Maaga akong nakaluto ngayon, kahapon may nagbigay ng isang papaya kaya alam ko na kaagad ang aking lulutuing dish. Ang sarap ng sabaw nitong higupin sa mayroon karamdaman man o wala dahil nakakapawi o nakakagaan ng pakiramdam lalo na pag ang luyang ginamit ay may taglay na anghang at nalalasahan sa sabaw, meron kasing luya na walang anghang. Dahil tanghali na nakapag-almusal, ang lunch namin nito ay late na rin, mainit na lang mamaya bago kumain.
No comments yet