Pagod na ako!

3 28

Naranasan mo na bang malungkot ng sobra, yung pakiramdam na aping-api ka, yung tila wala ka ng ginawang tama, yung kahit anong gawin mo hindi pa rin sapat, yung ninanais mo ang hirap abutin, yung mga negatibong pakiramdam na sobrang nakakapagod, kahit simpleng gawain lang stress ka na, parang wala ng silbi yung mga ginagawa mo, paulit-ulit ang routine mo, bahay -trabaho-bahay-trabaho. Kalimitan masasambit mo, "pagod na ako, ayoko na!"..

Psssst! Umayos ka nga! Hindi kaba nanonood ng telebisyon, wala ka bang mata! Ang daming tao na nagnanais na sana katulad ka nila! katulad mong may trabaho araw-arw , katulad mong hindi problema ang isusubo, may tirahan, may asawa at anak, may mga magulang at mapagmahal na kapatid, may kapitbahay na kahit malakas magpatugtog kahit tulog ka nagbibigay naman minsan ng ulam. Diba napakaswerte mo, wala ka ng mahihiling pa.! Pagod ka pala weh di magleave ka, magbakasyon ka o kaya naman libangin mo ang sarili mo sa pagbibilang ng mga biyayang natatanggap mo. Yung magising ka bawat araw sapat na upang ganahan kang mabuhay at lumaban hindi yung makaramdam ka lang ng kaunting boredome kung ano ano na naiisip mo. Isipin mo yung mga kapuspalad na hirap na hirap pero nagagawa pa ring ngumiti at tumawa sa mga mumunting biyayang natatanggap. Hay naku ! gigil mo ako ng slight weh. Ngayon alam mo na, sa day off mo gugulin mo sa pamilya mo, makibonding ka sa kanila upang hindi mo maisip yang mga kalokohang sinesenti mo. Napakaikli ng buhay upang bigyag pansin ang mga negatibong bagay na yan, magsaya lang parati upang buhay ay maluwalhati.

4
$ 0.00

Comments

opo ilang beses din ako nakarnas ng ganyan yung tipong sobrang sakit n ng dibdib mo dahil wala ka mapagsabihan ng problema, yung iiyak ka nalang sa sakit dahil wala sila pakialam sa nararamdaman mo.

$ 0.00
4 years ago

Kasama talaga sa buhay yan. Kung baga nature na yan ng tao. Hindi yan nawawala kahit sabihing nasa iyo na ang lahat nang wala ang ibang tao. Iiwan ka ng kaligayahan pero ang kalungkutan ay laging nandyan. Lalo na pag feeling mo iniwan ka na ng lahat.

$ 0.00
4 years ago