This is based on my real experience lalo na nung nawala faith ko kay god, eto yung panahon na sinubok talaga ako at eto yung panahon na sobrang grabeng challenges na pinagdaanan ko. 2018 was my real hell year, and I hope my story will touch everyone who'll read this.
Everytime naaalala ko to, sobrang pangingilabot nararamdaman ko. Dito ko naramdaman na totoo yung presensya niya, kahit tinalikuran ko siya.
Okay so let's start!
2018 was the year kung saan naging sarado isip ko kay God at sa lahat. Nung oras nayan wala na akong ibang iniisip kundi ibasura yung sariling relihiyon ko which is super mali. Masyado akong naapektuhan nung mamatay yung tito ko na pari, na super kaclose ko at nung oras nayun nagkaroon ako ng problema sa pamilya, sa lovelife, school at sa ibang bagay. Nung oras nayan grabe pagquestion ko kay God, paulit-ulit ako sa katanungan na bakit niya pinaparanas sakin yun at bakit niya ako pilit na binababa. Ayan yung mindset ko nung panahong halos hindi ko alam kung may papatunguhan paba ako o wala na.
Sa mga oras nayan nawawalan na ako pananampalataya sakaniya kasi halos siya yung sinisi ko sa lahat, na dapat ay hindi. Siya yung sinisi ko, sakaniya ko binuhos lahat. Pinagmumura ko siya gawa ng sobrang sama ng loob ko, sa mga oras nayan binasura ko ng tuluyan yung relihiyon ko. Isa akong katoliko, at lumaki ako sa larangan kung saan puro pari at madre nakakasama ko dahil karamihan sa kamag-anak ko ay nagsisilbi sa simbahan.
Pinili kong maniwala na hindi siya totoo, pinili kong maniwala na hindi siya nageexist, tumigil ako sa pagsisimba at tuluyan kong binasura saka kinalimutan lahat. Walang ibang laging laman isipan ko kundi magsuicide, oo. Nung oras nayan suicide nalang yung tanging nakikita kong sagot para matapos na lahat. Halos nakakarinig ako palagi ng bumubulong saakin.
'Magpakamatay kana. Lagi kong naririnig yan, laging may bumubulong saakin ng mga bagay na sobrang maling gawin, yung mga bagay na labag kahit sa bibliya sa umpisa palang. Yung bagay na sobrang hindi katanggap-tanggap.
'Magpakamatay kana, pag nawala ka magiging malaya kana. Pag nawala ka hindi kana magiisip sa mga bagay-bagay at magagawa mo lahat ng kagustuhan mo. Ayan yung mga salitang paulit-ulit na bumubulong at paulit-ulit na pumapasok sa isipan ko.
Hindi biro un. Parang may bumubulong sakin na magpakamatay nun, diko alam kung sobrang stress ba o ano. 2018 ung pinakaimpyernong taon ng buhay ko.
2018 ung taon na sobrang dilim ng lahat sakin. Eto yung taon na hindi naging malinaw sa lahat, 2018 ung taon na kung saan parang lahat naging mali sa paningin ko. 2018 yung taon na kung saan halos wala na akong kayang pakinggan at paniwalaan, ayan yung taon na muntik kong sirain ung ako mismo kumpra nung 2016. 2018 yung taon kung san mismo ako nawalan ng control sa sarili ko. Pagnaaalala ko un parang nagpapasalamat nalang ako kase nalampasan at nakaya ko. Panigurado kung nagpalason ako sa sariling pananaw ko baka tatlong taon nakong nakahimlay.
2018 rin ung taon na nawalan ako ng faith kay God. Ayun ung taon na nawala paniniwala ko sakaniya, ayun ung taon na mas pinili kong isipin na walang kwenta relihiyon ko, sa totoo lang ayaw ko magopen sa ganitong bagay kasi nakakakilabot. . Pakiramdam ko nung time nayon parang diko sarili ung hawak ko.Pero yung kwento nato, sobrang totoo.
Dama kong di mismo, nararamdaman ko. Kaw ba namang ayaw ko makakita ng rosary, ayokong marinig pangalan ni God, ayaw kong makakita ng parang statue nya. Basta lahat sakaniya ayaw ko, ayan ung naging pananaw ko buong taon nayan, pagnaaalala ko un by naluluha ako na nangingilabot. Diko maexplain nararamdaman ko pero kinakain ako ng takot.
Nitong taon, 20201 may nangyareng hindi ko makalimutan. Newyear nun, hindi kasi gaano karami case dito sa lugar namin kaya nagheld sila ng misa sa simbahan. Naiwan akong mag-isa nun, wala akong kasama kaya naisipan ko mag arrang ng libro sa kabinet ko, super hilig ko kasi magbasa at sumulat.
Ako lang magisa nun tas inaarrange ko mga book. Ung oras nayan ung nasaisip ko “what if bumalik ako kay God?”, tapos sinasabi ko sa self ko na “Wala namang masama kung bumalik ako sakaniya, bakit ko ba ququestionin yun? Parang kasalanan ko rin ung ginawa ko”. Tas nung time naeon kase nasaisip ko rin na, “pag ba naging open ulit ako kay God, malalayo ba yung nararamdaman ko?” . Habang iniisio ko yung mga katanungan nayan bigla nalang may lumagapak nun sa sala eh nasa kwarto ako nun nagaayos ako ng libro sa drawer ko at ako lang mag-isa so imposibleng tao yun.
Tapos paglabas ko nakita ko ung New Testament The Book Of Psalm na nalaglag, nakaramdam ako ng kilabot kasi paano? Mag-isa lang ako kaya imposible. Nakabukas yung libro nung nilapitan ko, sa gitna nun yung picture nilang magkakamag-anak na si daddy nalang yung nabubuhay. Akala ko nun coincidence lang na baka nasagi o ano, pero nung isasara ko na yung libro biglang umagaw ng atensyon ko kung asan verse yung nakabukas.
"Psalm 23: The Lord is my shepherd, I shall not want" binasa ko yung linya nayan, nung oras nayan mas nakadama ako ng kilabot. Yung kilabot na alam ko sa sarili kong hindi sadya yun, yung kilabot na alam ko sa sarili kong may pinapahiwatig yun. Siguro, nung oras nayun naging daan yun para kausapin niya ako..na hinihintay niya akong bumalik. Naramdaman kong hindi ako nag-iisa, naramdaman kong may kasama ako, na hindi lang talaga ako yung nag-iisa..
January 2021, napagdesisyonan kong ibalik pananampalataya ko sakaniya.
January 2021, nagdesisyon akong maniniwala ulit ako sakaniya.
January 2021, naging plano sa desisyon kong makinig ulit sa mga salita niya.
Nung oras na nanyare yan, pakiramdam ko biglaang gumaan yung pakiramam ko. Parang nawala yung bigat na dinadala ko ng ilang taon, parang biglang nagfade lahat ng problema ko.
Yung song na “still” by hillsong. Una kong narinig un g6 ako. 7years from now un, Natutuwa ako, hindi ko alam kung bakit. Feeling ko parang lahat hindi sadya, feeling ko parang nasaoras lahat ng bagay. Feeling ko parang nakaoras lahat...5 years after ng big battle na hinarap ko ayun ung inatake si nanay sa puso which is sobrang grabeng adjustment at grabeng challenge talaga sakin un.
Tapos 2years after mawala yung faith ko kay god which is sumakto sa 7years, eversince na iniisip kong magbalik loob sakaniya parang tama yung sinabi nilang magiging anino nalang ung ibang bagay na nagpapahirap sayo. Buwan na since ng maramdaman ko yung ganitong kagaan na pakiramdam. Diko maintindihan pero sobrang natutuwa talaga ako.
Sinabayan rin ng pagdating ng taong sobrang pinapahalagahan ko, halos siya yung nagreremind saakin araw-araw about kay god. Mas ineencourage niya akong bumalik sakaniya, nung kinuwento ko sakaniya lahat nakita ko yung ngiti sa mata niya. At sinabi niyang, "Welcome back, mas sasamahan kita at mas kakapit ako hanggang maging open kana ulit kay god."
Kanina lang, nung natutulog ako napanaginipan ko lola ko. Binigyan niya ako ng candy na paborito ko nung bata pa ako, magkausap kami..hindi ko maalala kung ano pinaguusapan namin, pero sinabi niyang, "Apo kailangan ko nang umalis". Niyakap ko siya nun. Sobrang higpit ng yakap ko sakaniya at nararamdaman ko yun, damang-dama ko yung init ng katawan niya at sobrang naramdaman ko yung init ng yakap niya pabalik saakin. Sobrang naramdaman ko na totoo yun, naramdaman kong sobrang totoo yung yakap niya. Umiiyak ako, sinabi ko sakaniyang wag niya ako iiwan na namimiss ko siya. At sagot niya, "Apo, ganyan talaga ang buhay, kailangan ko nang umalis at tapos na ako sa kailangan kong gawin". Sobrang puti ng kapaligiran nun, nakaputi rin siya na damit dun. Ang ganda ng lugar, sobrang ganda ng lugar.
Ang daming ibon, puno at parang lugar na hindi mo maiimagine na nageexist. Matapos niya sabihin yun hinalikan niya ako sa noo, bigla nalang lumiwanag nun at nagising na ako. Pagtingin ko, alasyete na ng gabi.
Eto lang yung oras na halos mas naramdaman ko pa siya, eto yung panahon na sobrang blessed ko sa lahat. Pakiramdam ko, kaya nangyare yun para mas masubok pa ako, pakiramdam ko nanyare lahat para makita kung hanggang saan yung pananamanpalataya ko sakaniya. Sana, etong kwento ko maging inspiration at magbigay aral para sa mga taong nalalayo ang loob kay god. Totoo si Papa God, sobrang totoo.
-Gyra.
GODBLESS SA LAHAT.
Na depress ka rin noon? Buti nalabanan mo ung mga bulong na yan. Buti kumapit ka sa kanya at naniwala. Basta talaga matibay ang pananalig mo, lahat ng isipin sularanin, mawawala pag nailabas mo na lahat at tinanggao mo sya.