Pinanganak ako sa probinsya, dito na din ako lumaki at namulat.
Proud ba ako? Syempre.
Dito, maraming pwedeng gawin, maraming libre at the best ang fresh na hangin.
Sabi pa ng matatanda, basta masipag ka,dito sa probinsya mabubuhay ka, tamad na lang talaga ang hindi kayang mamuhay.
Bakit nila nasabi? Siguro dahil...
Malalawak ang lupain at taniman. Hindi ko sinasabing lahat ng taga-probinsya ay may sariling lupa, dahil kami din wala hahaha. Pero, pwedeng kahit sa bakuran lang, tanim-tanim din pag may time, ayos na, may instant ulam at extrang income pa. Isa pa, dahil maluwang ang mga bukirin, madaming kailangang trabahador sa bukid. Masaya bang pumunta sa bukid, aba! oo naman, masarap tignan ang tanawin at presko ang hangin.
Maraming libre. Tama, dahil madaming pananim, nalilibre na din minsan ang pagkain, mapagulay o prutas man yan. Marami ring libre lang na nahihingi mula sa mga kabarangay. Libre din ang tubig at panggatong, bombahan kasi ang karamihang gamit ng mga taga probinsya lalo na sa malalayong lugar. Madami ring punong-kahoy at syempre matik, marami ring pwedeng panggatong. Minsan, libre din ang swimming pool at picnic sites, nandyan ang ilog, batis, at irrigation (nakaka-itim nga lang).
Masarap mabuhay sa kahit saan pang lugar, probinsya man o sa malalaking lungsod. Kahit ngayon ay limitado ang ating galaw, dapat gawin nating makabuluhan at masaya ang ating mga buhay. Ang importante, fresh man ang hangin o hindi, marami mang libre o wala, basta kasama natin ang mga mahal natin sa buhay at payapa tayong namumuhay, kahit pa salat tayo sa yaman, masaya pa rin ang buhay.
Ako din pinanganak sa probinsya pero lumaki ako sa manila. Sobra akong nasasabik kapag uuwi kami kasi ibang iba yung simoy ng hangin sa probinsya tapos parang ayaw mo na nga bumalik minsan.