Ako ay umalis ng tahanan lumawas ng Maynila upang mag bakasakaling matanggap sa trabaho. Mahirap man at delikado pero ako ay pursigido na makamit ang nais ko.
Eto ako nakaupo nililibang ang sarili sa panunuod ng telebisyon, Upang maibsan ang kalungkutang nadarama, Pamilya ay iniwan upang makipagsapalaran .
Mahal sa buhay at kasintaha'y nag tampo , sumama ang loob ngutin aking intindi ang nadarama ninyo, titiisin kong mapalayo mabigyan lang kayo ng buhay namaganda .
Nais kong ipabatid na ito'y panandalian lamanf at tayo ay mag kakapiling muli. Tatagan ninyi ang inyong kalooban at unawain nyo kung bakit ko ito kailangang gawin.
Ang tangi kong hiling ay mag pakakatatag kayo, alagaan ang sarili at maging ligtas palagi, Tanging Sosyal Medya nalamang ang nag dudugtong sa ating kumunikasyon.
Alam ko na ang pakiramdam ng mga OFW nating kababayan . Ako'y hanga sa inyong katatagan at tapang , kayo ay dapat tularan handang mapalayo mabigyan lamang ng kaginahawaan ang pamilya.
Sa panahon ngayon marami sa atinf kababayan ang araw-araw nakikipag sapalaran sa pandemya kumita lamang ng kaka-unting pera. pantawid sa araw-araw na pangangailangan.
Pinoy tayo sanay tayo sa kahit anong laban 💪
Stay strong! 💪 Leave your worries to our lord God. Keep praying because he always listens. Everything will be alright soon. Sometimes in life, we really need to make several sacrifices to achieve something and make our dreams possible may it be for our family, for ourself, or for the people whom we treasured most.