Ano nga ba talaga ang na una?
Ito ba ay ang itlog? o ang manok?..
May ilan na nagsasabi na ang manok daw ang nauna at may ilan din na itlog ang sagot. Ikaw ba ano satingin mo ang nauna, itlog o manok?
ITLOG
Kung ang itlog ang nauna, ito ay maaaring imposible, bakit? Well, hindi kasi mapipisa ang itlog kung ito ay hindi malilimliman ng inahing manok. Kung wala ang limlim ng inahin, ang itlog ay maaring mabugok. Isa pa dito, kung ang itlog ang nauna sino at ano ang nangitlog? Kailangan ng parent upang mangitlog so kailangan talaga ng manok. Hindi naman pwedeng nanggaling na lamang ang itlog sa mga hayop na hindi nangingitlog..
MANOK
Sa kabilang banda, ang manok naman ay maaaring imposible din na mauna, sapagkat hindi pwedeng manggaling ang manok sa hayop na nanganganak o hindi nangingitlog kung kaya't manok na agad ito. Kaya kailangan din talaga ng manok na dumaan sa pagiging itlog. So kung ang manok ay hindi pwedeng basta nalamang pumatak sa lupa at naging manok, dapat manggaling din sya sa pagiging itlog.
Ito ay mga bagay na walang kabuluhan ngunit sumusubok sa ating curiosity and bumabagag sa ating isipan. Wag kayong mag alala dahil malalaman nyo din ang sagot sa bandang huli. Magandang maging pala tanong tayo sa ating sarili upang mapagana ang ating isipan. Kahit pa ito ay may sense or walang sense, basta naeenhance natin ang ating critical thinking skill, ito ay beneficial na.
Ang lahat ng sagot ay tama, nakadepende lamang iyon kung ang lahat ng side ng opinyon ay ating iintindihin. Kung Quantum Physics nga may duality na tinatawag, sa buhay pa kaya natin mawalan? Nangyayari ang event na ito kahit saan pa man. We are talking about possibilities here and since we cannot go back time, there are a lot of theories out there pero d matibay ang evidence. Katulad ng sinabi ko kanina, ang sinusunod nito ang konsepto ng principle ng Quantum physics, kaya lahat ng ito ay posible. Ang lahat ng opinyon at teorya ay dapat lamang natin respetuhin. Dahil talagang nag eexist lamang ang mga bagay sa ating paligid if ito ay nakakonekta sa ating senses, so paano naman kung wala, well maari ang mga bagay na ito ay hindi na mag exist sapagkat sumasalungat ito presence ng determinsm. Halimbawa na nga lamang ay iyong eksperimento ni Erwin Schrodinger sa pusa. Ang pusa ay nakalagay sa box kasama ang isang bagay na mataas ang radioactivity. Base sa kanyang obserbasyon maaring patay na ang pusa at buhay pa. Sinabi ni Schrodinger na ang pusa ay 50% na patay at 50 % na buhay at the same time. Hindi natin ito malalaman dahil hindi natin ito nakikita, naririnig, nadadama at walang iniisip na kahit anong ebidensya upang makapag trigger para madetermine kung anong nangyayari sa loob. Ganoon na nga kaya't hindi natin madetermine kung ito ay patay na or buhay pa. Ganito din sa sitwasyon ng itlog or manok, hindi natin masabi kung itlog ba talaga or manok ang nauna sapagkat hindi natin mismo nakita na ang itlog o manok ang naunang nag appear. Hindi din tayo makabalik sa panahon at hindi din sapat ang ebidensya na nakalap. May ilan na nakumbinsi at may ilan din naman na hindi. Sa konseptong ito maicoconnect natin na parehas na ang manok at itlog ay ang nauna. Ito ay dahil ang manok at itlog ay maaring maging posible dahil sa ebolusyon. Basahin sa ibaba ang eksplanasyon kung paano nangyari na ang dalawa ang tamang sagot. Bakit dalawa? Kasi magkakaroon kasi lamang ng outcome o madedetermine kung ano ang tama if makita mismo ng ating mga mata ang ebolusyon.
Nandito ang teorya na magpapatunay sa kung ano nga ba talaga ang nauna. Kung manok ba talaga or itlog..
ITLOG
Posible na ang nauna ay itlog sapagkat maaring nangitlog ang kalapit na species ng manok at Nagkaroon ng evolution sa sumunod na henerasyon o offspring. Maaring ang parent ay hindi pa evolve at nakuha ng itlog ang bagong characteristic ng gene o trait para magresulta sa species ng mga manok.
MANOK
Posible din na ang manok ang nauna. Maaring unti-unti nag evolve ang kalapit species ng mga manok at habang patagal ng patagal, henerasyon sa henerasyon ay naging fully formed manok na talaga. Ano ang maaring dahilan ng ebolusyon na ito? Ito ay dahil pwedeng naadopt ng hayop ang environment o panibagong habitat nito kaya't habang patagal ng patagal ay nagbago ang features o structure ng pangangatawan nila. In terms of genes naman, maaring nakabuo ng panibagong trait ang dalawang parent kaya't nagkaroon ng panibagong offspring na may traits na hindi katulad ng sa parents.
Sa huli lahat ng sagot ay tama, ito ay nakadepende lamang sa lawak ng ating imahinasyon at napapatunayan dahil sa pagpapaliwanag.
Lahat tayo ay may kanya-kanyang teorya at opinyon. Ang gawin natin respetuhin nalang natin ang bawat isa, makinig sa side ng bawat isa at magkaroon ng konklusyon na hango sa dalawang panig.
Ang lahat ng ito ay base lamang sa aking opinyon, konklusyon, pag aanalisa, at pag iimbestiga sa mga nakalap kong impormasyon.
Ikaw ba, ano ang sagot mo, itlog o manok?..
Comment down below kung saan kang panig, at ipaliwanag kung bakit.