Ulam! Nakapagluto na ba kayo, ako po ay maagang nakapagluto ng aming ulam ngayong araw, ito ay sarciadong Dalagang bukid na Isda, hindi ko alam kung bakit tinawag na dalagang bukid itong isda na ito 😊 kahapon ang aking pangalawang anak ay nagchat tinanong kung ano ulam namin dahil ayaw daw niya ang ulam nilang paksiw ni litson at nagshared ng post from facebook na gusto niyang ulamin at ito ay sarciadong isda kaya ito ang niluto ko para mabigyan siya kahit isang pirasong isda lang ng matugunan ang kanyang craving.
3 comments
Ako naman namiss ko ang lechon paksiw. Masarap din yang ulam ninyo. Kami tilapia or bangus ang madalas isarciado.
Cravings satisfied na po sya nyan mamaya ma'am. Oo nga po bakit kaya pinangalanan yan na dalagang bukid na isda hihihi
Mukhang masarap..parang feel ko magluto kaya lang tilapia ang meron dito..