Ang Love Story ng Langaw at ng Agta (Chapter 2)
`For those who haven't read the first chapter of this story, I will leave the link below. Mas mafeel nyo guys and story kapag inumpisahan nyo sa first chapter.Thank you!` Ang Love Story ng Langaw at ng Agta https://read.cash/@Pachuchay/ang-love-story-ng-langaw-at-ng-agta-ac3a96e2
**CHAPTER 2** Nasaan ako? Bakit puro puti ng nakikita ko, nasa langit na ba ako? *"Shiela buti at nagkamalay ka na. Nag-alala ako sayo. Kumusta pakiramdam mo?"* *"Anong nangyare. Nasaan ako? "* *"Andito ka sa clinic. Bigla ka kasi hinimatay sa klase kanina."* Habang sinasabi nya yun ay parang gusto ko na din himatayin ulit. Ano daw, nag -aalala sya? Enebe, kashe nemen eh. Tapos hawak hawak nya pa ang kamay ko at ang lapit ng mukha nya sa mukha ko. *"Shiela. "* Tumingin ako sa kanya habang sya ay titig na titig din sa akin. Dahan-dahang lumalapit ang mukha nya sa mukha ko. Gosh Lord, please lang pakihinto ang oras. Bet na bet ko na to, dis is it na talaga! "*Shielaaaaaaa! Anong oras na nakahilata ka pa jan! Di ka ba papasok ha?! Idadaan mo pa to kay Aling Maritess ang order nyang Leche flan! Bilisan mo na dyan! Ratatatatatt, pewpewpew, kaboom! "* Bigla ako nagising sa katotohanan na panaginip lang pala. Eto talagang nanay ko panira ng moment. Damang dama ko na eh, malapit na, konteng push na lang. Tsk! "*Eto na po, tatayo na."* Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, ang mala armalite na bibig ni Mama ang nagsisilbing alarm clock ko na. Siguro kung eto nakasama sa WWII ay siguradong di mauubusan ng bala. Pero don't get me wrong ha, mahal na mahal ko yan. Photo source https://images.app.goo.gl/3xuNLkSLJDnkJbP68
Ako si Shiela Dimagiba, 16 years old. Anak ni Mr. and Mrs. Dimagiba. Pangatlo sa limang magkakapatid at nag-iisang babae. Di naman ako pangit talaga. Sabi nga ng Mama ko ako daw ay maganda(siempre Mama ko sya). Matangos ang ilong, pouty lips at mahahaba ang pilik mata. Sa kulay lang talaga pumalya. Kakulay ko kasi ang taong ulikba. Sa limang magkakapatid, ako lang ang kulay uling kaya ang tawag nila sa akin ay "Agta." Dali dali na akong pumasok sa eskwela. Hindi naman talaga ako late, in fact maaga pa nga. Exaggerated lang talaga si mama. Anyways, pagpasok ko pa lang sa room eh may kumpulan agad. As usual, mga girls na panay pa cute kay "Langaw" este Henry pala. Pero ako dedma lang. Kunyare di ko sila pansin pero sa totoo lang kanina ko pa kinakalbo sa isip ko ang mga babaeng to! First subject namin ay ang aming adviser, name nya is Miss Evelyn Dimaano. Medyo may pagkaterror yata dahil matandang dalaga na pero so far eh mabait pa naman sya. Una naming ginawa ay sitting arrangement. *"Ma'am pwede bang kumandomg na lang ako kay Henry?"* Naku yan talaga ang kanina ko pa gustong sabihin pero kailangan magpigil, dapat di halata. Kapag nga naman tadhana na ang nagtakda, wala ng makakapigil pa! Magkatabi kami ng upuan ni Henry!"Thank you Lord, love nyo ko talaga." *"Hi Shiela, buti ikaw nakatabi ko."* *"Oi, Henry ikaw pala."* Kung alam mo lang, kahit saan mo pa ko gustong katabi ay okay lang. *Please lang, wag ka lage ngingiti, lumuluwag panty ko sayo eh!* After 2 subjects ay breaktime na. Since wala pa ako masyado kaclose na kaklase eh mag-isa ako pumunta ng canteen. Pabalik na ko sa room ng makita ko Henry kasama ang tropa nya. Nasa second floor ang room namin kaya kailangan ko mag stairs, di naman kasi ako nakakalipad eh, char! Malayo pa lang ay tanaw ko na sya kasama ang grupo nila. Jusko ang heart ko nagwawala. Pinagpapawisan ako ng malagkit na di ko maintidihan. Eto talaga ang pinakaayaw ko eh, yun dadaan ako sa umpukan ng mga kalalakihan, nakakailang. Isama mo pa na andoon sa umpukang yun ang nagpapaluwag ng aking panty, este puso pala. Habang hawak ang isang piattos at coke in can ay dahan dahan akong dumaan sa harapan nila. Wala naman kasi ako choice dahil wala namang ibang madaanan. So kailangan normal ang lakad, wag papahalatang kabado na parang natatae. Habang dumadaan ako sa harap nila eh ramdam ko ang mga titig nila na animo ako'y hinuhubaran,(Ganda ka teh?) *"Shiela wait!"* Sabay hawak nya sa siko ko. *"Nahulog ang panyo mo."* *"Ay naku, thank you ulit ha. Lagi mo na lang akong tinutulungan. Nilibre mo pa ko sa pamasahe."* *"Walang anuman, siempre classmate tayo eh."* Ouch, aray, aguy! Ang sakit naman nun. Classmate lang pala. Akala ko crush nya din ako. After 2 boring classes ay lunch break naman.(Halata bang puro breaktime ang inaabangan ko?). Puno na ang canteen kaya sa labas na ako kumain. Habang pumipili ako ng ulam ay biglang may lumapit sa akin. *"Sabay na tayong kumain, libre ko na."* Paglingon ko ay si Henry pala. Enebe, pagkatapos mo sabihin sa akin na "kasi classmate mo ko", eto ka ngayon ginugulo ang damdamin ko. Hindi agad ako nakaimik kaya binayaran na agad nya ang pagkain namin at hinila ako sa isang lamesa.(Oh, lamesa muna,hindi pa sa kama,char!) Habang kumakain kami ay di ako mapakali. Hindi ako makatingin sa kanya grabe. Di ko tuloy malasahan pagkain ko kahit gutom na gutom na ako eh. *"Hindi ka pa din nagbabago Shiela. Ikaw pa din yung dating Shiela na kilala ko."* Hala, wait, ano daw? *"Ano ibig mo sabihin?"* **Then Henry made a mysterious smile......** *to be continued....* Author's note Hey guys! This is it pancit! Akala ko eh hindi ko to maipublish ngayon kasi kagabe eh wala pa talaga ako maisip kung paano simulan ang chapter 2. Pero kapag pala naumpisahan mo na ay tuloy -tuloy na. Kaya sana magustuhan nyo. Abangan nyo po hanggang dulo kasi may irereveal ako sa inyo,Hahahhaha!
**Lead image source:** **http://www.tumblr.com** `Date Published: August 28, 2021`
43 comments
LT tong part na to mommy hahahaha. Ouch aray aguy hahaha. Bakit si @ruffa naiimagine ko na character dito 😂
Hhahaha, mukhang may pagkaruffa nga yan character na yan ah..
Dapat pala Ruffa yung pangalan ng character, hindi Shiela hahahaha
Hahahahha, natawa ko dun pretty
Shiela Kasi name ni sc mommy hihi
Oo nga eh, nawala sa isip ko, hehe
Shiela pa-style kapa ha, palagi nalang may nahuhulog sayo. Baka mamaya iba na ang mahulog sayo nyan :D.. Nakakabitin sis. Pwede more pa agad agad? Feeling ko talaga nagbabasa lang ako ng pocket book. Galing!..may potential sis!..
Hahahahaha, thank you sis! Mamaya umpisahan ko na ang kasunod..
Push mo yan sis
Wow! Hanip nami imo story nang bitin lang HAHAHAHA bwas liwat. 😍
Hahaha, thank you, yesssstry ta buwas ang kasunod😂
Wow! Magandang storya ah! Anong kasunod nito?? Naalala ko tuloy mga kabataan ko na medyo pasaway ng kaunti hehehe
Hehehe, abanagan sis at salamat at nagustuhan nyo nmna..
Hehe medyo nabitin eh!!
Ano ba yan bitin na naman madam😀, bka sa susunod ung Panty na malaglag kay shiela, ay naku wag naman sana hihi
Hahhhaha, who knows😂
Bet na bet pakbet... Hahahaha I love the humour tas yung segway.. pwedeng mailagay sa libro nang
Hehehe, thank you gah. Naku buti at nagustuhan nyo talaga. First time ko magsulat ng ganito eh..
Hidden talent mu to nang... Nakaka-aliw promise lalo na yung mga segways.. hahaha
Hahahaha, maganda ba talaga gah? Akala ko nga di magugustuhan eh kaya thankful ako at tinagkilik nyo. Salamat! !
Hehehee don't doubt your abilities nang. You are really doing good
Heheh, thank you! ❤
Welcome nang ♥️
Please write in English also 😭😭😭😭😭😭 I want to read your al amazing posts :)
Oh my, I'm sorry. I forgot that I also have english readers.. I will next time..
Pag medyo pinahaba mo to mmmy pwede na ipublish sa wattpad hehe. Nakakabitin basahin parang gusto ko muna tuloy matapos 'to saka ko babasahin ng dirediretso 🤣
Kikita babko kapag pinublish ko to doon😂. Hahaha pwede din pretty para di ka mabitin..
Sisikat ka lang haha pero kapag marami na ang nagbabasa kikita ka na rin 😂
Ay ganun ba hehehe.. Mahirap din pala dun.. Dito na muna ako, hehehe
hala anung i re reveal..na magkapatid si shiela at henry sa ama🤣🤣🤣 pero madam grabe tawa ko enebe😁😁😁
Hahahahaha, secret madams! Wait mo gang sa last chapter, hahahahaha
sureness madam
Bwahahahaha ang kalandian talaga, favorite na linya ni Shiela ang "Henry ikaw pala." Ahahaha, pinagtatagpo sila lagi ng tadhana madam. Tinutulungan na sya ni kupido ke bata bata pa talaga nang full force na si tadhana ss kanya. Kamusta naman sa ma age na 🙄, ahahahs. So may nakaraan ni Shiela at Henry, hmmm 🤔. Magkababata tas nalimutan nong isa tas nagka amnesia? Ahahaha next na madams!
Hahahah, secret madams, hahahahaha... Basta
Ayt nubayan madams, waiting na nga lang huehue
Magkakilala na sla nung bata pa sla. Nkalimutan lng ni Shiela 🤣🤣
Pare pareho kayo ng hula hehehe.. Wait na lang natin sa dulo heheh
Huuui.. Enebeehh.. May 3rd part pa ang landiang langaw at agta.. Haha! Abangers here! 😁😁
Hehehe, baka 2 chapters pa to sis,hehehe
When your mother is panira, just gising2 para dina mapagalitan pa 🤣
Hahahah, lage talaga panira eh,bakit kaya,hahahah
Natatawa ako sa mga pinag iisip ni shiela haha. Ang ganda ng story chill lang waiting sa next part po agad hehez feel ko magkakilala na sila dati pa
hehehe, thank you sis. ginagawa ko na un last part,hehehee