Ang anak kong sumunod sa panganay tumawag at sinabing maysakit siya makati ang lalamunan at lumuluha ang mata, gusto niya daw ipagluto ko siyang plain na lugaw yung walang sahog na manok, pampalasa lang ang ilalagay. Pagkatapos naming mag-usap naghanap ako ng dahon ng malunggay at dahon ng tanglad kaso wala akong nahanap na tanglad, dahon lang ng malunggay. Habang kumukulo nilagyan ko ng dalawang itlog. Nang maluto kinuha ng kanyang asawa dito sa bahay tapos mayamaya nagchat masarap daw, naginhawaan daw siya kaso para siyang nahihilo. Baka siguro pagod lang siya dahil nilakad niya kanina ang pagrenew ng kanyang PRC ID.
2 comments
Mainam na kumain sya ng mainit na pagkain para mapagpawisan sya isa ang lugaw na mag bibigay sa kanya ng maayos na pakoramdam lalo na kapag napawisan na sya at tamang oras sa pagpapahinga
Ayos ah may malunggay yong lugaw super healthy yan for sure.