Our Property, Our Rules...
I want to greet you a happy Tuesday pero my Tuesday went from good to bad, so damay damay na lang, charoot!
It is my late father's birthday today kaya nagsimba ako kanina and nag-alay ng dasal para sa katahimikan ng Papa ko. My daughter is with me and kumain kami sa nirekomenda nya sa akin na eatery na madalas nilang kainan ng mga barkada nya. The place is ok but the food is not. Or masyado lang talaga ako maarte pagdating sa food kasi yung anak ko naman eh sarap na sarap, may extra rice pa nga, hahaha!
So pagkauwe namin eh pahinga na ganurn. After ko magpost sa noise eh nag beauty sleep na ako, kasi nap go od talaga ako. Then mayamaya, tinawag ako ng tiyahin ni husband. Bale katabing bahay lang namin sila. Pader lang ang pagitan. Sabi nya, magpapagawa daw ulit sya ng kanal sa loob ng property namin. Kanal nila pero doon sa loob ng property namin gagawa. So ako eh, wait lang, bakit sa amin eh kanal nila yun. Then bigla sya nagtaas ng boses, bakit daw ako di papayag eh kung tutuusin ancestral house nila un tinitirhan namin.
So let's go down sa history ng bahay namin. Tama naman sya, ancestral house nila yun, BUT, way back sa panahon ni kopong kopong, binenta yun ng Lola ng husband ko sa anak nya na eldest. Bale sa kapatid na panganay ng father in law ko. Then nun nagkaprob sa pera un eldest na kapatid ng byenan ko, binenta naman sa kanya at saka nya ngayon pinagawa for us. Meron silang kasulatan doon na binili ng byenan ko ang lupa sa kapatid nya. After magawa ng bahay eh di pa kami lumipat muna dahil buhay ang mother nila who is lola ni husband and doon pa din nakatira ang isang tita ng husband ko. Pero after a year na magawa ang bahay, namatay ang lola ng asawa ko and 2 months later, we decided na lumipat na doon with my father inlaw's consent kasi para naman talaga sa amin ang bahay. Doon na nagsimula ang problema kasi yung isang tita ng asawa ko eh doon pa din nakatira. Wala naman sanang problema sa amin kasi pakikisama lang naman ang sagot doon. Kaso bawat kilos namin eh di numero. Parang kami pa ang nakitira samantalang bahay naman namin yun. So madalas sila magkasagutan ng asawa ko. Ako eh di talaga nakikialam kapag nagkakasagutan sila. Ayoko makialam sa away nila.
So sinabi namin yun sa father in law ko and kinausap nya ang kapatid nya. Kung tutuusin, mapera ang mga anak ng tyahin ng asawa ko. Kasi puro professional ang mga anak nya at may mga sariling bahay na sa Manila. So di namin alam bakit ayaw nya na umalis sa bahay na yun. Then one time nagkasagutan ang asawa ko at ang tita nya at lumabas mismo sa bibig ng tita nya na ayaw nila na kaming mag asawa ang titira doon. Ang gusto nila eh yun ibang mga pinsan ng asawa ko. Doon na nagalit ang byenan ko at sinabi nya na sa kanya ang bahay at lupa kaya may karapatan kami na tumira dito. After ng sagutan nila na yun eh umalis na ang tita ni husband sa bahay. Doon na din nagsimula yung galit nila sa amin. Kaya nga lagi ko sinasabi na para kami dayo sa lugar na to kasi halos lahat dito eh kamag anak ni husband at iilan lang ang di galit sa amin. Sana naintindihan nyo un history, hehehe.
So going back doon sa kanal na ipapagawa nya. Actually, may pinagawa na silang kanal noon na doon din sa property namin. Pero ung kanal na un eh sa kanila din ang lusot. Kumbaga dumaan lang sa amin at ang dulo eh sa property din nila. Pero this time, ang gusto nila mangyari eh yung buong kanal eh sa amin na talaga lahat dadaan. Kasi daw lagi bumabaha sa kanila. Paano naman kasi na di babaha sa kanila eh mababa un level ng bahay nila. Kumbaga mataas pa un level ng kalsada so normal lang na kapag uulan eh magiging catch basin sila.
So sabi ko sa kanya eh di naman pwede yun. Pumayag na nga kami noong una na gumawa sila ng kanal tapos di man lang nila inayos at nasira un pagkakayos ng drainage namin. Hinayaan lang namin yun. Nagpasensya na lang kami. Tapos ngayon eh gusto nila ulit gumawa tapos mas malaki daw na kanal. Eh di naman na pupwede yun. So sabi ko sa kanya na pag-uusapan muna namin mag-asawa kasi kung tutuusin eh di naman pwede yun.
Tapos ayun na, kung anu-ano na naririnig ko. Na kung umasta daw ako eh di ko na sila nirespeto. Ano naman ang masama sa sinabi ko? Karapatan naman namin na tumanggi kasi property namin yun at kahit pa sabihin na ancestral house nila, kami na ang nagmamay-ari ngayon. Kumulo talaga ang dugo ko. Kaya sabi ng anak ko eh wag ko na pansinin at baka mapaano pa ako. Buti na lang din at wala ang asawa ko kanina kasi kung nagkataon eh malaking away ang mangyari.
Ngayon eh inisip ko kung paano ko sasabihin sa asawa ko or intayin ko na lang na magsabi ang tita nya sa kanya. For sure kasi kapag nalaman nya yung nangyari kanina eh aawayin nya talaga yung tita nya.
Kayo ba guys, kapag kayo ang nasa lugar ko, ano ang gagawin nyo? Saka may mali ba sa sinabi ko?
Pasensya na kayo sa mga kwento ko ngayon. Wala lang din kasi ako mapagsabihan or mapaglabasan ng sma ng loob. Masyado kasi ako minamaliit ng mga kamag-anak ng asawa ko. At ilang beses na din ako nilait na ang pangit ko naman daw pero nagmamaganda ako. Akala mo naman eh kagaganda ng lahi nila. Eh ang lalapad naman ng ilong. Buti na lang ang asawa ko eh nagmana sa nanay nya.
Date Published: June 14, 2022
Lead Image taken from Google
Wala Naman mali sa sinabi mo sis, malakas lang talaga siguro tama ng tita ng hubby mo, parang gusto nila sa kanila lang Yung lupa,, ganyan din yung family ng in-laws ko, grabe ang gugulo when it comes sa mga lupain at mana. Halos magpatayan na. Hays. ๐