I have been reading a lot of articles about a prompt(Questions for Honor students) lately. I first read this from @KingofReview and I believe he is the one who initiated this too. I was actually having a second thought of doing this because parang di na bagay sa akin,hahaha! But since my brain is a bit rusty today, so I am doing it anyway. So mga palangga, pagbigyan nyo na ako this time,hahaha!
Since the questions are all tagalog, this article would be taglish. I am sorry for my readers who are not Filipino, but you can use the translator just by clicking the globe icon at the top of this article.
So let's get this over with..
Highest Top?
The highest rank I got was Top 1. This happened 5x in elementary and 2x in high school. Grade 6 lang talaga ako di naging top 1 sa elementary, pero kasama pa din naman ako sa top. I dunno at that time, parang tamad na tamad ako mag-aral. Siguro dahil na din sa nangyayari sa bahay namin noon. Lagi din ako absent, sinasabi ko lang sa lola ko na walng pasok pero ang totoo, tinatamad lang ako talaga. Pero di ako nawawala kapag may quizzes at exams, yan talaga eh present ako. Then noon kuhaan na ng card, pinatawag ng teacher ko ang lola ko pero tita ko ang pinapunta ko. Doon nalaman na nagsisinungaling ako. Kaya ang ending eh kurot sa singit pag uwe ko sa bahay. After noon eh di na ako umaabsent.
Lowest rank?
This happened noong grade 6 ako, I was at the bottom, almost, kasi Top 8 ako. Pero before our graduation eh medyo naiangat ko naman sya kasi nga di na ako nagaabsent. So noong graduation namin eh Top 4 ako.
Highest Average of All Time?
It was 100. Nakuha ko yan sa extra curricular activities. May program kami noon sa school,play sya. Second year ako nyan, and sabi ng teacher namin noon sa P.E. na kung sino makakasama sa Play ay bibigyan nya ng 100,hahaha! So ayun nga, kinapalan ko ang mukha ko sa mga audition noon sa school. Nakakuha ako ng role, bale partner ko yun classmate ko noon na si Kalayaan( yes, yan talaga name nya). Ang role ko is bungangerang nanay na may face pack pa sa mukha at rollers sa buhok, hahaha! Pero kung sa academic naman eh 90, yan ang pinakamataas ko na nakuha.
Pambato ka sa school nyo?
Literal na pambato siguro,oo,hahaha! Nilaban ako noon ng teacher ko sa Math quiz bee at Science quiz bee. Nakalagpas ako sa elimination round pero after that eh nataktak na. Grabedad naman kasi yun mga kalaban namin. Kakapal ng salamin sa mata, genious talaga as in!
May kakompetensya ka ba?
Hindi ko alam, di ko kasi talaga naisip yan noon. Ang sa akin lang eh makapasa, di ko nga din ini aim yun makasama sa top eh. Basta ako aral lang, minsan tamad pa nga.
Anong oras ka nagrereview?
Noong elementary ako, di ko matandaan kung nagrereview ba ako, hahaha! Pero noong first year high school na ako, masipag ako magreview. 3x kasi kami mag-exam sa kada quarter. May prelims, midterms, and departmental. Bawat exams eh nagbibigay ng pointers ang teachers namin kaya gumagawa ako nyan, the night before the exams. Tapos habang gumagawa ko eh kasama na pagmememorize. Naalala ko noon, nakaperfect ako ng 3 beses sa prelims buong school year. 4 dapat kaso wrong spelling yung isang sagot ko.
Nagpapakopya ka ba?
Ay oo, mabait akong kaklase eh, hahaha! Siguro di lang ako nagpakopya noon nasa private school ako nung high school. Matindi kasi magbantay teacher namin noon tapos hiwahiwalay pa ang upuan. Kapag nahuli ka din mangopya or magpakopya eh bagsak ka agad. Pero noong lumipat na ako sa public school eh kopyahan na. May time pa nga na pati name ko eh nakopya na ng kaklase ko, hahaha!
Sikat sa klase?
Oo, sa pinakamaingay. Number 1 sa noisy list, hahaha! Pero on a serious note, kapag naman kasi matalino ka eh sisikat ka talaga sa klase kahit ayaw mo.
Kinukumpara ka ng Parents mo?
Oo, in a good way, like mas matalino ka kesa anak ni ganito at ganyan,hahahaha! Lola ko actually yan, kasi sya nagpalaki sa akin. Madalas nya ako ipagyabang sa mga kapitbahay namin. Kaya naman every time na bumababa ang grade ko eh nagpapromise ako sa kanya na babawi ako sa susunod at nagagawa ko naman.
Best Achievement mo?
Nakagraduate ng high school nang di nakapasa sa CAT, hahaha! Sa klase namin noong 4th year ako eh the one and only lang talaga ako na di nakapasa sa CAT. Sino ba kasi nagpauso ng CAT na yan, hahaha! Tamad na tamad na ako bumalik sa school noon kapag hapon. Kaya ang ending lagi ako absent sa CAT. Pero with the help of my beautiful teacher, inareglo nya kaya nakaakyat ako ng stage. For me, that was my biggest achievement, hahaha!
Nag-enjoy ako sa pagsagot dito, promise, haha! Akalain mo noh, honor student pala ako, mukha lang hindi, haha! Anyaways, salamat sa prompt na to kasi naligtas na naman ang isang araw ko. And narealize ko, dahil sa mga writing prompt eh mas nakikilala natin ang isa't-isa kaya more writing prompt in the future!
Date Published: September 13, 2021
Uyyy buti sis nkagraduate ka kahit d pasado sa CAT hahahha yan din ang hate ko hehe4th year buti na lang d na sa amin uso noon natigil pero naranasan ko din bilad araw. Tapos natawa ako sa nagpapakopya ka hehehe bait nman n clasmate. Naranasan ko din na isali sa competition sa makabayan quiz bee hehehe nka 3rd placer din kahit papano noon. Sarap balikan nong school days natin no hehehe