Aminin man natin o hindi, nung bata pa tayo ay nakakaranas tayo ng susunduin ng ating mga magulang sa labas na may dalang pamalo. Naranasan na nating umiyak dahil hindi pinayagang lumabas.
Aminin man natin o hindi, ung bata pa tayo ay nag kukunwarian tayong matulog para payagang makapag laro sa labas. At kaysa na biro ay talagang nakakatulog tayo ng di natin namamalayan.
Aminin man natin o hindi, kapag umuulan noon ay maraming natutuwa at nag tatampisaw pa. Yung ibang bata humihiga pa sa kalsada habang may baha sa isang bahagi ng kalye.
Naalala mo pa ba? Madalas kang mapag-sabihan. Dahil uutusan kang lumabas at bumili ng yelo, pero dahil may nakita kang nag lalaro ay napatigil ka at nanood hanggang sa tuluyan nang mawala sa isipan mo yung pinapabili sayo.
Naalala mo pa ba? Ligtas mag laro noon sa kalsada kahit gabi na. Ligtas mag lakad, lalo na't wala pang masasamang loob.
Noon, kahit alastres at alaskatro at maski tirik pa ang araw ay mairinig mo na isgawan ng mga bata. Maghihiyawan at halatang masaya habang nag lalaro. Maririnig mo yung sigawan, iyakan, away dahil lang sa kanilang ginagawa. Nararamdaman nila kung gano kasaya makipaglaro at makihalubilo sa kapwa nila kasama ang iba nilang kaibigan.
Noon, tumbang preso, patintero at kung ano-ano pa ay maririnig mo sa labas na masaya silang ginagawa ang bagay nayan. Ngayon, wala nang gaano na lumalabas sa initan para makipag laro dahil babad sila sa gadget.
Maraming bagay saatin ang pilit nating gusto alalahanin. Yung mga bagay na nag laho na, at hindi alam kung saan hahanapin at kung saan tatangkilikin. Aminin man natin o hindi, habang tumatanda tayo ay mas naging magulo sa paningin natin kung ano ang tunay na kulay ng mundo. Ang sarap balikan yung mga araw na halos sugat lang sa tuhod mga problema natin, at halos wala tayong kamalay-malay sa totoong hirap ng buhay.
Mga alaalang hindi naglaho, pero naiwan sa nakaraan. Mga sayang di nila naranasan na gusto nating balik-balikan. Nang umuso ang gadget, unti-unti nang nag bago lahat ng bagay na nakasanayan natin nung bata palang tayo. Andyan na tayo sa point na halo ipinagdadasal nlang natin na kung pwede ay bumalik tayo, bumalik sa nakaraan kung saan ang buhay ay maayos pa. Bumalik sa nakaraan kung saan lahat ay nasa lugar pa. Mga lugar, at mga events na nakasanayan natin na wala na ngyon. Mga pananabik at mga hiling na gusto nating mangyari ulit na wala na ngayon. Bakit nga ba? Dahil ba sa iba na ang tingin ng kabataan? Oh dahil ay nafocus sila sa isang bagay na virtual lang lahat at walang katotohanan?.
Noon, walang parinigan na nagaganap. Kapag may nakaalitan, nauuwi parin sa pagiging mgkaibigan. Ngayon, parinigan sa social media at mauuwi sa sakitan. Malaki ang dulot ng social media dahil habang nag uupgrade ito ay mas maraming features na mas nakakatulong saatin, pero lahatay wala na sa lugar. Kahit elementary ay may natututunan kapag lalong pinapabayaan humawak ng gadget.
Noon may kasalanantayo ay pinapaluhod at pinapalo tayo, ngayon aminin man natin. Lahat ng bagay na pag dedesiplina sa mga kabataan ngayon ay di na pwede. Kahit paluin mo lang yan kasi mali ay pwede ka nang maidemanda.
Pagalitan mo lang lalo na ang mga bata ngayon ay iiyak na at mag wawala, nakakamiss yung mga panahon na maski bata ay alam ang tamang salita ng desplina dahil sa di sila kinakampihan ng kahit sino. Ngayon, lumalaki ang ulo nila dahil kahit mali na sila ay kinakampihan parin sila kahit na di na dapat.
Ang sarap bumalik sa nakaraan at tulungan silang maranasan ang saya na di nawagang maranasan ng mga bata sa panahon ngayon.
-GamboaLikeUs
oo sarap balikan ang mga panahon kung saan wala pa tayong problemang iniisip..salamat pala sa tip bro