read.cash Log in
@Nengste more from that month

Mapagpalang araw ang aking bati sa inyo Kaingay! Kumusta kayo? Ako po katatapos lang magluto, kanina may dumaang nagtitinda ng bagoong alamang nakabili akong konti kung kaya ay naisipan kong magprito ng isda at gulay katulad ng talong at okra, iginisa ko na rin ang bagoong at nilagyan ng isang hiniwang labuyong sili at konting suka para mabawasan ang alat ng bagoong at saka nilagyan ng maraming mantika hanggang sa maluto. Pahinga muna si granny Nengste habang inaantay na aayahin kumain ni bunso.

4 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.