Sa lugar namin, sa parteng Sulivan Baliuag napahinto ako ng makita ko ang isang halaman na tanim ni kabayan na tinatawag na Mulberry. Nasa kulang 6 feet lang ang taas nito at hitik na hitik sa bunga. Sabi ng mga nutritionists mahusay sa ating katawan ang pagkain ng mga berries, may pagkasosyal lang pakinggan pero may mga available na berries tayo dito sa Pilipinas na maaaring itanim sa ating mga bakuran para meron na tayong libreng supply na masarap na berries. Search nyo na lang sa Google para sa ilang impormasyon. Kahit ako napasearch, ayon sa aking nabasa " sa loob ng daang taon ang mga mulberry ay naging bahagi na ng tradisyunal na gamot sa Tsino bilang lunas laban sa kanser".
4 comments
isa yan sa mataas ang benipisyo na makukuha mong vitamin C para kahit papaano malaking bagay yan na taglay niya ang vitaminC masarap yan lalo na kapag matamis na sya
Parang maasim yong lasa niyan
Madali lang yan itanim ma hindi maselan. Itusok lang yung sanga sa lupa tapos mabubuhay na katagalan. May puno nyan sila ate mercy kaso napakataas na kaya mahirap kuhanan ng bunga
Kuha ka ng sanga nyan then tasak mo sa bakuran mo tutubo po yan 👌