Sobrang busy nitong mga nakaraan araw. Sobrang nakakalungkot lang kasi yung aso namin na si Shiro ay nadetect na may Distemper Virus. Sobrang nakakadevastate yung feeling. Kasi 1month palang sya sa amin pero ayun nga at may malalang sakit pala sya na pwede nyang ikamatay. Ang distemper virus ay walang gamot. Ang maaari lang gawin ay tutukan ng pag aalaga at pagmamahal ang aso. May mga nakakasurvive daw at meron din hindi. Nakakalungkot isipin kasi parte na sya ng pamilya namin. Pero sumali ako sa group ng mga nag aalaga ng aso na may mga asong may ganitong sakit. Napagaling naman nila ang mga aso nla kaya lang meron parin naiiwan na pagseseizure. Panalangin ko na sana ay wag kunin sa amin si Shiro dahil mahal na mahal namin sya. Sana humaba pa ang buhay nya.
3 comments
Anong sakit yun at ano ang way para maiwasan ang ganung sakit, siguro ipakita nalang natin sa kanila ang pagmamahl natin bilang owner ng mga hayop
virus sya. naaapektuhan ang nervous at immune system. airborne disease sya e kaya kahit di sya masyado lumalabas pwede sya mahawahan. dpat complete vaccine para maprotektahan sya. eh hindi pa kasi sya complete vaccine kaya sguro sya natamaan ng virus. yes! todo alaga kami skanya.
Waahhhh nakakaawa mukha nya sis oh huhuhuhu so heartbreaking huhuhu