read.cash Log in
@Pandariezl

Magandang Umaga sa lahat! Ayan, ayan. Balik pagtitinda ulit today si Hubbybi. At ang isa sa meryenda na ibebenta nya mamaya ay ang Veggie Balls with Sweet Sauce. Bata palang ako super mahilig nako dito. Makikita mo ito sa mga nagtitinda ng mga fishball, kwek kwek, kikiam at iba pang streetfoods. Pero ngayon, bihira na ito. Super dali lang nito gawin at mura pa. Konti lang din kasi ang sangkap. Carrots, Spring Onion, Harina at Baking powder lang. Syempre may salt and pepper to taste din. At sa sauce naman ay parang yung sauce ng nagtitinda ng Fishball. Yung matamis na sauce ni Manong Magfifishball. Super sarap ito lalo pag bagong luto. Bihira kasi ang nagluluto nito kaya ito ang aming naisip ibenta. Hehe! Try nyo nadin gumawa! For sure magugustuhan ito ng bata man o matanda! Ingat guys!

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.