Four Decades and Two
I woke up beautiful today, coz why not, char! Hahaha! It's my birthday! Oh my gosh, 4 decades and two! Qouta na ako, hahaha? Siempre hindi pa, 42 years pa lang nga ang nakalipas ng maglandian si ama at ina kaya nakabuo ng isang magandang dalaga eh, hahaha! Okay, enough with my ilusyon. How to start this article ba, kasi I don't plan on writing today talaga. Parang pabirthday ko na sa self ko. Rest day kumbaga, kaso habang nagluluto naman ako kanina eh andami daming pumapasok sa isip ko. Yun bang parang kinakausap ako about sa isusulat ko, HAHAHA! Ang weird lang, so para tantanan nila ako eh isulat ko na. I will start by saying thank you sa lahat ng bumati sa akin sa noise.cash and read.cash. Lakas makagoodvibes ng mga greetings nyo sa akin. Feeling ko eh ang daming nagmamahal sa akin eh, hehe. Pero dito talaga ako tawa ng tawa sa comment na to eh. Di ko alam if matutuwa ako or hindi eh pero mas lamang yun tawa ko, hype na yan, HAHAHAHA!
@kingofreview pinasaya mo ang birthday ko, HAHAHA! And siempre, thankful din ako sa asawa ko na ang agang may pa hug sabay kiss eh. Meron pang padialogue na, "Anong date nga ngayon?, Sino may birthday?" Tapos sya din ang sumagot sabay hug at kiss with keriboomboom, Hahaha! Hay naku, kaya naman topakin ang asawa ko eh di ko maiwan iwan, charot! And siempre kay @Yen , thank you ulit sa regalo, hehe and of course sa mga friends ko dito, di ko na kayo isa isahin ha, knows nyo na mga self nyo, hehe. Pero yun inaantay ko na tawag from my sisters and mudrabels eh wala pa. Imposible na nakalimutan nila na sinilang nya ang magandang anak nya sa araw na ito. Kaya wait pa din ako gang mamaya, baka may importang bagay na mahalaga lang na inasikaso, ano daw, hahaha! Okay, punta tayo sa medyo serious na usapan pero di naman yung tipong pang ICU ha, ayoko ng ganun. Ano ba ang mga natutunan ko in life? Unang -una eh wag agad agad magtitiwala. Okay din minsan yung may trust issue din eh, kahit pa sa bestfriend nyo mga teh, no no. Keep a secret from them kasi your bestfriend can be your greatest enemy in the end. Second, I learn to appreciate every little thing. Kasi before reklamador akong tao talaga. Puro ako reklamo, puro inggit sa katawan not knowing na andami kong bagay din na ginugusto ng ibang tao na sana meron din sila, pero di ko yun napapansin kasi nakafocus ako sa inggit. Kaya ngayon eh talagang naappreciate ko yun mga bagay na meron ako. Kahit nga ang ilong ko na pango eh sobrang thankful na ako kasi yun iba talaga eh super pa but still they are thankful kasi nakakahinga pa sila so ako pa ba ang di makaappreciate sa ilong ko, charot. Basta yun, I learn to be more appreciative of what I have. Third, habang tumatanda tayo eh paunti unti din yung mga friends natin. Ewan ko, pero in my case eh ganun. I don't know if I am the problem or them. But I am happy with th friends that I have now coz they are real. It's quality over quantity. Last but not the least, be happy! Yun ang importante talaga. Wag magpakastress mga teh. Hayaan na yang problema na yan, kahit naman isipin natin yan or dibdibin eh anjan pa din yan at di mawawala. So hayaan lang mga yan, mapapagod din yan sa pag stay sa atin at kusa na sila aalis, hahaha! Pero seryoso, learn to be happy or be happy. Ganyan ginagawa ko ngayon, happy lang. Ayoko naman na igugol sa problema yun nalalabing oras sa buhay ko noh, hello! Saka mababaw lang akong tao, di ako deep tulad ng mga kasing edad ko. Kaya okay na yung ganun sa akin. May naiintinduhan ba kayo sa sinabi ko? HAHAHA! So today, plano sana ni husband na magdinner date kami kaso sabi ko sa kanya, napakaunpredictable ng weather ngayon. Baka mamaya eh biglang bumuhos ang ulan so sabi ko magluto na lang ako ng pansit. Pumayag naman sya, kaya luto ako ng pansit after this. Sa totoo lang, umiral lang pagkakuripot ko kaya sabi ko eh wag na kami magdinner, bigay na lang nya sa akin yung pera, HAHAHA! So before I wrap this up, I want to say thank you once again to everybody for making my day meaningful and of course to our creator for another year of life. THANK YOU SO MUCH ALL! -- Date of Published: April 9, 2022 Lead Image Source https://unsplash.com/photos/l6yLVM-FJxc?utm_source=unsplash&utm_medium=referral&utm_content=creditShareLink
44 comments
Happy birthday sis! Birthday mo pala kaya may pa pancit ka sa noise haha.. long live. Same pala tayo sis yung gusto ko magpahinga di muna magsulat pero ang daming pumasok sa isip ko kaya sayang naman kung di isulat hahahahaa
Kaya nga eh, kaya maigi pa isulat at gawing pera, hahahaha.. Thank you so much sis!
Happy birthday ulit ate hehe sana hindi pa ito ang iyong last birthday. I mean, pagaling ka ate sa sakit mo at wag mo kakalimutan magtake ng mga meds para mas maraming years at milestone ang pwede mo pang ma-celebrate. More birthdays and BCH to come hehe.
Hahaha, salamat beh, pinasaya mo talag ang araw ko, kahit yun anak ko eh tawa ng tawa kanina, heheh..
Let me just greet you a happy birthday, hope you'll be okay. Just believe in yourself. You have something to do, don't lose hope ma'am,
Thank you Jopix
HAPPY BDAY ATEE 💓 Me wants to say thankyou por ebrithing lalo na sa support even if minsan lang ako makadalaw sa article nyo due of internet connection probs and pagiging busy, thankyou parin kasi walang sawa nyokong sinusuportahan 💓
No problemo beh i know na you are busy in ur new journey in life.. Thank you! ❤
Happy Birthday momshie. More blessings pa sa yo. Wish ko sana gumaling kana tlga and I know gagaling ka. 🥰🥰 Love love love momshie. 😚
Thank you so much momshie
Sis Happy happy birthday to you. Sng daming naganap yta sa birthday mo sis. God bless
Thank you sis! ❤
Hala, happy 42nd birthday po Ma'am 🥳 keep living and always be healthy para mas maka grind pa 🔥
Thank you Valentino! 😂❤
Hi sis,a very happy birthday to you,natatawa ako sa mga articles mo,saka alam mo ikaw talaga ang pinaka memorable sa Lahat ng users ba na encounter ko dito,hehe mula ng mag start ako sa read.cash,yong Isang account mo pa yon,tapos sa noise,nagrereply ka talaga sa comments ,kaya your a very nice person I must say,hayaan mona mga negative sa paligid mo,more birthdays to come gyd sis,ang I'm happy to meet you here,sa virtual BCH community.God bless you always.
Nakakataba naman ng puso amg sinabi mo sis, thank you din kasi mas naging maganda un pag stay ko dito sa read.cash dahil na din sa inyo.
Happy happy birthday Mommy 🎂🎁 Hindi pa to Ang last birthday mo tiwala lang 🤣 Kasama ka sa prayers ko ♥️
Hahaha, thank you so much Yen! ❤
Happy birthday sis! Thank you kasi isa ka sa mga naging virtual friends ko! Natawa ako sa pango, naku hindi ka nag iisa ang mahalaga nakapang asawa tayo!!! Maganda tayo sissy hahahah. Magdiwang tagay na later. Haha
Hahaha, tama, natawa ako doon sa nakapangasawa tayo, hahahah.. Thank you sis!
Happy birthday po Madamm!! More and more birthdays to come! Happy 42nd birthday ulitt!!🤍✨
Thank you sis!
Happy birthday uli Madam, more chickas and grinding pa tayo madam
Salamat madam!
😘
Happy birthday dear friend. Omg you are 42 now but still look young and beautiful. Have a blissful a birthday.
That's so nice for you to say.. Thank you
Happy birthday! May you have more birthdays to celebrate.
Thanks dear! ❤
Welcome po
happiest birthday sis! ayan ayan.... hehe
Thank you sis! ❤
'Yung dapat "more birthdays to come pa" pero naging "sana hindi pa ito ang iyong last birthday." Awit ka, Charles (@kingofreview). 🤣 Anyways~ happy birthday again, Atee. Kahit na tapos na birthday mo, hihi. :*
Hahahaha, thank you beh! ❤
Happy birthday madam! Hehe. Kaloka yung comment ni kingofreview 😆
Grabe nga ang tawa ko jan madam eh, hahahaha Thank you madam😍
Hahahahaha kulit ng comment na un HAHAHA. Happy Birthday madamssss mabuhay ka hanggang kaya mo UwU 🥳🥰 more keriboom boombels pa ha ☺️
HAHAHHAHA, salamat madams! Sana soon ikaw eh makakeriboomboombels na din HAHAHAHAHA
Bwahahaha yan na nga pinakahihintay ko madams. Gusto ko na magpawasak ha. BWAHAHAHA
HAHAHAHAHAAH, wasak na wasak madam
Another fine wine in the making hahaha. April baby ka dn pala sis. Belated happy bortdaaaaay!
salamat sis!
Belated happy birthday ate tho nabati na kita sa noise pero now ko lang kasi inalikan mga babasahin ko dapat last week pa hehehe.. Ganun dapat ate, be contented and be happy, di na tayo bumabata eh.
hahaha, thank you beh!