read.cash Log in
@Nengste more from that month

Hello sa lahat! Palagay ko ay magaling na ako dahil nakapaglaba na ako, katatapos ko lang at sumilip dito habang namamahinga. Bago ako naglaba inuna ko munang magluto ng ulam dahil kagagaling lang sa sakit nagluto akong ulam na may sabaw at ito ay tinolang manok na may dahon ng malunggay at sayote, naalala ko dati noong aking kabataan pag may nagkakasakit sa bahay ang lola ko ay nagluluto ng tinolang manok nakakabigay ginhawa po kasi ito sa maysakit, ang paghigop ng sabaw ng manok. Alas dose pasado na po pala kailangan ng kumain, iinitin ko na muna itong sabaw.

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.