read.cash Log in
@Nengste more from that month

May dumaang mama dito na may nilalakong Tulya dahil nasa labas ako ng bahay natawag ko kaagad siya at nakabili, ang tagal ko na rin kasing hindi nakaluto at nakatikim ulit nito, taon din at saka gusto ko rin matikman ni bunso. Niluto kong parang Tinola na may dahon ng Malunggay nang kumakain kami kanina ni bunso, nagtanong si bunso kung anu ang pagkakaiba ng Tulya at Halaan, hindi ko masagot at nalilito din ako kaya pagkatapos namin kumain tinanong ko po si google na ang Tulya daw ay nakukuha sa saltwater at ang Halaan naman ay nakukuha sa freshwater according sa mama na binilhan ko ng Tulya kinuha niya daw ito sa may Bustos dam kaya Tinanong ko ulit si google kung anong klaseng tubig ang nasa dam at ang sagot ay 97.5% salt water at may 2.5% lang ang fresh water, tama nga po ang tawag ng tindero dito na Tulya.

4 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.