May nag-alok na buto butong karne ng baboy sa anak kong pangalawa, dahil walang magluluto sa kanila, napunta ito sa aking kusina. Kahahatid niya lang ngayon at kaagad ko namang naisip kung anong luto ang gagawin ko dito. Kayo Kaingay, anong masarap na luto sa buto butong karne ng baboy? Masarap din itong gawing sinigang o kaya ay nilaga pero mas gusto ni bunso na gawin kong kaldereta dahil matagal na akong hindi nakapagluto nito.
3 comments
Masarap po iyan gaeing nilaga para yung lasa ng buto ay humalo sa sabaw 😋.
dalawa lang ang pwede gawin sa kanyan pwde siyang nilaga pero ang the best sa kanya kaldereta sigurado mapaparami ang kain mo once na maluto mo na yan
Nilaga ang gusto namin ganyan sis hihihi ang sarap. Hindi pa ako naka tikim ng kaldereta na ganyan