read.cash Log in
@Nengste

@Nengste in January 2022

@Nengste

Thankful for reaching the very first day of 2022, its a great blessing being alive and still kicking and in the best of health. How's your slept? Did you wash the dishes and make the kitchen cleaned before going to sleep? Hoping this year would be great to all of us. Happy new year!!!

@Nengste

Ngayon lang nakapagpost ulit, nandito kasi ang aking mga anak at apo buong maghapon at kakauwi lang nila, syempre ako ang tagaluto at tagahugas din ng plato dahil pag sila ang maguurong ng plato hindi ko gusto ang gawa nila, uulitin ko pa rin, ayoko ko kasing hindi maayos ang paghugas yung hindi nila natatanggal ang lagkit ng mantika sa plato at tupperware. Pagod much pero sulit naman ang saya kantahan at naglaro ng pagsandok ng pera, tawanan to the max 🤣

@Nengste

Hello Kaingay! Late na nakapagpakita ng aking presensiya dito may inunang gawain lang po, kumusta may maiinit pa bang tirang handa para maulam ngayong tanghalian? Kami meron pa konti na lang, bakit kaya pag maraming pagkain sa mesa hindi tayo makakain ng marami, parang busog lagi tapos pagpawala na saka naman tayo nagaganahan kumain. Magandang umaga!

@Nengste

Pumunta sa bayan si bunso kanina kaya pinaredeemed ko na ang nabili kong piso deals sa shopee, itong 1 pc chicken at vanilla twirl pagdating ni bunso binuksan niya itong 1 pc chicken ang liit pala kaya 1sang piso lang, reklamo pa si bunso 😅. Nakakain na ako ng lunch ng dumating si bunso, ininit ko ang natirang konting mechadong baka ngayon ko pa lang nalasahan na masarap pala.

@Nengste

Dinner na po tayo! Ang kakainin ko po ay itong niredeemed kanina sa Jollibee ito yung piso deal sa shopee, isang piso lang may 1 pc chicken with rice at piso din itong vanilla twirl sa dalawang piso busog ka na may panghimagas pa, pero ang laki ng nabudol ni shopee sa akin last month mga 0.3 bch din, hindi bale ipon na lang ulit atleast nakikita at naenjoy ko ang biyaya galing kay noise.cash.

@Nengste

Naalala kong may natirang tatlong San Mig flavored beer sa fridges kaya sinubukan kong uminom baka sakaling tablan ako para makatulog ng maaga, kasi ilang gabi na ala una na nako nakakatulog, may natirang baked bangus ininit ko po para gawing pulutan, hindi po ako manginginom itong beer ay dala kahapon ng aking pangalawang anak anim po ito ininom namin kahapon yung tatlo tig-iisa kami habang nagkakaraoke. Magandang gabi sa lahat!

@Nengste

Magandang umaga! Yes ang haba ng aking tulog straightly nagising ako ng dahil sa iyak ni Zorro, noong una hindi ko pinapansin dahil akala ko maaga pa yun pala ay 6 am na, dahil maayos ang aking tulog kaya ang gaan bumangon at heto umiinom na ng mainit na salabat.

@Nengste

May inaantay akong parcel ngayong araw from shopee then may may narinig akong tumatawag dinampot ko ngayon ang perang pambayad, paglabas ko nagtaka ako sa aking nakita bakit kako hindi nakabalot ang parcel nakalagay lang sa dalawang paper bag, tapos nagtanong ang delivery boy binanggit niya ang pangalan ni bunso tapos tinanong ko siya kung magkano sabi niya bayad na daw. Pagpasok ko ng bahay tinanong ko si bunso bakit umorder ng maraming chocolate atbp, sagot niya " hindi ko…

@Nengste

Maagang nagising si granny Nengste, Martes na, ngayon ang araw ng aking paglalaba pero mamaya ko pa umpisahan dahil sobrang lamig pa ng tubig, pag ganito kalamig ang klima ng panahon, naalala ko noon na nirarayuma ako athritis at yung hindi ko maangat ang aking braso, buti ngayon hindi ko naranasan ang hirap pag may iniindang pain sa katawan. Magandang buhay sa ating lahat!

@Nengste

At last natapos ko na rin labhan ang isang linggong labahin, gutom na ako buti inuna kong magluto muna bago maglaba, ininit ko na lang ito sinigang na buto buto ng baboy gusto ko sanang sahugan ng gabe kaso mapamahal pa kaya kangkong na lang ang sinahog ko dahil mura kesa sa gabe, Tara po kain tayo!

@Nengste

Ang dami na namang nagkakasakit dala ng klima ng panahon, tapos nagkakaubusan pa o nihoard ang ilang gamot sa lagnat, sipon at ubo na sana ay makakatulong mapadali ang paggaling, sa ngayon mag drink na lang muna ng more water, eat more veges at fruits makatulong man lang pampatibay ng ating immune system, health is wealth. Magandang umaga!

@Nengste

Musta? Ngayon lang ulit nakapagpost, kumain na ba ang lahat? Mag-isa akong kumain dahil wala akong kasama ngayon hindi pa kasi nauwi si bunso pumunta kanina sa kasal ng kanyang classmate bff since high school hanggang ngayong oras wala pa. Sana hindi niya mauwi si Covido. Magandang gabi!

@Nengste

Kumain na tayo! Ang aming ulam ay litson paksiw at cordon bleu uwi bunso kagabi galing sa natirang handa sa kasal ng kaniyang bff, marami daw natirang food kaya pinagbalot siya ng nanay ng bride kaya nakatipid ngayon ng ulam. Pagkatapos kain inatake na ako ng antok, siesta time muna tayo kaingay.

@Nengste

Gusto ko magmeryenda may sitsiria at biscuit naman dito sa bahay kaso wala akong ganang kumain ng mga ito may ibang gusto ang aking sikmura naghahanap ng prutas kaya lumabas ako kanina at naghanap kaso walang nagtitinda ng prutas, binuksan ko ang fridge nakita ko ang quezo de bola naghiwa ng ilang piraso at ito ang pinapapak ko ngayon.

@Nengste

Halina po kayo kumain na tayo! Ang ulam namin ay same pa rin tira kaninang tanghalian at saka nagluto ng ramen para may sabaw. Nasa labas ako kanina ramdam ko ang dampi ng hangin bigla kong naisip ang nabasa ko tungkol sa omicron virus na airborne daw ito kaya bigla akong pumasok ng bahay, ewan ko lang kung may katotohanan itong aking nabalitaan.

@Nengste

Magandang araw sa ating lahat! Hindi yata ako nalusawan sa kinain ko ngayong umaga paano ba naman binusang mais ang ipinares ko sa kape tuloy nag alburuto ang aking tiyan. Siyanga pala nagluto akong sopas, hindi ko nilagay ang pasta at repolyo kasi malalata pag may gustong kumain iinitin ko muna ang soup then added some repolyo pagnaluto na ang repolyo papatayin na ang apoy, ganito kami magserve ng sopas maglalagay ng pasta sa mangkok, lalagyan ng soup at saka lalagyan ng…

@Nengste

Buti huminto na ang paghilab ng aking tiyan pwede ng kumain, ito ang niluto kong sopas kanina ngayon lang namin kakainin ni bunso ito na rin ang aming lunch at hapunan mamaya. Late na pero anyayahan ko pa rin kayong kumain, halina kayo sabayan niyo kaming kumain ni bunso.

@Nengste

Pagkatapos namin kumain ng hapunan ni bunso, sopas lang ang aming kinain ngayong hapunan, maya maya nagsabi na nasasabik siyang kumain ng balut kaya lumabas ngayong gabi at naghanap paguwi niya may dala siyang 3 balut at isang penoy, kinain ko ang isang balut ang sarap dahil may sabaw at saka maliit lang ang kiti, kayo po kumakain din ba kayo ng balut?

@Nengste

Dahil sa lamig hindi maayos ang aking tulog kagabi sininat ako at sinipon hindi talaga kaya ng system ko ang sobrang lamig kaya kanina ibinilad ko ang aking likod sa araw para mainitan ang aking kalamnan at makakuha din ng natural na Bitamina D sa mula sa araw, heto nakahinga dahil nakaramdam ng bigat ng katawan, buti may nabiling bioflu ininuman ko na rin kanina isinabay ko sa pag inom ng kape at tinapay. Kamusta kayo? Sana nasa mabuti kayong kalusugan, ingat!

@Nengste

Hindi pa rin mabuti ang aking pakiramdam, pangalawang araw na itong aking trangkaso sabay kami ni bunso na inatake ng virus na ito. Sa ngayon ang sakit ng ulo ko dahil sa sipon at kulang sa tulog. Musta naman kayo?

@Nengste

Umagang kay ganda! Medyo nakarecover na din sa trangkaso, ubo na lang. Pinipilit kung kumain kahit ano para mabalik ang aking panlasa at gana sa pagkain kaya nagluto akong paksiw na isda sinahugan ko ng ampalaya, sabi nila nakapagbabalik daw ng panlasa ang pagkain ng ampalaya.

@Nengste

Hello sa lahat! Palagay ko ay magaling na ako dahil nakapaglaba na ako, katatapos ko lang at sumilip dito habang namamahinga. Bago ako naglaba inuna ko munang magluto ng ulam dahil kagagaling lang sa sakit nagluto akong ulam na may sabaw at ito ay tinolang manok na may dahon ng malunggay at sayote, naalala ko dati noong aking kabataan pag may nagkakasakit sa bahay ang lola ko ay nagluluto ng tinolang manok nakakabigay ginhawa po kasi ito sa maysakit, ang paghigop ng sabaw ng…

@Nengste

Kamusta kayo? Marami akong nababasang post at karamihan doon ay tungkol sa pagkakaroon ng sakit, hindi natin maiiwasan magkasakit kasi ang klima ng panahon mismo ang nagdadala nito sa atin, palakasin na lang natin ang ating immune system sa pagkain ng masustansiyang pagkain. Kagagaling lang din sa sakit at heto back to normal work na sa mga gawaing bahay pero andiyan pa rin ang pag-iingat para hindi mabinat.

@Nengste

Good morning! Binuksan ko ulet ang aking metamask wallet at ganito pa rin ang nakalagay na value ng Spice token $103.76 sa hawak kong 625.2655 Spice ngayon ni try kong iswap sa Bch using dex.swap ngunit ang value ay $0.00031343 lamang, nagtaka ako bakit ganun, kaya nichecked ko ang coingecko at nalaman ko na dalawa g klase pala ang Spice token ang isa ay may halagang $0.166383 mukhang nagkamali yata ako ng pag input ng Spice smart contract address. Anu kaya ang mainam gawin…

@Nengste

Umagang kay lamig at kay ganda! Ang lamig po buong magdamag hanggang sa oras na ito, kaya andito pa rin nakahiga na nakakumot pa rin. Nakita ni bunso ang bill namin sa Meralco nagulat dahil bumaba daw, syempre kasi last month malamig ang klima ng panahon kaya ako ay hindi na nagbubukas ng electric fan, ang laki din ang nabawas sa kunsumo namin sa kuryente.

@Nengste

May dumaang mama dito na may nilalakong Tulya dahil nasa labas ako ng bahay natawag ko kaagad siya at nakabili, ang tagal ko na rin kasing hindi nakaluto at nakatikim ulit nito, taon din at saka gusto ko rin matikman ni bunso. Niluto kong parang Tinola na may dahon ng Malunggay nang kumakain kami kanina ni bunso, nagtanong si bunso kung anu ang pagkakaiba ng Tulya at Halaan, hindi ko masagot at nalilito din ako kaya pagkatapos namin kumain tinanong ko po si google na ang…

@Nengste

Kumain na rin kami ng aming lunch pritong boneless bangus at nakapagpababa na rin ng kinain kaya pwede ng mahiga, makapagsiesta na inaantok na rin po ako sana makaidlip man lang, maaraw dito sa amin ngunit ramdam pa rin ang lamig ng klima. Kumain na rin po kayo.

@Nengste

Gising pa rin po, ang isa kasi naming kapitbahay ay nagkakasayahan medyo maingay dahil nagkakantahan pa rin sa oras na ito, nag paputok pa sila kaya tuloy natakot at nanginig na naman itong aming alagang dalawang aso.

@Nengste

Naghanap ako ng saging na saba sa tindahan kaso walang tindang sabang saging sa mga napuntahan kong tindahan, napadaan ako sa nagtitinda ng balut at penoy nakabili ako ng 2 balut at penoy na may sabaw tig isang penoy at balut kami ni bunso, ang sarap dahil mainit init pa at ang sawsawan ay sukang may sili at asin.

@Nengste

Kape muna tayo sa malamig na umaga, habang nagkakape nakasalang naman ang aking nilulutong ulam, inagahan kong lutuin dahil maglalaba ako ngayon para pagkatapos kong maglaba may ulam na may makakain kaagad. Magandang umaga sa lahat!

@Nengste

Noong nakaraang buwan binilhan ako ni bunso ng Electric oven kaya umorder akong mga gamit sa baking pa unti unti dahil ang mga gamit ko noon ay nagkawalaan na dahil sa tagal na panahon na hindi ako nakagawa ng cake and next kong oorderin ay baking pan, cake turntable at dough mixing mat. Madugo ngayon ang merkado ng crypto, umaasa pa rin na pansamantala lang ito at uusad, magiging berde din lahat.

@Nengste

Heto po katatapos lang magluto ng Tapsilog, ito ang naisip kong lutuin sa lunch namin ni bunso dahil tanghali na akong lumabas para maghanap ng sariwang maluluto kaya tuloy naubos na ang mga tindang sariwa, at saka nakasawaan na rin niya ang mga tindang lutong ulam sa labas, hininto ko muna ang pagbili ng lutong ulam saka na ulet. Halina po kayo, kain tayo!

@Nengste

Naghapunan na po ba kayo? Kahapon pa itong gustong tikman ni bunso, pagkadeliver kagabi kaagad na nagrequest si bunso na ipagluto ko daw siya nito, hindi ko napagbigyan dahil kailangan pang pakuluan ito sa dahon ng laurel, pamintang buo at asin, kanina ko lang napakuluan kaya nakapagprito na, madalang lang po ito kaingay nagcraved lang sa chicharon bulaklak.

@Nengste

Umagang kay ganda! Minsan naisip niyo po ba tuwing magmuni muni tayo tungkol sa buhay, yung paulit ulit na ginagawa natin araw araw na nakakaboring minsan, napaisip tayo na ganito na lang ba ang buhay? Ganoon pa man laban lang at gawing makabuluhan ang regalo ng naglalang sa atin at magpasalamat dahil binigyan tayo ng buhay para malasap o maexperienced ang hirap at sarap sa mundong ito.

@Nengste

Ulam! Nakapagluto na ba kayo, ako po ay maagang nakapagluto ng aming ulam ngayong araw, ito ay sarciadong Dalagang bukid na Isda, hindi ko alam kung bakit tinawag na dalagang bukid itong isda na ito 😊 kahapon ang aking pangalawang anak ay nagchat tinanong kung ano ulam namin dahil ayaw daw niya ang ulam nilang paksiw ni litson at nagshared ng post from facebook na gusto niyang ulamin at ito ay sarciadong isda kaya ito ang niluto ko para mabigyan siya kahit isang pirasong…

@Nengste

Nakakadismaya tingnan ang value ng mga crypto, bumulusok pababa si Bitcoin sumunod naman ang mga altcoin, ang bitcoin cash (bch) nasa 14k + na lang, sobrang sayang pag nagconvert ngayon. Ang mga may pambili po diyan time to make crypto shopping na, ang mga walang pambili katulad ko, wait na lang natin ang pag ariba ulit pataas ng crypto. Magandang gabi!

@Nengste

Maganda at mapayapang araw na Linggo sa ating lahat! Late na ang aking pagsilip dito sa noise at may inunang gawain si granny Nengste at ito ngayon ay nagluluto ng aming uulamin, ginisang mixed veges with tokwa at konting karne ng baboy, malapit na itong maluluto konting minuto na lang hanggang sa maluto ang gulay.

@Nengste

Ang Aming Hapunan: Nagtanong si bunso kung ano ang aming ulam, sinagot ko na may gulay pa tira kaninang tanghalian, tumahimik saglit maya maya ay nagsalita, gusto daw niya ng pasta kaya nagluto, ito po ang lagi niyang nilulutong pasta kasi madali lang po gawin at saka cheese at spicy san marino tuna saka konting ground pepper lang po ang sahog. Tara na Kaingay kumain na tayo.

@Nengste

Mapagpalang araw ang aking bati sa inyo Kaingay! Kumusta kayo? Ako po katatapos lang magluto, kanina may dumaang nagtitinda ng bagoong alamang nakabili akong konti kung kaya ay naisipan kong magprito ng isda at gulay katulad ng talong at okra, iginisa ko na rin ang bagoong at nilagyan ng isang hiniwang labuyong sili at konting suka para mabawasan ang alat ng bagoong at saka nilagyan ng maraming mantika hanggang sa maluto. Pahinga muna si granny Nengste habang inaantay na…

@Nengste

Magandang umaga! Martes na po, araw ng aking paglalaba ng isang linggong labahin, pero mamaya ko pa po uumpisahan. Nga pala share ko lang itong post sa page ni Boy Abunda about sa info o schedule ng kanyang one on one interview sa mga aspirant Presidential candidates, baka may mga Kaingay dito na gustong mapanood ito. Almusal muna si granny Nengste bago maglaba.

@Nengste

Received ko ngayon lang ang last ordered ko from Shopee ito ay mga gamit for baking, kulang ng isang item hindi nakasama sa parcel ang kneading dough pad kaya ni messaged ko kaagad ang seller as of now wait ko respond ni seller sa refund. Gusto ko pa sanang umorder ulet para macompleto ko na ang mga kagamitan kaso sobrang baba na ng value ng Bitcoin Cash kaya pause muna saglit heheh kahit sabik na akong magdecorate ng cake.

@Nengste

Kumusta ang siesta natin? Meryenda time na, cookies at tubig lang po. Siyanga pala mamaya may job interview pala ang isang Presidential aspirant sa DZRH ang unang isasalang ay si BBM baka gusto niyo pong manood, sunod sunod ang interview ngayong araw ni BBM.

@Nengste

Showing my presence here in noise, at the moment cooking vegetables a kind of dish called Pinakbet here in my country Philippines a combinations of vegetables like squash,lady finger,eggplant, I added sliced sweet potato to make sauce a bit sweet and malunggay I wanted to add smoked fish but then I haven't found any selling in store then found some left over fried fish in fridges, I took the fish bone and added the meat in my cooking. Here's our dish for lunch, it is almost…

@Nengste

Kamusta nakasieta mode na ba kayo? Napansin ko lang Kaingay na late yata ang payout ngayon dahil kanina pa na reached ang minimum payout ko ngunit hindi pa ito natransfer sa aking ewallet. Nga pala si VP Leni mamaya ang isasalang sa one on one interview ni Boy Abunda baka gusto niyong panoorin mamayang 6:30 pm

@Nengste

Kumain na ba ang lahat? Good news kaingay nakapagpayout na ako ngayon lang, check niyo rin po sa inyo, at last napanatag tayo na walang naging problema kay noise. Nakahiga na po ako at ready na magpaantok ng makatulog ng maaga. Magandang gabi sa lahat!

@Nengste

Same as usual, just to show my presence today here in noise and grateful having in the pinkish of health, enough strenght to make and do any household works. This is my late greeting " have a blessed day and productive day ahead. Good morning!

@Nengste

Hello Kaingay, andito na namang muli si granny Nengste na nagpapaabot ng pagbati sa inyo ng mapayapang araw na Sabado sa ating lahat. Oras na ng pagluluto, tiyak na naghahanda na kayo ng malulutong ulam, ako po ay nakapagluto na, adobong manok na may patatas, nilalagyan ko ng patatas kasi minsan wala akong ganang kumain ng meat, patatas at nakadikit na sauce solved na ako.

@Nengste

Ramdam niyo na ba ang pag-iba ng klima ng panahon? Ang init na po kaya nagtratrabaho na sa pag-ikot ang ginagamit kong electric fan. Mukhang mapaaga yata ang pagpasok ng summertime, tataas na naman nito ang kunsumo ng ating kuryente. Magandang gabi sa lahat!

@Nengste

Naghahanap ako ng makakain, naalala ko na ang aga ko palang kumain ng hapunan kanina kaya hindi mapakali, ang ingay ng aking tiyan kailangang malagyan ng laman para kumalma ng makatulog ng maayos kaya lang anong oras kaya ako nito makatulog.

@Nengste

Umulan po dito sa amin ngayong hapon, ito ang kauna unahang pagbagsak ng ulan dito sa taon na ito kaya lang hindi nagtagal at huminto rin, nagkaamoy lupa at umalinsangan tuloy, nasa siesta mode na sana ako, dahil dito bumangon at uminom ng tubig para iwas kabagan.

@Nengste

It's Monday today, I hope everyone here is in the best of health despites of the climate change that bring our health in trouble. I got up late from bed today and having a cup of tea at the moment heheh, I find myself lazy today, maybe I will just buy a dish for our lunch at a cooked dish store near us, don't be like me 😅

@Nengste

Late ang lunch namin ni bunso kasi hindi pumayag na bumili na lang ako ng lutong ulam, kaya napilitan akong maghanap ng maluluto buti may tinda pang buhay na Tilapyang isda sa labasan, nakabili ako ng isang kilo, 5 pirasong tilapya ang dalawa nifry ko at ang iba ginawa kong paksiw na may gulay na talong. Nga pala late ulet ang pa payout ni noise ngayon

@Nengste

Nang binuksan ko ang ilaw sa kusina, umilaw naman ngunit biglang napundi dahil walang lalakeng gagawa sa pagpalit ng punding ilaw kaya ako ang gumawa, pumatong ako sa lamesa para maabot ang socket ng bombilya, hindi ko na inistorbo si bunso dahil maagang natulog dahil pagod din sa trabaho. Magandang gabi sa ating lahat!