Sabado, Anong Ganap?
Grabeeeee ang iniiiiiiiiiit! Ramdam na ramdam ko ang gigil ni haring araw sa pagbubuga ng powers nya eh, LOL!
Magandang buhay! Magtatagalog muna tayo ngayon. Medyo duguan ang utak ko kasi ngayon so dapat eh ireplenish ng kaunti para hindi matuyuan ng dunong. Anyway, more on chika ulit tayo today. Wala na naman kasing maisip na isulat ang inyong abang lingkod kaya chika chika muna tayo.
Dumadating din ba kayo sa point na said na said ang laman ng wallet nyo? Yung tipong manghahunting kayo ng barya sa bawat sulok ng bahay nyo? Ganyan ang ganap namin today. So I have 100 pesos na lang sa wallet ko. Tapos sabi ko sa asawa ko eh, bili na lang sya ng kape at tinapay para sa almusal namin. At yun sobra eh pagkakasyahin na lang for lunch total may two days sya na sasahurin mamaya, kaya sya na lang ang bibili ng ulam. Tapos ako kanina, habang naglilinis ng bahay, naninimot ng mga barya barya. Mahilig kasi ako magtabi tabi ng mga barya sa tokador namin. Madami din akong barya na tig 25 cents, kaya ayun, nakaipon ako ng 100 pesos ulit for our lunch.
Hay naku, di ko akalain talaga na maninimot na naman ako. Although meron naman akong pera sa bitcoin.com pero siempre hindi naman pwede na maicashout mo agad yun. Anyway, so ayun nga, since di sasapat sa amin lahat, kasama ang aso at pusa, sabi ko sa anak ko eh hotdog at itlog na lang ulam namin then sardinas sa mga alaga namin. Okay naman sa kanya at sya na ang nagluto. Buti na lang talaga eh mahilig ako magtabi tabi ng mga barya. Basta may sobra akong pera eh nilalagay ko sa kung saan saan. May nangyare pa nga minsan na umalis kami tapos yun bag na di ko madalas gamitin eh yun ang ginamit ko that time. Tapos nagulat na lang ako, pagkapa ko sa loob eh may nakita pa ako na 500 pesos. Nakalimutan ko na talaga na meron pala akong naitabi doon. Kaya kapag nagkakasairan ng laman ng wallet eh talagang halungkat ako sa mga bag at mga sulok sulok kasi baka may makita ako na yaman, HAHAHA!
Then, after makaluto ng anak ko ng ulam namin for lunch na pang almusal, hahaha, nauna na kami kumain ng anak ko kasi tomguts na talaga kao, Paano ba naman eh almost 12 pm na pero wala pa din si asawa. So habang kumakain kami eh nanonood kami ng tv, cooking show ang palabas with matching travel galore. So napag-usapan namin bigla yun outing. Sabi ko sa kanya kapag nagtuloy tuloy na yun work ni Papa nya at makakipon na ako, magbabakasyon kami sa Boracay. Eto yung naging convo namin.
Ako: Nak, bakasyon tayo sa Boracay kapag okay na work ni Papa mo.
Anak: Naku Ma, sana nga mangyare yan.
Ako: Mangyayari yan nak, basta maayos na work ni papa kasi kumikita na naman ako. Last na punta natin ng Boracay eh 3 years old ka pa.
Anak: Ilang araw tayo doon? Baka naman 1 day lang tapos uwe agad. Lumublob lang tayo sa dagat tapos uwe tayo agad.
Ako: Siempre hindi noh. Mga 3 days tayo doon para maranasan natin ang night life sa Boracay ba. Party party tayo sa gabi, drink drink ng wine habang nasa seaside.
Anak: Ay oo Mama, party party ka eh alam mong may sakit ka. Baka mamaya nyan habang andun tayo eh bigla mo sasabihin, "Papa di ako makahinga, dalhin nyo ko sa ospital."
Imbes magalit ako sa kanya eh natawa na lang ako dahil with action pa talaga yun pagkakasabi nya, HAHAHA! Panira ng moment din tong anak ko eh. Pero gusto ko tlaga mag Boracay. Iniexpect ko nga na magBoracay kami kapag nagbakasyon dito ang mga inlaws ko pero mukhang matatagalan pa dahil nga sa open heart surgery ng bayaw ko. Speaking of that, this Monday na sya ooperahan. And hopefully, maging maayos ang maging operasyon sa kanya.
--
So ayun nga mga Marites, yan ang ganap ng araw ng Sabado namin. Sana bukas eh mas magiging maganda pa ang araw namin para may maganda naman ako na mashare sa inyo.
--
Gif from Giphy app
naexperience ko na din yan ung manimot ng barya ate. dati lalo na nung nagkakasakit anak ko tapaos wala pa ko gaanong kinikita.
mukang kalmado lang saturday nyo ate ahh.