Kapag may itinanim, May aanihin, Kapag may itinabi, May madudukot ka rin😆 Share ko sa inyo itong itinatabi kong 20 pesos na bago at 10 pesos coins last year, ito ang pinili ko na itabi dahil madalang lang ako nito magkaroon kaya at dahil rin hindi ako makadarama ng pressure kung isuksok ko man sa taguan niya. Dahil kailangan namin ng pera dagdag pambayad ng bills binilang ko na para magamit. Naka 2620 naman ang granny Nengste nyo. Ito naman ang purpose nito kapag kailangan…
@Nengste in August 2022
Binance Naikwento ko dito noong isang araw ang pagpasok ko ng konting halaga ng bch sa Flexible savings at ngayon ay nagreflect na sa aking spot wallet ang unang distribution ng interest na nagkahalagang 0.00000684 bch, atleast tumutubo, para lang akong nagmimina sa pinasok kong 0.05 bch
Bakit ba kwek-kwek ang tawag sa pagkaing ito? Masarap sa sawsawang sukang maanghang. Pwedeng ulamin, pangpulutan,meryenda,pagsaluhan habang nagchichikahan. Buti pagabi na mananalasa ang ulan, nasinop ko na ang mga sinampay kong natuyo.
Ang anak kong sumunod sa panganay tumawag at sinabing maysakit siya makati ang lalamunan at lumuluha ang mata, gusto niya daw ipagluto ko siyang plain na lugaw yung walang sahog na manok, pampalasa lang ang ilalagay. Pagkatapos naming mag-usap naghanap ako ng dahon ng malunggay at dahon ng tanglad kaso wala akong nahanap na tanglad, dahon lang ng malunggay. Habang kumukulo nilagyan ko ng dalawang itlog. Nang maluto kinuha ng kanyang asawa dito sa bahay tapos mayamaya nagchat…
To love without condition, To talk without intention, To give without reason, To care without expectation , That's the spirit of 'true love'. Mas masarap mamuhay sa isang mundo kasama ang mga taong may tunay na pagmamahal sa iba. Nagpapakita ng pag-ibig na walang kondisyon. "Bili mo ako nyan, bili mo ako nun." Laging naglalaan ng oras para makipagkwentuhan ng walang intensyon. "Pautang" Nagbibigay ng walang dahilan. "Birthday ko na bukas" Nagpapakita ng pagmamalasakit ng…
Sotanghon Nakabili ako kanina sa tindahan ng Puto kaya naisip kong magluto ng sotanghon, sinahogan ng ilang pirasong hiniwang parte ng manok at dahil meron pang natirang dahon ng malunggay na ginamit kahapon sa lugaw, sinahog ko na rin sa sotanghon para may gulay.
Pagkalipas ng isang oras andito na naman ako para ibahagi sa inyo ang aking inihandang lulutuin ulam. Ginisang repolyo with giniling na baka ang menu for today ni granny Nengste. 98 pesos na giniling at 55 pesos na gulay bale 150 ang nagastos sa ulam namin ngayong pananghalian. Gulay at karne, balance diet is life kaya tara na magluto na tayo o baka nakaluto na kayo?
Nagmeryenda na ba ang lahat. Isama nyo na sa listahan itong isang street food na Calamares. 12 pesos lang sulit sa lasa at laki. Juicy ang pagkaluto, malambot at hindi matigas na parang goma na mahirap nguyain. OK ang breeding at masarap ang suka. Kuha na po kayo, bayaran niyo na lang😅 parang ang lapit lang natin ah, ganito dito sa place ko ang daming pumapasok na iba't ibang tinda.
Wala akong ganang kumain ng kanin, hindi ko alam kung ano ang gusto kong kainin kaya pumunta akong tindahan at naghanap kung ano ang magugustuhan ng isip ko. Ito ang aking nabili, saging na saba, nag-isip pa ako kung iprito ko, nanaig ang budgeting, ang mahal ng mantika. Muntik ng matuyuan ng tubig, buti naalaala ko ang aking sinalang bago mawalan ng tubig, nawili kasi sa kakadutdut. Ito na ang aking hapunan.
Sa lugar namin, sa parteng Sulivan Baliuag napahinto ako ng makita ko ang isang halaman na tanim ni kabayan na tinatawag na Mulberry. Nasa kulang 6 feet lang ang taas nito at hitik na hitik sa bunga. Sabi ng mga nutritionists mahusay sa ating katawan ang pagkain ng mga berries, may pagkasosyal lang pakinggan pero may mga available na berries tayo dito sa Pilipinas na maaaring itanim sa ating mga bakuran para meron na tayong libreng supply na masarap na berries. Search nyo na…
Share ko lang itong unang reward ko sa paglalaro ng WODL sa Binance. Bukod sa nalilibang sa paglaro nito, tumutulong din sa paghasa ng ating isipan at ang the best ay kumikita pa tayo kahit maliit na halaga lamang pag naipon lalaki din ito.
Dahil walang maisip akong content. Share ko na lang itong nalutong ulam namin kahapon na ginisang repolyo with giniling na Baka. Ayan naghanap pa talaga ako ng picture sa gallery ng may maibahagi naman ako sa inyo. Ang dami pala ng 1 kilong repolyo. Nag puro gulay tuloy ako kahapon, maubos lang.
Hapunan Kumain na tayo kaingay! Hindi na ako nagluto, ang lulutuin ko ngayon ay bukas ko na lulutuin. Itong tirang ulam kagabi ang iinitin ko para may ulam si bunso, magprito na lang ako ng itlog para sa akin. Sanay naman tayong mga nanay na, kahit ano na lang ang ating uulamin, ito ay isang paraan ko upang makatipid.
Nalate magpost si granny Nengste gawa ng maagang umalis para magbayad sa hinuhulugang lupa sa memorial. Ito ang pinaghahatian namin ng mga anak ko kada buwan na hulog. Sabi ko sa kanila nila kung mag iinvest sila at gagastos ng pera e doon na sa mangmatagalan na magagamit at mapapakinabangan. 2 years ang hulog nito. Sabi ko tyagain na namin. Habang buhay tayo at malakas mas magandang isipin natin at paghandaan ang magiging himlayan sa tuluyang pamamahinga.
Buti naisip kong iinstall ulet ang Abra app at narecover ko ulet ang aking dating account dahil naisulat ko sa notebook ang wallet recovery phrase. Almost 2 years din na hindi ko ito nacheck. May laman pang konting funds may pambigas pa.
Alugbati at Ampalayang ligaw Sa lawak ng lupa talagang makakakita ka ng pagkukunan ng pagkain kahit sa bakanteng lote lamang. Kagaya nitong alugbati at ampalayang ligaw. Tumubo lamang daw ito at wala namang nag aalaga. Napa wow ako at kasunod ang tanong na "pwede bang kuhanin?" Aba'y kung papayag , magiging wagi ang umaga ko dahil magkakalibreng sahog na kami sa ulam ngayon. Lagi nating naririnig na sa buhay paraparaan na lang, maaari kang gumawa ng paraan o pwede ka namang…
Naka jackpot si granny Nengste, nakahingi ng dahon ng ampalaya. Ihahanda ko para lutuin ang ginisang sardinas na may dahon ng ampalaya para sa pananghalian. Sardinas na lang ang ipo provide ko dahil meron pa akong stock na sibuyas at bawang sa kusina. Asikasuhin ko muna ito ng makakain na! Madali lang naman itong lutuin.
Mainit na meryenda sa malamig na panahon. Umuusok pa ito ng nabili ko. 3 for 50 pesos. Ito ang mais na gusto ko. Ayaw ng ilan dahil matabang kumpara sa dilaw na mais. Mabigat din ito sa tyan kaya nakakabusog. Mura ang presyo nito kung ikukumpara sa sweet corn. Kain tayo! 😋
Tinanghali na ang aking paggayak ng aming uulamin dahil may inunang mga gawain, pinaliguan ang 2 pet dog at iba pang gawain. Gulay ulet ang aming dish na may konting sahog na giniling na karneng baboy.
Nagchat si @chucha sa akin kanina tungkol sa kakaibang pagbabago ng kulay sa account niya kaya niopen ko ang aking noise.cash account para icheck ito pero wala namang nabago sa aking account na may nakahighlights na kulay green. Nga pala kakatapos ko lang balutin ang 1/4 kilo giniling na baboy na ginawa kong shanghai rolls. Sinubukan ko ang napanood kong tricks sa fb kung paano gawin pantay pantay ang sukat ng balot.
Napadaan ako ngayon sa isang tindahan na nagtitinda nito, ang kilala ko lang dito ay itong itlog na kinulayan ng kulay salmon (orange). Tokneneng ang tawag sa street food na itlog na ito. Masarap kainin sa binabad na suka na may sili. Kung tutuosin nilagang itlog lamang ito na prinito pa sa mantika. Itong isang klaseng street food ang hindi ko kilala parang kinulayang piniritong pugo na ibon.
Nacurious ako sa isang ads sa facebook, itong tongits go ba yun? Nagregister ako para malaman ko kung ano ang nasa loob, ibat ibang laro pala ng baraha, ang una sinubukan ang larong poker may free na 1 million chips nakatatlong panalo lang ako, umabot ng 6.5 million chips kaso ang daming talo kaya naubos ko rin, lumipat ako sa pusoy may pabunos din naubos talo din, tapos ang huli kong nilaro ay lucky 9, nakailang banker din ako dahil dami kong panalo sa kalaunan naagaw ang…
Ang sarap ng tulog natin dahil malamig ang klima ng panahon magdamag at syempre nakatulog ng mabuti kung kaya nakapag-isip tayo ng maayos. May natirang lumpia wrapper kahapon sa paggawa ng lumpia shanghai kaya heto gumawa ako ng turon pang almusal ko ngayon with coffee.
Heto at malapit ng maluto itong Sinigang. Maraming gulay para ganahan sa pagkain. Masarap humigop ng isang tasang sabaw mamaya. Kamusta ang Family day ng lahat? Alam ko maraming umaasa na sana humaba pa ang araw ngayon para mahaba ang pahinga dahil bukas ay "Lunes na naman".
Musta? Bagong gising lang si granny Nengste nakaidlip ng ilang minuto. Meryenda time na kaingay! May inumin ditong dalawang boteng vita milk, tig-isa kami ni bunso parisan ng mongo bread. Dumidilim na dito, mukhang malakas itong paparating na ulan. Nasilip ko rin ang value ni bch malapit ng mag 8k sana pasulong ang pagtaas ng value huwag na sanang bumaba.
Crypto journey May isang trading site noon na nagpa airdrop para may pang umpisang capital sa pagtrade sa site, ang paairdrop noon ay 500 MPH pag sign up. Sinubukan kong itrade ang 500 MPH, naging 1K MPH, ang halaga nito ngayon ay kulang isang piso. Napag-alaman ko na pwede ng iwithdraw, sinubukan kong iwithdraw kaso hindi naging successful dahil kailangan kong magdeposit ng $10 worth of MPH para maunlock at maactivate ang withdrawal. Ang tagal kong pinag-isipan at…
Tortang talong ang naisip kong iluto ngayon, bagay sa maulang panahon. Medyo mamamahal lang sa mantika at itlog pero ayos lang dahil minsan lang naman, last kain ko nito siguro mga 2 months ago. Mamayang gabi kapag nagpatuloy ang ulan marahil masarap kumain ng mga comfort food tulad ng, sotanghon, champorado, lugaw, lomi at sopas.
Nuts naman ang pinag-iinitang kainin ni granny Nengste ngayon, kakabukas ko lang nitong isang pack na 1/4 kilong kasoy nut . Nabasa ko kase na maganda sa katawan ang pagkain nito dahal marami itong nutrients,mineral at fiber. Sakto na padaan kami kanina sa bilihan ng mga kutkutin kaya heto at nakabili ng kasoy. Mas mura at madami pa itong laman kung ikukumpara sa tinda doon sa gilid ng simbahan na itinatakal. Sa 1/4 kilo na ito sulit na kung ikaw lang ang kakain, may tira pa.
Nagpapahiwatig ng magandang balita ang maberdeng merkado ng crypto ngayong araw. Isang oras ang nakalipas may notif akong natanggap mula sa Kucoin napasok na ni bitcoin ang 24k at may babalang "Please pay attention to risk control." Maghapunan na tayo kaingay, ito ang gustong ulam ni bunso, matagal niya na itong request ngayon lang napagbigyan. Ito ay hiniwang inihaw na pusit. Tara kain na tayo!
Bikol express Dahil naglalaba ako ngayon kaya bumili na lamang si bunso ng lutong ulam ngayon. Hindi na kaya ni granny na pagsabayin ang pagluluto at paglalaba. Masarap naman ang pagkaluto dahil malasa. Kumain na ba kayo? Tara na at kumain tayo!
Cake Isang uri ng malambot na tinapay na gawa sa harina,itlog,sugar,pampaalsa at shortening depende kung anong klaseng tinapay, may tinatawag na chiffon, sponge cake at marami pang iba, karaniwang nilalagayan ng icing at dekorasyon. Makikita ang matamis na dessert na ito kapag may okasyon, at kadalasang ginagawang pangregalo at pasalubong. May mga sikat na tindahan ng cake dito sa Pilipinas. Babanggit lamang ako ng dalawa ang Goldilocks at Redribbon na sikat na tindahan noon…
Nakawala ako ng bahay kanina at ginabi na ng pag-uwi, late na magluto ng ulam kaya humanap ako ng lutong mauulam at napahinto dito kay Mister Sisig ang kilalang pagkain mula sa Pampanga na bentang benta mapapulutan man o ulam.
Ang isa kong apo na mga 100 meters ang layo nila sa amin, pumunta ngayong gabi para lang mag good night. Kwento ng mama niya na nag-aya daw na pumunta dito sa amin para makita tita niya at mag good night kaya sinamahan ng kanyang magulang. Good night na din sa inyong lahat!
Ilang araw na ring maulan kaya siguro tumubo itong mushroom dahil sa malamig na klima. May kilalang kasabihan dito ginagamit kapag biglang susulpot at mawawala, ganun ang kabute, mamamalayan mo na lang na nandyan na pero wala naman kanina at pagkatapos mawawala na lang bigla. Sa ganitong katangian ng kabute kaya madalas na gamitin ito bilang pagkukumpara sa isang tao, "para kang kabute" na ang ibig lamang sabihin ay "biglang susulpot at mawawala".
Ngayon lang ako nakakain ng ganitong luto. Hipon ito na maliliit tapos parang pinirito na may kasamang breading. Bigay nga pala ito ng kapit-bahay namin na mahilig mag eksperimento ng mga lutuin. Ayos naman ang lasa niya hindi mamantika at hindi maalat. Kinahiyaan ko ng tanungin kung anong pangalan. Salamat sa kanya nadagdagan ang ulam namin.
Kahit mainit nakaidlip pa rin ako. Mainam naman dahil naging magaan ang aking pakiramdam. Kumuha ako nitong Ensaymada para meryenda. Nagtimpla na rin ako ng salabat para may pantulak sa tinapay. Kahapon lang nag post ako ng cake naalala ko dahil sa tatak ng meryenda ko ngayon. Ang ganda ng packaging nila nakakaengganyong damputin. Malambot ang tinapay na ito at hindi rin matamis, kaya mainam kainin ng mga katulad kong granny.
Creamy Carbonara Kelan ba nauso sa atin ang pagkaing ito? Noon, spaghetti at pansit ang laging bida sa mga okasyon. Kung iimbitahan ka sa handaan ng tatlong beses isang linggo malamang na manawa ka sa pagkain ng pansit at spaghetti dahil present lagi it. Mapa binyagan,kasal,birthday,pasko,bagong taon o kahit walang okasyon isa ito sa iginagayak ng marami. May klaseng carbonarang nakakaumay para sa akin pero meron namang recipe na carbonarang swak sa aking panlasa na…
Ayon sa pag-aaral mas magandang kumain ng almusal para magkaroon ng lakas at sigla sa buong maghapon. Karaniwan umaga natin ginagawa ang ating mga gawain lalo na ang mga team bahay. Hindi mainit ang klima ng panahon ngayong umaga kung ikukumpara sa oras ng bandang katanghalian kaya mag almusal muna si granny, pansit malabon tayo mga kaingay!
Mais Bukod sa nilagang mais, pwede din gulayin ang murang bunga nito. Nang pumunta ako ng tindahan kanina may nakadisplay na gulaying mais sa tinda nila kaya hindi na ako nag-isip ng matagal, hinawakan ko na ang isang supot at sinama sa aking pinamili at heto na nga luto na, kainan na!
Halina kayo sa bukid at mamasyal, ibat ibang uri ng tanim ang nakikita at ang lamig at kulay berde ang kapaligiran. Huni ng ibon ang tanging natirinig na tila bang musika sa aking pandinig. Kapag maganda ang panahon at may free time, mas magandang mamasyal na may kasamang iba sa bukid para maglibang at magrelax.
Ang menu for today ay ang gulay na magalang, "Upo". Bida sa hapag ni granny Nengste tamang tama sa ambience ng kabukiran. Maaaring sahugan ng hipon at baboy. Pwede din sa ating all time favorite na sardinas na pula. Gawing espesyal ang upo kasama ang pamilya na may masarap na kwentuhan. Maliliit lamang ang sahog na karne nito kaya hindi makita, alam niyo naman, mahal ang karne ng baboy. Kain na! Bakit kaya hindi naupload ang photo?
Nakapag afternoon nap na si granny. Paggising ko ginayak ko na ang meryenda namin ni bunso. Tamang-tama malapit na siyang matapos sa kanyang work from home. Pagtitimpla ko nalang siya ng gatas o kaya juice. Kayo ba mga kaingay nagmeryenda na? May nabasa akong post na umuulan ng malakas sa Cebu dito naman sa amin sa Central Luzon ang init ng klima ng panahon, buhay na buhay ang sinag ni Haring Araw.
Tilapya Matagal tagal na din ang huli kong pagkain ng pritong Tilapya kaya bigla kong naisip kanina na humanap ng nagtitinda ng buhay nito sa Barangay namin. Nakahanap din at heto luto na, masarap ulamin pag crispy ang pagkaprito, tara na pong kumain habang mainit pa.
Dahil may nakikitira dito sa bahay na hindi nakasisiya kaya nais namin ni bunso na mawawala na sila kaya bumili na nito kahapon si bunso at naging matagumpay naman ang operation. Kaninang umaga pagkagising tiningnan ko kaagad kong may nahuli, meron nga apat sa kusina at isa sa silid tulugan ni bunso. Mga malilinggit lang na daga may nadamay pa na isang butiki.
Chinese kikiam Ibang uri ng kikiam ito at hindi tulad ng kilalang kikiam natin na isang street foods. Ito ay isang klase ng sausage nagawa sa karne ng baboy na giniling at hinaluan ng mga iba't ibang klase ng pampalasa. Sinong may Shiba Inu diyan? kaway kaway sa meron, dahil humahataw pataas ang movement nito.
Keep spreading positivity whenever you go. A positive morning to everyone! Ganda ng morning para maglaba. Pero baka sa lugar nyo makulimlim o maulan konting ingat po tayo. Na captured ni granny itong paghinto ng dragonfly sa kawayan. May kalabuan lang ang kuha dahil baka biglang lumipad kung ilalapit ko pa. Naalala ko ang kabataan ko dito, tuwing hapon nagpapaligsahan kami ng mga kalaro ko na manghuli nito. Lagi pa ngang bukambibig noon ang mga katagang, "tutubi,…
Mag lunch break muna si granny at mamaya ko na itutuloy ang paglalaba. Ginisang bitsuelas with tokwa ang ulam namin ngayon. Rich in protein at minerals pa. Diet muna sa meat para mapagkasya ang budget hanggang sa sahod ni bunso.
May dinalang chicharon dito ang isa kong anak, kaya lumabas si bunso kanina at naghanap ng Balut at Penoy. Ito ngayon ang hinapunan ni bunso, diet ulet siya sa rice. Pinahinto ko siya sa pagkain ng chicharon dahil natikman ko itong maalat ang timpla pero ibinabad niya ito sa suka para mabawasan ang alat.
Katatapos ko lang gawin ang mga gawaing bahay, tapos may dumaang nagtitinda ng Puto kutsinta, heto nakabili ako. Ngayon palang ako kakain ng aking almusal, mamayang hapon pa ako magluluto ng ulam kasi may ulam pang natira kahapon, pwede pangtanghalian ko. Mga 5 pm pa kakain ng lunch si bunso dahil late na rin nag-almusal kaya hapon ko na lulutuin ang ulam para bagong luto at mahain ng mainit init sa kanya.
Nagmeryenda na ba ang lahat? Tara muna at kumain nitong Hungarian Sausage mula sa tinapay ng bayan ang, "Angle's Burger"! Best seller din nila ito bukod sa buy 1 take one burger na pinipilahan talaga. Sa dami ng bilihan dito sa Baliwag pero kahit kelan hindi nawalan ito ng mamimili at mga matyaga talagang pumipili ang mga parokyano. Kain tayo!
Mabungang umaga sa lahat! Ayan nakuhanan ng larawan ni granny ang puno ng saging na may bunga,s aging na saba ito. Makakalibre na ng saging ang may-ari nitong puno. Sabi nga ay, "kung may itinanim, may aanihin", meron pang isang kasabihan, " kung ano ang iyong itinanim, ito rin ang iyong aanihin". Parang iisa lang pero magkaiba ang diwa at kahulugan. Nawa'y magtanim tayo ng kasipagan ngayong araw para mag-ani rin tayo ng bunga ng ating kasipagan. Magandang umaga!
I checked my account in Hive via Peakd.com using hivesigner login earlier . When I landed on my account, there an info telling me to update the recovery phrase of my account and I did but not successful because I have to pay 0.001 hive. So what I did, I powerdown part of Hivepower that I been left for more than one year inactive on hive. Just waiting for about one week to be reflected in my hive wallet for me to make update the recovery phrase.
Noon tinaguriang pasalubong ng bayan ang donut. Mula sa sikat na tindahan ng Dunkin Donut pero hindi Dunkin ang meryenda ni granny kundi Mister Donut. Ang matagal ng karibal ni Dunkin sa mundo ng negosyo pero sa totoo lang, mas masarap ang Dunkin Donut kesa sa Mister Donut. Comparison lang naman yun. Salamat sa effort ng nagbigay.
Dinner Dahil diet mode ang kasama ko dito sa bahay kaya sinabayan ko na rin. Ito ang aming kinain ngayong gabi, pritong patatas at tig-isang saging. Kumain na ba ang lahat? Bumagsak ang ulan ngayong gabi ngunit hindi naman nagtagal, malamig ang klima ngayon kaya nakapahinga sa pag-ikot ang Electric Fan.
Carioca Filipino kakanin na gawa sa malagkit powder na merong caramelised sugar. Niluto tulad ng paraan ng pagluto sa banana que. Almusalan ni granny pampa energies sa umaga. May carbo na may sugar pa, dobleng energizer. Good morning sa ating lahat!
Isang kilalang Pinoy na kakanin na gawa sa kamoteng kahoy o Cassava sa English. Isa din na kilalang brand dahil sa gawa nilang masarap na nakakaaddict dahil binabalik balikan. Magandang gawing panregalo, panghain sa bisita at meryenda. Tara na po, meryenda muna tayo!
Natanggap ko ito kaninang umaga sa mula sa isang malapit at may malasakit na kaibigan. Ito ay tungkol sa ating kalusugan. Makakatulong daw ang pag ehersisyo ang pagbanat ng ating dila at paggalaw nito pakanan at kaliwa sampung beses tuwing umaga. Basahin ang nilalaman ng larawan sa ibaba upang malaman.
Diet ulet sa rice si granny Nengste ngayong hapunan kasi si bunso diet pero nagcraved sa Takoyaki kaya heto napaorder. Japanese food muna tayo ngayong gabi Kaingay. Matagal na rin ang huli naming pagkain nito halos tatlong buwan din siguro, ngayon na lang ulet.
Habang inihahanda ko ang pagbabalot ng Lumpiang Shanghai, napansin ako ni bunso kung ano ang ginawa ko sa Lumpia wrappers. Sabi niya ginaya ko daw ito sa tiktok, tama nga siya ginaya ko ito sa napanood kong tiktok video sa facebook, ang ganda kasi same lahat ang sukat ng pagkabalot.
Matagal ko ng balak pumunta ng grocery kaso hindi matuloy tuloy buti holiday ngayon walang pasok si bunso kaya nang nagpaalam na pupunta siya ng grocery naglista kaagad ako ng mga kailangan ko sa kusina. Heto nabili na niya lahat at ang masaya libre pa.
Ilang araw ko na itong hinihintay mahinog. Galing nga pala itong bukid, pauwi sa amin. Masarap talagang mamasyal doon , fresh na ang hangin may pauwi pang prutas at gulay. Hiniwa ko na nga pala ito ng mapansin kung pwede ng kainin. Mailagay muna sa ref para lumamig, sakto mamayang hapunan.
May dumating na hindi inaasahang pagpapala ngayon gabi. Napansin ko ang aming dalawang aso na lumabas at mayamaya ay parang excited na parang may nakitang kakilala sa labas, yun pala ay dumating ang aking isang anak kasama ang aking apo na may dala nitong kakanin. Mid night snack muna tayo Kaingay.
Maaga akong nakaluto ngayon, kahapon may nagbigay ng isang papaya kaya alam ko na kaagad ang aking lulutuing dish. Ang sarap ng sabaw nitong higupin sa mayroon karamdaman man o wala dahil nakakapawi o nakakagaan ng pakiramdam lalo na pag ang luyang ginamit ay may taglay na anghang at nalalasahan sa sabaw, meron kasing luya na walang anghang. Dahil tanghali na nakapag-almusal, ang lunch namin nito ay late na rin, mainit na lang mamaya bago kumain.
Dahil wala ng gawain si granny Nengste, heto hawak ang cp at paclaim claim ng bch satoshi sa isang app at at pasilip silip dito sa noise, makadagdag ipon man lang. Sa kalaunan dadami din itong naclaimed ko at magkahalaga ng malaki, gawin nating productive ang ating free time.
Dahil natakam sa idinaang ulam ng aking anak, kaya tuloy hindi nakapag rice diet kami ni bunso ngayong hapunan. Madalang lang naman kami nito mag-ulam kaya hindi naman siguro makaapekto sa aming kalusugan ang pagkain ng lechon kawali, tinawag na lechon kawali kasi niluto sa kumukulong mantika sa kawali.
Ramdam ko ang excitement ng aking pangalawang anak na may 5 years old na anak, papasok na sa school sa Lunes sa Kinder class. Pinakita niya sa akin ang mga inihandang kagamitang gagamitin ng kanyang anak sa School. Ikwenento niya rin na nang bumili silang ready made uniform niya sa palengke ng bayan, dahil ngayon lang napunta sa palengke ang bata, natawa daw sila sa reaksiyon nito ng papasok sa pasilyo ang baho daw at nakasimangot ito, kasi ang wet market katabi lang ng mga…
Lunch Kumain na tayo Kaingay! Paglinggo hindi nagtitinda ng sariwa ang tindahan malapit sa amin, kaya nagprito na lang ako ng Lumpiang Shanghai. Ito pa ang natirang Lumpia na ginawa ko noong nakaraan, tamang tama sa biniling Kimchi ni bunso, may gulay at pampagana pa. Simple lang ang recipe ko sa Lumpia, minsan nilalagyan ko ito ng tinadtad na hipon, dahil walang hipon itong mga ingredients lang ang aking nilagay... Giniling na baboy or baka Sibuyas Ground black pepper Soy…
Pagkagising kaagad na inasikaso ang mga labahin, inagahan ko na para makatulo habang wala pang ulan. Pagkatapos maglaba, napagod at nagutom na ako kaya kinain ko itong tira ni bunso. Tanghali na pero hindi ko ramdam ang init ni Haring araw baka nga uulan, sana makatulo man lang ang mga sinampay bago umulan.
Kasalukuyang kumakain na ng aking dinner, sumabay akong kumain kay bunso. Isang pirasong jumbo hotdog, scrambled egg,sliced bread at isang pirasong saging na lakatan, busolved na si granny Nengste. Malamig na gabi sa inyong lahat dahil paulan ulan dito.
Kapag tungkol sa mga aso hindi ko mapigilang hindi panoorin. Nakaka good vibes sila dahil matatalino at cute. Share ko rin sa inyo mga kaingay. Ilang beses ko pang pinanood dahil sa katuwaan. https://www.facebook.com/reel/461811895946111?fs=e&s=cl
Excited pa naman ang mga bata pumasok sa school tapos sinabayan naman na merong LPA. Laging magdala ng panangga sa ulan mga kaNanay paghatid at pagsundo sa inyong mga estudyante para iwas sa sakit. Maglunch na tayo, hindi na ako nakalabas dahil sa ulan, nagprito na lang ako ng itlog.
Mahina ako sa lamig, pagganito ang klima ng panahon ginawin ako, para mapawi kaya ako ay nagluto ng sopas. Nabasa ko kanina na signal no. 1 ang aming lugar sa bagyong________ heheh nakalimutan ko ang name kaya ingat tayo mga kaingay dapat laging handa sa pagkawala ng power connection. Tara magpainit muna tayo sa sabaw ng sopas.
May nag-alok na buto butong karne ng baboy sa anak kong pangalawa, dahil walang magluluto sa kanila, napunta ito sa aking kusina. Kahahatid niya lang ngayon at kaagad ko namang naisip kung anong luto ang gagawin ko dito. Kayo Kaingay, anong masarap na luto sa buto butong karne ng baboy? Masarap din itong gawing sinigang o kaya ay nilaga pero mas gusto ni bunso na gawin kong kaldereta dahil matagal na akong hindi nakapagluto nito.
Malapit na maluto itong Pork Kaldereta, Tanghali ko na niluto dahil late na rin kumakain si bunso ng kanyang lunch. Ako kumain na kanina pa, ang aking inulam ay pritong isdang galunggong. Pinatikman ko kay bunso ang timpla, sabi niya parang may kulang daw heheh.. akala ko pwede na walang liver spread para makatipid. Pagkapasok niya ulet sa work place niya saka ako pumuntang tindahan at bumili ng liver spread sa lata at nilagyan ang niluluto ko saka pinatikman ulet kay bunso…
Dinner time na ba? Ihabol ko na lang ito para sa late meryenda. Ang lambot ng dough ng Rafael's Pizza at bagong luto ng iuwi ni bunso sa bahay kaya naparami ng kain si granny. Hindi na ako nito maghahapunan, busolved na gyud.
Magandang balita ang bungad ng notification mula sa Bitcoin.com wallet, may natanggap akong $4.00 kaagad ko namang hinanap kung kanino galing. Tiningnan ko ang mga Tip reward sa mga post ko, wala naman akong nakitang may nagtip ng ganito kalaki kaya nichecked ko ang mga notification sa noise at nakita ko rin galing pala kay noise.cash. Salamat po @noise.cash at @chucha
Good morning mga kaingay, ang agang maaraw ngayon. Sa mga hindi nakapaglaba ng nakaraan mga araw dahil maulan, aba'y pwedeng bumawi ngayon. Maagang gumanyak si granny para ihatid ang apo sa eskwelahan. Nakuhanan ko pa ng larawan itong puno ng suha na may bunga. Tiyak paglalaruan ng mga bata ito kapag nakita pero sana naman huwag para mahinog at mapakinabangan.
Dagdag ulam namin ni bunso. May natira pa kahapong pork kaldereta kaya bumili na lamang ako ng pandagdag, chicken curry naman ito kaingay. Puro meat ata kami ngayon. Di bale sa susunod gulay naman para balance. Pero sabi ng mga dieticians, everyday dapat balance ang meal. May meat, vegetables at fruits and nuts. Kaso parang impossibling mabili sa taas ng mga bilihin. Budget nga araw-araw ang hirap ng hatiin. Kumain na tayo!
Makwento ko nga muna itong eksena noon na may dumating na parcel si bunso tapos humarang si Zorro sa pinto. Si bunso dito ay nagrequest na tulungan siya sa pagbuo ng computer chair ngunit itong si Zorro ayaw pumayag na pumasok ako nagagalit kaya sinabi ko na kay bunso na ilabas na niya ang binubuong upuan para matulungan siya. Natatawa na lang ako sa inaasal ni Zorro super protected si bunso.
Good night na sa lahat. Nakakapagod ang maghapon pero mabuti at mayroong laang oras para mamahinga na ang tawag ay "tulog". Salamat sa lahat ng nakibahagi ngayong araw. Konti man ang biyaya pero qng mahalaga meron. Sipag lang at tyaga. Good night!
Whats up! Thanks God its Friday! Ang huling araw nitong Linggo sa paghatid ng mga nanay sa kanilang chikiting sa pagpasok ng eskwelahan. Nakakatulong din ang paghatid, sundo kung medyo malapit lang ang school na pwedeng lakarin, makapagehersisyo din ng katawan. Tapos pagdating sa bahay exercise pa rin sa mga gawain, basta nanay walang katapusan ang gawain, pwedeng mamahinga saglit pero hindi dapat tamarin. Magandang umaga sa lahat!
Bumawi si granny ngayon. Gulay naman kami ni bunso, hiniwang letsugas at Tuna flakes sa lata, wala ng luto luto. Kumain muna tayo kaingay para malamnan na ang kumakalam na sikmura. Hindi pwedeng puro sipag, kakain din dapat. Tara na!
Inihanda ko na para lutuin itong 7 pirasong medium size na sugpo, maluto ng maaga kasi may dadalohan akong virtual meeting mula ala sais hanggang alas otso ngayong gabi, mainit na lang mamaya bago kumain. Kahapon may post akong nakita, sinigang na hipon nangasim talaga ako kaya heto matitikman ko na ang asim ng Sinigang na sugpo o hipon, bunga ng sampalok ang gagamitin ko ditong pampaasim para natural ang sarap!
Iniinit ko na itong sinigang na niluto ko kanina para maihain sa aming hapunan ni bunso. Maraming gulay kesa hipon, gulay, sabaw na mainit at isang pirasong sugpo solved na ako. 7 sugpo lang ang sahog nito kaya ang natirang 6 para lang kay bunso ng mabusog sa ulam hindi sa kanin. Kain ulet tayo Kaingay!
Adobong walang kamatayan, all time ulam ng Noypi bida lagi sa ating mga tummy. Kain tayo mga kaingay, busugin ang tiyan ngayong tanghalian at mamahinga kahit saglit lang.
Gumala si bunso sa Maynila pumuntang SM north kahit na may malapit na SM sa karatig bayan sa amin. Hindi ko alam kung may ka date ba siya o ka lunch date dahil maaga umalis kanina at maaga din umuwi na may pasalubong na ibat ibang disenyo na donut.
Gising pa hanggang ngayon dahil siguro sa kape na ininom ko kanina kasi nga naman ang sarap ipares ng kape sa donut na uwi ni bunso kaya heto ngayon hawak pa rin ang cp. Nabudol ako ng ubas. 50 pesos 1/4. Ang ganda tingnan pati tangkay fresh. Tipong bagong pitas. Seedless naman kaso maasim. Hindi naubos ni bunso kaya nilagay ko muna sa ref . Baka sumarap kapag malamig.. Magandang gabi sa mga gising pa.. mag-uumaga na pala.
Tamang punta sa tindahan na nagtitinda ng sariwang ulam, naabutan ko ang isang supot na alimasag. Matagal ng gusto ni bunso ito kaso tinatamad ako magpunta sa palengke ng bayan pag konti lang ang nilalaman ng pitaka. Kumain na ba kayo? Pag hindi pa kumain na tayo Kaingay.
Naglaga ako ng anim na pirasong mais kanina, nang tingnan ko yung kaldero para kumuha isang piraso na lang. Mukhang nasabik kumain ang kasama ko sa bahay. Nabili ko ito sa naglalako sa kalsada. 30 isang kilo. Hindi parepareho ang laki kaya marahil ganun lang ang presyo. Naalala ko noon masarap ihawin ang ganitong mais at pahiran ng margarine o butter kapag luto na.
Kamusta kayo? Malakas ang buhos ng ulan dito ngayon sa amin. Kasalukuyan niluluto ko pa ang pagsasalohan namin ni bunso ngayong hapunan, malapit na itong maluto inaantay ko lang na malusaw ang cheese bago hanguin. Kaya ganyan ang sukat ng cheese kasi ang lambot ng eden cheese parang quick melt kaya hindi ko na ginamitan ng shredder. Kumain na rin po kayo Kaingay.
Maagang nagising dahil may bisitang 2 bulilit na darating (apo) wala silang pasok kaya pupunta ngayon dito. Maaga ? Dahil maglilinis si granny, lalo na mga balahibo ng aming aso para pagdating nila malinis na ang bahay. Ang dalawang bata na yun ay may mild ashma kaya dapat malinis. Napaaga din ang aking pag-inom ng kape dahil sa donut.
Buttered Shrimp Tinanggalan ko na ng balat bago igisa. Konting hipon para sa cravings. Eat well sa ating lahat mga kaingay. Malamig- lamig ang panahon ngayon masarap lang mahiga habang nagbabasa. Ang mga apo ko ay abala pa sa panonood ng palabas sa t.v. pamaya-maya tawagin ko na sila para kumain.
Walang maisip na content si granny ngayon. Kaya ibabahagi ko na lamang itong chat at picture na pinasa ng apo ko kaninang umaga. Bago pumunta dito sa bahay ay bumili na ng kanya-kanyang baon nilang snack. Kwento ng apo ay para hindi na sila magpabili dito at lumabas ng bahay. Ulat panahon naman tayo, nag-uumpisa ng kumulog at sobrang maalinsangan, yung katatapos lang maligo at heto pinagpapawisan na naman. Nasubmitt ang post na hindi naiupload ang picture.
Ang sitaw Ikalimang gulay sa kanta ng bahay-kubo. Madalas itinda ni Aling manlalako. Sa palengke at talipapa ay always available. Madaling itanim, patubuin at anihin. Kahit iluto ay walang hirap din. Ang sitaw na mura heto sa inyong harapan at ito ay iluluto ni granny para sa pananghalian.
Mga 4 am nagising ako sa ingay ng malakas na pag-ulan, naisip ko na hindi ako makapaglaba ngayong araw kaya nagpatanghali ako ng gising. Nang nagising a nakita ko ang ganda ng panahon maaliwalas ang kalangitan at ang ganda ng pagsikat ng araw. Kahit tanghali na sinimulan ko kaagad na maglaba at hindi naman ako binigo ni Haring Araw patuloy pa rin ang kanyang pagsikat sa oras na ito. Ganado sa pag drawing ang apo ko. Nag-abala pang picturan at ibahagi sa akin ang kanyang gawa…
Banana que Saging na saba na hinaluan ng asukal habang piniprito. Masarap na minandal lalo kung bagong luto. 35 kilo ng saging na saba ngayon pero mataas pa rin ang presyo ng banana que dahil sa presyo ng asukal at mantika.
Makulimlim ang panahon ngayon dito sa bukid. Gawa marahil ng parating na bagyo. Mag ingat po tayo lahat. Uso na naman ang sakit dahil tag-ulan. Hahanda na ni granny ang mga sangkap sa lulutuing sopas pang comfort sa malamig na panahon. May darating daw na bagyo ngayong araw, sana wag ng matuloy.
Bopis Pagkaing mataas sa uric acid. Kung minsan lang iulam pwede na rin naman. Saktong dami lang ang kain dahil masama ang sobra. Gawa ang bopis sa baga at puso ng baboy na sinangkutsa sa bawang, sibuyas, at siling pukinggan. Mas matagal igisa mas masarap ang lasa. Happy eating.
Maagang nakapag-almusal kami ni bunso may gagawin siya ngayong araw kaya maagang bumangon para maghanda. Time naman para mag rest si granny. Malinis na ang lababo, kusina at sala. Ihihiga ko muna ang likod ko ng maunat. Itlog at ginisang Argentina ang inalmusala namin para mabilis lang lutuin. Mainit ang panahon ngayon kahit maaga pa. Akala ko kahapon uulan na dahil ang dilim ng langit. Ano na bang balita sa bagyo?