John Llyod Cruz sa isang pelikula. Ito yung linya, "Madalas sa kagustuhan natin maging pinakamagaling, nakakalimutan nating maging mabuting tao" Siguro para sa'kin, hindi ko man nagawa ang best ko, as long as naipakita ko ang pagiging mabuting tao sa kapwa ko, ok na'ko dun. At ito siguro ang legacy na maiiwanan ko. "Ang maging mabuting tao, at maipagmamalaki pagsapit ng takdang panahon". Parang walang konek ang pic haha basta, aalagaan ko parin siya hanggang sila ay dumami.. Magandang gabi hehe Seryoso ako ngayon 🤣

6 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.