read.cash Log in
@Nengste

@Nengste in December 2021

@Nengste

Umagang kay ganda! Late na nagising po sa kadahilanang naistorbo ang aking tulog ng madaling araw kasi may nangyaring commotion sa katabing bahay, buti nakatulog ako ulet ng 3 am na yata yun. Kamusta naman po ang umaga niyo? Makabangon na dahil ang init na ng higaan at saka inaantay na po ako ng walis😊

@Nengste

Ang alinsangan ng umaga pinagpapawisan na ako, nakapagwalis at lampaso na ng sahig, niluluto ko na rin ang uulamin ngayong lunch, ito ay adobong paksiw na galunggong, pagkaluto nito kailangan ko pang iprito ito ang ilang piraso para kay bunso kasi ayaw niyang kainin pag hindi pinirito.

@Nengste

Mananghalian na po tayo, late na kumain dahil pumunta akong bayan kanina. Ito na ang paksiw na adobong isdang galunggong with sliced eggplant pwede din bunga ng ampalaya. Inaantay ko ngayon ang pangalawa kong anak pag-uwi niya galing sa school na kanyang pinagtuturuan dadaan siya dito at dito na din daw siya maglulunch nagrequest na ipagprito ko daw siya ng paksiw adobong galunggong.

@Nengste

Tinapos ko ngayong gabi ang pagtiklop ng mga tuyong nilabhan ko kahapon, ngayong gabi ko ginawa kasi ang ginhawa sa pakiramdam dahil medyo malamig. Kanina pasilip silip lang ako dito at palaging tinitingnan kong mayroon na bang pinagkaloob si noise na free tips nang madistribute ko kaagad. Salamat noise nagampanan ko itong task sa pagshare ng free tip to some at the same time I earned too as well 🙏Good night!

@Nengste

Bago matulog kagabi tinanggal ko na ang connection ng fridges sa socket to defrost at ngayong umaga ko nilinis, ang kapal na ng yelo at tanging itong nuggets na lang ang laman, dahil bukas na ang pakete napasokan ito ng tubig kaya niluto ko na at pinapak habang umiinom ng ginger tea, ginawang pulutan 😄Maayong aga na lang sa inyo tanan!

@Nengste

Dahil natapos ko na ang aking mga gawain ngayong umaga maliban sa pagluluto dahil walang maluto, walang laman ang freezer, inaantay ko pang tumaas value ni bitcoin cash para makapagexchange into php ng may ipamalengke😄 ibinaba ko muna ang cp at nag-iikot sa labas ng bahay at napansin ang mga halaman, tinanggalan ko ito ng mga tuyong dahon at tinaniman ng snake plant ang bakanteng paso.

@Nengste

Saktong oras ang pagkain ko ngayon ng lunch, nauna akong kumain kay bunso at ako ay gutom na, bumili lang akong lutong ulam sa tindahan na malapit sa amin, ang nabili ko ay sinampalukang manok 50 pesos isang serving, may laman na tatlong sliced na manok at maraming binigay na sabaw mas mura compared sa isang tindahan na 60 pesos ang serving na may 2 maliliit na sliced na laman ng manok at konti ang pasabaw. Halina kumain na tayo!

@Nengste

Hindi ko na mapigilan ang antok ko kailangan ng matulog para mapagbigyan kahit sandali lang. Iiwanan ko muna kayo, babalikan ko kayo mamaya.

@Nengste

Success! Nakatulog po ako, nang makita ako ni bunso nagtanong ano daw ulam hindi ako makasagot hahah kasi walang maluto, mag-iisip muna at maghahanap ng mauulam sa tindahan.

@Nengste

Ito po hinahanda ko na para lutuin itong aming pagsaluhan ni bunso ngayong hapunan, tuyo para lang kay bunso kasi may allergy ako sa ganitong klaseng tuyo pagnakain ako nito sinisikmura ako, okay naman ako sa ibang klaseng tuyo, ewan ko ba bakit ayaw ng sikmura ko ito, sabaw at ginisang itlog sa kamatis lang sa akin.

@Nengste

Naobserved ko lang ngayong araw na nagpapaulan si @noise.cash ng FT kaya pinamahagi ko kaagad, mga kaingay 50-50 tayo hating kapatid. Maraming salamat @noise.cash sobra saya po ako sa pamamahagi sa biyayang pinagkaloob niyo.

@Nengste

Ka-ingay, napakabilis ng panahon, tapos na naman ang isang araw. Kamusta ang maghapon niyo? Nawa ay naitawid mo ang araw na ito ng masaya at pag-asa sa susunod na bukas, marahil may mga pagsubok na hinarap at patuloy pang haharapin sa kabila ng mga ito, nawa’y patuloy pa din sikaping maging mabuti sa kapwa. Magandang gabi sa ating lahat!

@Nengste

Late night with noise but I need to make an exit at this hour for me to rest and have some sleep. May we have a long good night sleep. Good night to all!

@Nengste

Ang lamig ng klima ng panahon ngayon umaga kung kaya ay tinatamad na naman akong bumangon hahah.. kahit ginugulo na ako ng tatlo kong kasama sa bahay, ang 2 naming alagang aso at si bunso andito sa higaan ko nanggugulo katulad ni zorro na mahilig sumuot sa kumot ko nandadagan inuutasan ni bunso para bumangon lang ako heheh habang ako ay deadma lang dahil ako ay nakafocus sa pagnoise. Magandang umaga!

@Nengste

Dahil walang stock na malulutong ulam, lumabas ako at naghanap sa tindahan at ito ang aking nabili, Tinapang isda at talong, kayo ka-ingay nakahanda na ba ang inyong lulutuing ulam para sa inyong lunch mamaya? Katatapos ko lang din mag -almusal ng tinapay na pandesal binili ni bunso sa panaderya malapit sa amin kaso ang tigas kahapon luto pa yata ito na hindi naubos, pwedeng isawsaw sa kape para lumambot kaso salabat itong aking ininom na lumamig na.

@Nengste

Heto nakapagluto na si granny Nengste, humabol pa akong magprito ng okra dahil gusto ni bunso ng okra, gumastos lang ako ng kulang isang daan piso, at tiyak na hindi namin mauubos kainin ang lahat na isda. Halina kayo samahan niyo kami ni bunsong kumain na nakakamay😀Bakit nga ba maganang kumain pag nakakamay?

@Nengste

Nakaidlip si granny Nengste at pagkadilat ko hinanap at hinawakan ko kaagad ang selpon para icheck si noise at ito ang bumungad pag checked ko po ng notification. Salamat ulit @noise.cash 🙏 wag kang mag-alala ipamahagi ko kaagad ito. Meryenda na tayo ka-ingay

@Nengste

Nag-iisip ako kanina kung ano ang uulamin namin ngayong hapunan ni bunso, sabi ko sa kanya may tira pang tinapa pwede niyo ng ulam yun mag sawsawan ka na lng ng kamatis at ako ay maglalaga ng itlog, tahimik lang siya maya maya dumikit sa akin gusto niya daw jollibee sabi ko wala akong pera pambayad, sabi niya, ano order niyo ma ako po ang magbabayad, nangiti ako sabi ko hamburger sandwich at burger steak, ito po dumating na, ang sarap nito kainin dahil libre, kain na po tayo!

@Nengste

Tulugan time na naman tapos panibagong araw kinabukasan, sobrang napakabilis talaga ang paglipas ng oras at araw at pagtanda ng mga tao kaya namnamin natin ang nalalabing oras kasama ng ating pamilya at kaibigan, ienjoy natin ang buhay sa mabuting paraan, tara ng matulog upang ipahinga ang katawan lupa. Good night!

@Nengste

Ang aga ko pong nagising mga 4 am pasado, dahil wala naman akong aasikasuhin dahil work from home si bunso at saka hindi ko na rin inaasikaso ang kanyang almusal siya na naghahanda kasi pag gusto niya lugaw o pasta bumibili lang siya sa labasan o kaya mag cereals at milk kaya more time ako sa aking sarili maliban na lang pag araw ng paglalaba, manatili muna ako ng isang oras sa higaan pero pagbuksan ko muna ng pinto itong alaga kong aso nangungulit gusto ng lumabas.…

@Nengste

Magkape po tayo! Kape ang tinimpla ko ngayon kasi parang masarap ang kape isabay sa pagkain ng champ burger ni Jollibee, ito ang natirang treat ni bunso kahapon sa hapunan na hindi ko nakain, namnamin ni granny Nengste ang kasarapan ng tinatawag na libre😋Tara sabayan niyo po ako.

@Nengste

Timing ngayon ang pagbaba ng value ng chainlink kasi natapat na may pambili ako, matagal ko ng balak bumili ng link kaso hindi natimingan lage kaya hindi ko na pinalagpas ang pagkakataon na ito, gagawin ko itong holding pang long term baka sakaling swertihin. Sabi nga nila crypto is the future, sana nga🙏

@Nengste

Bumili lamang ako ng lutong ulam isang serving na pork sinigang nang ininit ko naisip kong dagdagan ng gulay kaso repolyo lang ang meron ako di bale na basta may sahog na gulay hahah, masarap pa rin siguro ito lalo na may maanghang na sawsawan. Tara kain na po tayo😊

@Nengste

Napaaga ang pagbili ko ng chainlink, lalo pang bumaba ngayon, ang laki din binaba ng value ni Bitcoin cash halos lahat na supported coins ng Coins.ph, sana hindi tumagal ang pagbulusok pababa makarecover kaagad para happy ang lahat ngayong Disyembre.

@Nengste

Dahil walang work ngayon si bunso, gumala po siya kasama mga bff niya kaya kakain akong mag-isa ngayon, ito po ang aking hapunan itlog lugaw, kaninang umaga pa itong lugaw hindi naubos ni bunso, heto ininit ko ngayon ng hindi masayang.

@Nengste

Isa ka rin ba sa nababahala sa galaw ng crypto market, may nabasa akong isang blog ang sabi ay " This is market manipulation, no need to panic just buy the dip." Malay natin paggising bukas tataas ulit ang value.

@Nengste

Tiyak na ang sarap ng ating tulog magdamag dahil malamig ang klima ng panahon, tayo'y magpasalamat ulit sa unang biyayang ibinigay sa atin, ang pagdilat muli na may maayos na kaisipan, maayos na kalusugan at mabigyan ng pagkakataon muling makasama ang pamilya sa pagpapatuloy ng pagbuo ng maraming masasayang alaala, ang buhay ay maiksi lamang kaya maglaan ng oras para sa ating mga minamahal, wag natin sayangin habang may pagkakataon pa. Magandang umaga!

@Nengste

Naipagluto ko na ng ulam ang dalawa naming aso, isang sayoteng hiniwang maliit pinakuluan at sinahugan ng sardinas ito po nagustuhan nila at naubos, pinagluto ko kasi pag pinakain ang sardinas direct from can ayaw nilang kainin kaya ginawan ko ng twist.

@Nengste

Kumain na po tayo ng lunch nang kapagsiesta na po. Ang aking niluto ay sunny side up na itlog at nagbukas ng delatang tuna na iginisa sa sibuyas hindi pa rin kasi nakapunta ng palengke, pumunta akong tindahan kanina upang maghanap ng mailuluto hindi ko na naabutan ang mga tindang sariwa tinanghali ng punta kasi tinapos ko muna ang Zoom meeting 8-10 am.

@Nengste

Habang namamahinga heto po nanonood sa fb vlog ni khopars tungkol sa kaganapan sa San Jose, Nueva Ecija sa oras na ito inaantay nila ang pagdating ni BBM at Inday Sara, inaantok na ako pero aantayin ko ang pagsasalita ni BBM at Inday Sara sa stage, napagod na ang kamay ko sa kakahawak ng selpon kaya naisip kong ipatong buti may ganitong cp holder si bunso hiniram ko muna.

@Nengste

Magmemeryenda po akong kanin dahil dito sa binili ni bunso, kaya pala siya lumabas naghanap ng makakain hindi ko po alam kung saan niya ito nabili, wala ng tanong tanong basta libre kainin na lang 😅baka mapahamak pitaka ko pagtinanong ko siya.

@Nengste

Hindi na kami naghapunan kasi parang busog pa dahil nagmeryenda akong kanin kanina pag sakaling nagutom magtinapay at canton na lang mamaya. Sana naging mabuti ang ating buong maghapon lahat at walang nangyaring kahit na anong aberya sa araw na ito at kung meron man, sa hindi maiiwasang kadahilanan makakaya natin ito tiwala lang. Magandang gabi sa lahat!

@Nengste

Sumapit na ang oras para ipahinga ang mata, kamay at isip kailangan na ipahinga ng mga ilang oras ang katawan upang ito ay makapag-ipon ulit ng lakas, kailangan may sapat na enerhiya para magampanan ng maayos ang ating mga gawain bukas. Good night na sa inyong lahat!

@Nengste

Anung masarap sa malamig na umaga? May silbi ang kumot sa panahon ngayon, masarap magbabad sa higaan at uminom ng mainit na kape, kumain ng lugaw, sopas at anu pang mainit na sabaw, maglakad lakad etc. Salamat sa umagang ito na tayo muli ay binigyan ng pagkakataon na makasama sa noise upang magpahayag ng ating nararamdaman at pagbahagi ng ating mga activities sa araw na ito. Magandang umaga po sa lahat!

@Nengste

Tara ng magluto Ka-ingay! Pumunta ako kanina sa tindahan para bumili ng malulutong ulam, ang unang tindahan na aking pinuntahan ay walang sariwang tinda kaya lumipat ako sa pangalawang tindahan kaso sarado pero may nagtitinda sa katapat na puro manok lang wala ng choices kaya nakabili ako at heto inihahanda ko na ngayon.

@Nengste

Lunch na po tayo! Heto na ang niluto kong ulam na Chicken Asado ang Chicken asado ay may mga katulad na sangkap sa pagluluto ng Adobo maliban sa konting tomato sauce na wala sa Adobo at may pagkakaiba sa paraan ng pagluluto, ang pagluluto nito ay natutunan ko sa aking yumaong asawa at nagustuhan ang lasa ng aking mga anak, optional po ang paglalagay ng patatas.

@Nengste

Kagigising lang sa isang oras na pagkatulog pero parang kulang pa rin, panay hikab pa rin ako, siguro nga dala ng klima ng panahon ang pagiging antukin. Makabangon na nga po at maghanap ng mameryenda, makainom ng mainit na Salabat. Naisip ko tuloy masarap kumain ng nilagang saging.

@Nengste

Dahil sa kasabikang kumain ng nilagang saging heto nga po nakabili ako at kaagad na inilaga dahil late afternoon ko na naisip ito kung kaya ito na lang ang nilagang saging ang aking kainin sa hapunan, pagkaluto binuksan ko ang isa at nang makita ko ang laman na disappoint ako dahil Sobrang lambot po ng laman ang lata, akala ko hindi pa masyadong hinog ang nabili kong saging, nadaya ako ng aking paningin.

@Nengste

Kahit nakatulog ako ng hapon heto nag-aaya ng pumikit ulit ang aking 2 mata. Ka-ingay pagbigyan ko na ito, eexit na ako bukas ulit, mahina at mabagal ang dating ni FT kaya konti lang ang nabahagian ng biyaya, mauna na po ako. Good night!

@Nengste

Paexit na ako nang may nakita akong panibagong nadagdag sa setting, parang iset yata natin dito ang ibibigay natin na value pag nagheart tayo sa isang post, mababawas yata ito sa ating ewallet fund. Tama ba ako?

@Nengste

I was having a long good night slept last night, I am glad to be back here again noising, alive, having enough energy to do my laundry today, while it is still cold it is good to drink a hot coffee or any hot drinks in the morning with pandesal. Come and join me having these food as my breakfast.

@Nengste

Nasampay ko na po lahat ng aking nilabhan, kasalukuyang inihahanda ko itong lugaw na idinaan ng aking pangalawang anak, bumili kasi sila ng maalmusal nilang mag-asawa at madadaan sila banda sa amin kaya nasama kaming nabiyayaan. Kainin na natin itong biyayang hindi inaasahan, tara saluhan niyo po ako.

@Nengste

Nang naglalaba ako kanina tinanong ako ni bunso kung anu ang lulutuin kong ulam ang sagot ko ay hindi ako makapagluto, may hotdog pa diyan yan muna uulamin niyo tapos bumalik na sa work niya, hindi ko alam na umorder pala siyang pang samgyeopsal heto po kadelivered lang brb muna lulutuin ko na itong marinated meat, nasasabik na kumain si bunso.

@Nengste

Hindi po ako nakaidlip man lang, parang gutom hahah.. sa totoo lang hindi talaga ako nasisiyahan sa tinanghalian kong Samgyeopsal kanina, gusto kasi yun ni bunso ako trying hard lang pero talagang hindi ko type. Andito ako sa kusina ngayon naghahanap ng makakain kaso wala namang mahanap😂magbiscuit na lang nga para may makain.

@Nengste

Katatanggap ko lang po nitong parcel from shopee, matagal ko ng ginagamit itong iphone 6 na pinaglumaan ng aking anak tapos ngayon lang naisipang lagyan ng glass shield ng nagkaroon na ng gasgas ang screen heheh at itong earphone pampalit sa lumang earphone na ilang buwan ko ring pinagtiyagaan gamitin kahit hindi na gumagana ang isang kabila at pati speaker sira sa wakas napalitan din.

@Nengste

Magluto daw po ulet ako ng Samgyeopsal sabi ni bunso kaya heto nakaluto na at nakahain na, sabi niya ikaw ma hindi ka kakain? Ang sagot ko ay pinaghain lang kita at ako ay kakakape ko lang at fudgy bar pero pag nagutom ako may ginawa akong salad lettuce at cucumber with mixed mayo and catsup dressing yun lang ang kakainin ko mamaya. #foodphotography

@Nengste

Dahil naghahanap na ang aking mga alaga sa tiyan ng foods, kakainin ko na po itong inihanda ko kaninang vegetable salad na lettuce at cucumber, binalak ko talaga na ito ang aking meal for tonight sakaling ako ay magutom.

@Nengste

Nagising dahil sa tawag ng kalikasan at hindi naiwasang sumilip dito kay noise at sumilip din sa fb naki marites 😅magandang umaga sa mga gising na nanay diyan upang ipaghanda ang padre de pamilya ng almusal at baon na pagkain sa trabaho para makatipid. Sa mga padre de pamilya na papasok sa trabaho sana gabayan po kayo at ilayo sa anumang masama,ingat po kayo!

@Nengste

Umagang kay ganda! Tinanghali na bumangon, pagkabangon kaagad na hinawakan ang walis at basahan kaya ngayon lang nakapagkape at biscuit habang pinapanood ang caravan sa commonwealth Q.C ngayong araw ng napusuan kong kandidato pagkapresidente at bise presidente, alam niyo bang sa tuwing election noon hindi ako ganito, pero ngayon yung pakiramdam na sobrang nagustuhan ko itong kandidato na maging presidente na hooked ako sa kapapanood ng kanyang interviews at kanyang mga…

@Nengste

Dahil hindi nakapagluto, bumili lang ako ng isang serving na inahaw na liempo at pinagluto ng 2 hotdog at itlog si bunso. Sinubukan kong magexperiment ng ulam, isinawsaw ko ang hiwang inihaw na liempo sa sawsawan na toyo at kalamansi at saka ibinalot sa letsugas ang sarap! hindi nakakaumay nag some more rice pa ako😂

@Nengste

Hindi ko po naubos kain kagabi ang ginawa kong vegetable salad nakita ito ni bunso at tinikman, nagustuhan niya ito humiling sa akin na igawa ko daw siya dahil si granny Nengste ay masunurin at saka may mga sangkap naman para magawa ang hinihiling niya kaya ito ginawan ko ng special vegetable salad with bread pan😅

@Nengste

Beauty hacks: Ka-ingay nasubukan niyo na po bang gumamit ng iodized salt na panghilod? Alam niyo po sinubukan ko iyon may nakita akong dalawang paketeng iodized salt at naisip kong gawin itong panghilod nakailang beses kong ginawa ito sa tuwing ako ay naliligo tapos minsan na nag-aayos ako ng gamit sa kusina may nakita akong baking soda, hinalo ko ito sa iodized salt na ginawa kong panghilod. Ang ginagawa ko ay magsasabon muna pagkasabon saka ilalamas ang iodized salt na may…

@Nengste

Dahil walang malulutong ulam, napagkasunduan namin ni bunso na magpasta na lang. Itong pasta na aking niluto ay may mga sangkap na oil or butter, bawang,sibuyas, spicy corned tuna (san marino) cheese at ground pepper madali lang itong lutuin. Tara ng kumain habang mainit pa.

@Nengste

Natatawa ako dito sa picture na nisent sa akin ng panganay kong anak, nakunan niya ang kanilang pusa na nagpoo at pee ng ilang beses sa kanilang CR, itong pusa na ito ay gala inampon nila dahil gustong kalaro ng 2 kong apo, pinakapon na din nila ito para hindi mabuntis. Ang galing di ba?

@Nengste

Oras na para matulog, kita kits tayo bukas ulit dito kay noise. Sana ay makapahinga din ng maayos ang ating isipan, salamat sa pagshare ng inyong blessing sa akin, ika nga ang pagbibigayan ay isang hakbang ng pagtutulungan at pagmamahalan. Magandang gabi sa lahat Ciao!

@Nengste

Panibagong araw, panibagong pakikiba na naman sa buhay, panatiliing handa tayo lagi kahit ano pa yung hamon na ating mahaharap, laging isaisip laging may bukas at may pag-asa na ang lahat na ito ay ating malalagpasan at may kahihinatnan tungo sa maayos at magandang buhay. Magandang umaga!🌞

@Nengste

Na stranded oras ko kasi si bunso nagpapanic dahil tanghali na wala pa siyang natawagan na applicant mukhang may problema yata sa globe hindi siya makatawag pero natatawagan siya, pati pag almusal ko nahinto din, kinuha niya ang sim kong smart para yun gagamitin niyang pantawag kaso walang load, lalagyan ko sana ng load kaso may sira din ang smart ayaw pumasok ang load, nakisama din ako sa worries niya😂

@Nengste

Uumpisahan ko na pong lutuin itong dish na binubuo ng mga sangkap na, ground pork, sliced raddish,bawang, sibuyas, kamatis at konting pampaasim. Madaling lutuin lang po ito, igigisa lang sa bawang,sibuyas,kamatis ang ground pork, lagyan ng patis at lagyan ng tamang sukat na tubig pangsabaw pakuluan at saka ilagay ang hiniwang labanos pag malapit ng maluto ang labanos,ilagay ang pampaasim pakuluan ng konting minuto saka patayin ang apoy dahil luto na pwede ng kumain😀

@Nengste

Kamuntik ko ng makalimutang itanim itong halaman na hiningi ko sa aking kapitbahay, napadaan po kasi ako sa kanila kahapon at tiyempong nasa labas ng bahay ang aking kapitbahay kaya nakahingi po ako ng isang uri ng kanyang tanim na halaman, hindi ko po alam ang pangalan ng halaman na ito at hindi ko rin po natanong sa kanya😅

@Nengste

Sobrang antok na ang sakit ng aking ulo kanina, nakatulog po ako at ngayon lang nagising ang diwa na parang ayaw ko pang imulat ang aking mata dahil parang ang bigat ng aking pakiramdam, nag-aaway ang isip ko kung gigising ba o matutulog pa. Makabangon na nga po at uminom ng mainit na inumin nang tuluyang magising😄

@Nengste

Kainan na po! Pasasalamat tayo dahil meron tayong maihahain sa mesa upang pagsaluhan kahit papano natutugunan ang pangangailangan nating kumain 3 beses sa isang araw. Itong ulam namin ay tira pa ng tanghalian, kita niyo naman ang daming sabaw, dahil mahilig kaming humigop ng sabaw bago kumain habang mainit init pa ito. Tara kumain na tayo!

@Nengste

Kumain na po ba kayo? Share ko lang po ulit itong alagang pusang gala ng aking panganay na anak, kahapon nakunan niya ang kanilang pusa na gumamit ng CR para doon mag dumi ( first photo ) ngayong gabi po ay nakatanggap ulit akong picture galing sa aking anak na nakuhanan niya ng video ang pusa na umiihi sa kanilang CR (second photo ). Ang talino ng pusang ito! 👏

@Nengste

Sadyang kay buti makita ang bagong umaga! Ala 5 ng umaga po akong nagising ngunit sa oras na ito ako ay nasa higaan pa rin nilalasap ang lamig ng klima ng panahon. Akala ko po kanina ang oras na ako ay nagising ay 3 am pa lang kaagad akong bumangon para patayin ang iniwang bukas na ilaw sa labas yun pala ay nagliliwanag na kaya binuksan ko na rin ang pintuan sa kusina para ready na sakaling lalabas ang 2 naming alagang 🐕 Magandang umaga!

@Nengste

Ang isang pagkain Pilipino na masarap kainin tuwing umuulan o malamig ang panahon ito ay Lugaw, maagang lumabas ng bahay kanina si bunso upang maagang bumili ng lugaw sa tindahan na kung saan ay dinadayo niya dahil nasarapan sa timpla nito at heto po binili niya rin ako ng isang serving na may kasamang piniritong tokwa. Kanina pa ito sa mesa ngayon ko palang kakainin. Kain po tayo!

@Nengste

Oras na ng siyesta dahil nakakain na ng tanghalian, ang ulam namin ay karaniwang niluluto tuwing Biyernes walang iba kundi ang monggo, pag ganito ang ulam namin automatic na magpiprito akong tuyong haba para kay bunso at saka pork chicharon. Kumain na rin po kayo stop muna saglit ang gawain.

@Nengste

Dahil malamig ang klima ng panahon hindi ko maiwasang uminom ng kape at saka parang ang sarap kumain pag ganito ang panahon. Pagkagising ko sa pagkaidlip naisip ko kaagad na magkape, ang sarap nitong binusang mais at mani ang lutong, nabili ko ito sa tindahan malapit sa amin.

@Nengste

Hanggang ngayon po hindi pa ako kumakain ng hapunan, pakiramdam ko ay busog pa rin ako sa pag-inom ko ng kape late afternoon, ito ay lagi kong naobserbahan sa tuwing ako ay nakainom ng kape ang epekto sa akin ay parang ang tagal kong magutom. Kayo po anu ang side effects sa iyo ng pag-inom ng kape?

@Nengste

Everyday is really a blessing ! Kamusta po ang inyong umaga? Dahil hindi ako nakapaghapunan ng kanin kagabi maaga po akong naghanap ng makakain at heto po nakabili ng Beef Mami sa tindahan malapit sa amin, isang blessing din na may malapit na tindahan dahil hindi na kailangan magluto ng pang almusal sa umaga, pumunta ka na lang sa tindahan at mamili kung anu ang gusto niyong almusalin kamukha nitong Mami swak kainin sa malamig na umaga. Magandang umaga!

@Nengste

Hindi magawang paliguan ni bunso ang aking dalawang apo sa kanya dahil may work siya ngayon kaya nag take over si granny Nengste na paliguan si Grey at si Zorro. Pinabuhat ko muna silang dalawa kay bunso para dalhin sa paliguan dahil hindi ko kayang buhatin at pinatalian na rin kay bunso noong una takot sila maligo pero kalaunan nagustuhan na rin nila.

@Nengste

Kumain na tayo! Ginisang gulay na toge na binili sa tindahan ng lutong ulam, at nagprito ng tinapang isda at saka talbos ng kamote. Kailan kaya tataas ang value ni Bitcoin Cash need ko na magsell ng makapamili kaso nakakahinayang sobrang baba ng value.

@Nengste

Pork sisig sa hapunan! Umorder lang po ng isang servings na pork sisig para may maulam ngayon, 75 pesos per serving kasya na sa amin ni bunso ito. Kayo po nakaluto na ba kayo? Ako po ay kakain na habang medyo mainit pa ito, tara sabayan niyo po ako😄

@Nengste

Hindi pa po ako inaantok sa oras na ito siguro dahil nakatulog po ako ng hapon. Heto nanonood ng mga vblog baka sakaling dalawin ng antok at the same time pasilip silip dito kay noise, nagbabasa at namamahagi ng konting blessing mula kay noise. Nawa ay naging produktibo ang ating buong maghapon at nakaligtas tayo sa anumang masama, magandang gabi sa lahat!

@Nengste

Katatapos lang po kumain ng tanghalian, Laing na binili sa tindahan ng lutong ulam at saka nagprito po ako ng Tilapya. Naparami ang aking pagkain lalo na sa kanin dahil nagustuhan ko po ang Lasa ng Laing, masarap po ang timpla at saka may anghang kaya heto po naglalakad lakad dahil nabusog at lumintog na naman ang tiyan. Kayo po kumain na rin ba kayo?

@Nengste

I am glad to show you my presence here and of course seeing yours too today, I hope everybody is doing fine and in the best of health. Sharing you my meal this morning, a pasta bought by my youngest daughter from cooked food store nearby, Come let’s eat!

@Nengste

Kaluluto lang ng ulam at nakahain na sa mesa, kasalukuyang nasa harap na ng hapag kainan inaantay si bunso para may kasabay kumain. Pritong gulay na talong, okra at pritong isda, kayo po nakaluto na rin ba kayo? Tara ng kumain para may sapat na lakas sa paggawa at makapag-isip ng maayos sa pag laro ng mga blockchain games😀

@Nengste

Sa mga hindi pa nakapagdinner diyan kumain na po kayo, katatapos ko lang din kumain ng siomai ito ang aking hinapunan, lumiban muna sa pagkain ng rice. Pakiramdam ko medyo mainit ang klima ngayong gabi kaya nagbukas ako ng efan, baka uulan kaya maalinsangan. Nakapagligpit na ako sa kusina, oras na ng pahinga habang nag-iingay dito.

@Nengste

Kamusta po ang mga maagang nagising? Marami na bang nagawang gawain? Ako po late na nagising at kaagad na bumangon dahil naalala ko na maglalaba pala ako ngayong araw at may nakababad na mga bed sheets na kailangan ng banlawan pero bago ko gagawin yun magkakape muna with pandesal para may laman ang tiyan kahit papano. Magandang umaga po sa lahat!

@Nengste

Nayari ko na ang isang linggong labahin at heto naghanap agad ng makakain dahil hindi nakapagluto, nag-isip kung anu ang bibilhin na lutong ulam tapos tinanong ko si bunso ang sabi niya may tindahan daw sa labasan na nagtitinda ng ibat ibang combination ng Silog ( Sinangag at itlog ) kaya lumabas ako at pumunta sa tindahan na yun at heto po ang aking nabili, Lechon kawali Silog 70 pesos po isang order. Halina kumain na tayo

@Nengste

Mag-uumaga na pala, hindi ko na namalayan dahil nawili ako sa aking pinapanood, kamusta ang mga gising pa diyan? tayo ng matulog heheh nang-aya pa ako, sige na nga mauna na akong matulog sa inyo, bukas ulit. Magandang gabi!

@Nengste

Magandang umaga pa rin ang aking bati sa inyong lahat 😊 kahit nananamlay akong bumangon, hindi pa rin po kasi ako makapagsell ng bitcoin cash, palagay ko yun din ang inyong dinadaing na nasa ay tumaas na ang value. Mapipilitan po akong mag sell nito pagpaparating na ang parcel noong nishopping ko sa 12-12. May nabasa akong blog ang sabi ay sa January pa daw ang pag bull run ng crypto, sana nga para Happy New Year talaga.

@Nengste

Pagkagising ko ngayong hapon, pakiramdam ko ay ang sarap kumain at humigop ng mainit na sabaw kaya lumabas ako at naghanap sa tindahan ng available na tinda na may sabaw at ito po ang aking nabili, dumaan din ako sa bakery para bumili ng maliliit na pandesal pang pares ko dito, baka hindi na po ako nito makapagdinner dahil late na itong aking meryenda. Tara join me 😊

@Nengste

Hindi pa rin ako dinadalaw ng antok kaya saglit na nasilip dito. Pasalamat tayo na naging mabuti at makabuluhan ang ating buong maghapon, sana ay patuloy tayong gagabayan patungo sa tama at mabuting landas para hindi tayo malilihis patungo sa masama. Magandang gabi sa lahat!

@Nengste

Late na itong aking pagbati ng umagang kay ganda sa ating lahat! Dahil padating na ang isang parcel from Shopee at wala akong hawak na perang pambayad kaya napilitan akong magconvert ng Bitcoin Cash sa halagang sapat lang sa aking pangangailangan kahapon at kaagad ko namang inilipat sa aking gcash account at nicashout, ang laki ng pagpapasalamat ko kay @noise.cash, talaga naman pong maasahan sa kagipitan ang aking naipon dito.

@Nengste

Blessing! Kahapon may dumaan dito sa amin na namimigay ng stub at sinabing makukuha daw ang grocery ngayong araw 3 pm, ngunit ng lumabas ako ng bahay nakita ko na marami pong tao na may bitbit ng bag na kulay green at nagtanong ako at ang sabi ay pwede na daw kuhanin ang grocery kapalit ng stub na binigay kahapon doon sa bahay ng may-ari ng Baliwag litson manok, dahil malapit lang din sa amin kaya pumunta kaagad ako at pagdating doon binigyan agad ako, nakaya at naiuwi ko…

@Nengste

Nakakain na kaya ang kapwa natin na nasa lugar na kung saan nakaranas ng malakas na hagupit ng bagyong Odette? Sana ay ligtas sila at nakasilong ang lahat sa isang matatag na evacuation center. Dito sa Bulacan hindi man lang umulan ang mga bata dito abala sa caroling. Ito po kakain na, pritong isdang Bangus at saka nagluto ng seafoods noodles para may mahigop na sabaw.

@Nengste

Good morning pa rin ang aking bati sa lahat lalo na sa kapwa kong nakaranas ng malakas na hagupit ni bagyong Odette, laban lang po tayo huwag maghinayang kung sakaling may nawawalang material na bagay ang importante ligtas at buo pa rin ang pamilya, ganyan talaga ang buhay may mga bagay na bigla na lang lilitaw na hindi natin kontrolado, maging matapang lang tayo para harapin ito.

@Nengste

Oras na para maglunch, tara rito at salohan niyo ako sa pagkain nitong niluto kong Tuna Omellete para maiba naman ang luto sa Tuna at kakaibang lasa at saka bumili ng lutong ulam na ginisang toge. Nagustuhan ni bunso ang Omellete sabi niya masarap daw kaso parang naumay siya sa cheese naparami yata ako ng lagay.

@Nengste

Naudlot ang aking pagtulog sa tunog ng cp tumawag ang shopee rider sa pagdeliver ng napili kong welcome gift as new user ng Shopee app ito ay 2 kls na bigas, 8 pesos lang ang aking binayad dito. Siguro pagnatanggap ko na lahat ang paparating na aking inorder from Shopee need ko ng uninstall ang app para iwas temptation, baka kasi maubos ang naipon kong bitcoin cash😅

@Nengste

Another blessing bago sumapit ang gabi, dumaan dito sa bahay kanina ang aking anak at inabot ang mga ito, bigay daw ng Mayor sa kanilang mga Teacher, sa akin niya binigay kasi meron na rin daw nito ang kanyang biyenan kasi guro din ng public school, ang dami ko ng natanggap na freebies, may 4 set pack of spaghetti na akong naipon, share ko rin ito sa kapitbahay kong karapatdapat bigyan.

@Nengste

May virtual christmas party sina bunso ngayong gabi, may pa free foods worth 150 pesos kailangan ni bunso ng resibo dated ngayong araw para marefund ng company kaya umorder siya kaso more than 150 pesos ang worth ng naorder niya dahil inorder niya rin ako 😋 ayos ito dahil magluluto lang sana ako ng itlog, kadedelivered lang nito tara kumain na tayo.

@Nengste

Gising pa rin po, ayaw pa akong dalawin ng antok. Sobrang nakakalungkot panoorin ang probinsiyang dinaanan ng bagyong Odette kung sana hangin lang ngunit ang lakas din ng ulan tssk.. tssk..may nabasa ako kanina na may darating pa daw na isang bagyo nitong buwan ng Disyembre kaya paghandaan po natin yun. Magandang gabi!

@Nengste

Late na ang pagpapakita ng aking presence dito sa kumunidad ng noise.cash, magandang umaga ang aking bati sa inyong lahat! Tiyak na nakapag-almusal na kayo, ako po nagkape na at nag fudgy bar, si bunso bumili ng kanyang almusal ang paborito niyang Silog (lechon kawali, sinangag, itlog) kasalukuyang inihahanda ko na ang aking dish for today na may sangkap na kangkong,tokwa at oyster sauce.

@Nengste

Halina kumain na tayo! Ang aking ulam ay gulay na kangkong na may sahog na tokwa at oyster sauce para na rin akong kumain ng meat dahil ang tokwa ay mayaman din sa protina kaya ito ay magandang alternatibong kapalit ng pagkain ng mga fresh meat at ito ay tumutulong upang mapababa ang timbang. Ang Kangkong naman ay nagtataglay ng Bitamina A, B1 at C mayroon din itong phosporus, Calcium para tumibay ang ating buto, Carotene para makatulong luminaw ang ating mata.

@Nengste

Nang natutulog ako kanina nagising ako dahil sumiksik si Zorro sa akin at nanginginig yun pala ay may nagpapaputok kaya niyakap ko para macomfort siya, nakakaawang Zorro sobra ang takot pagnakarinig ng paputok. Nga pala oras na ng hapunan, ako ay nagpapak lang ng tirang ulam na kangkong na may tokwa, pass muna sa pagkain ng kanin. May natanggap ulit akong blessing heheh pwede na itong pang-ulam.

@Nengste

Damhin ang lamig ng simoy ng bagong umaga! Nakakatamad bumangon, ang sarap pang magbabad na nakakumot sa higaan. Araw ng Linggo, araw ng paglaan para magbigay ng papuri sa Amang makapangyarihan sa lahat at araw ng din ng pagtitipon ng buong pamilya, sana ay masaya ang lahat sa araw na ito. Magandang umaga!

@Nengste

Nakalinis na ng bahay at nakaluto na rin ng ulam at ngayon ay namamahinga na at heto po tinablan ng antok, sobrang nakakaantok kasi ang klima ng panahon. Nakapagluto na rin ba kayo? Nag text na ang isang paparating na parcel from Shopee na ang pambayad ay galing sa katas ng naipon kong bitcoin cash galing sa platform ni noise.cash, salamat @noise.cash!

@Nengste

Ito na po ang ang bunga ng pinitas o kinurot ko sa puno ng Bitcoin cash, noong Friday ko lang po ito inorder nadelivered na ngayon all the way from Marikina to Bulacan. Affordable ang price kaya nigrabbed ko na. Sa tingin niyo po magkano kaya ito?

@Nengste

May tumatawag sa labas kaya tiningnan ko, ang delivery rider pala dala ang parcel from shopee, nagtaka ako kung bakit wala akong natanggap na text o tawag man lang at bakit alam niya ang bahay namin, kaya tinanong ko siya, yun pala ay kilala na niya kami dahil magkapitbahay lang kami hahah kaloka hindi ko siya kilala baka kilala siya ni bunso. Nagmeryenda na ba kayo? Meryenda namin ni bunso ay squid ball.

@Nengste

Napansin ni bunso na pwede na gumawa ng fruit salad, galing sa mga bigay bigay na natanggap namin sapagkat kompleto na ang sangkap may fruitcocktail,cheese,all purpose cream at condense milk kaya heto gumawa na siya, nagkaroon pa kami ng malamig na dessert ngayong hapunan.

@Nengste

Umagang kay ganda! Late na naman po bumangon si granny Nengste, ngayon lang din nakatapos sa mga gawain at heto nasa harapan na ng mesa nagkakape at pandesal habang hawak ang selpon. Tiyak na nag-iisip na kayo ng malulutong ulam ako po ay excited na sa aking lulutuin dahil gagamitin kong lutuan ay ang binili kong copper non stick pan.

@Nengste

Timing po ang pagdelivered kahapon ng inorder ko sa Shopee na non stick copper square pan dahil may nagbigay din kagabi ng isang buong manok so naisip ni granny Nengste na subukan gamitin ngayon at ito po ang itsura ng aking niluluto malapit ng maluto. Ito ay roasted chicken, madali lang gawin ang pagluluto nito, nilamas muna ang buong manok sa iodized salt,butter at pamintang durog saka niluto ito gamit ang copper pan at sinabay na rin ang patatas.

@Nengste

Katatapos lang namin kumain ni bunso papahinga muna bago matulog, lalong nakakaantok ang klima ng panahon ngayon dito dahil umuulan, light lang naman. Pag ganito ang panahon parang ayaw kong maligo hahah.. parang ako ay magkakasakit pag naligo pero kailangan ng maligo nabili na ako ni bunso ng aking panghilod na iodized salt with baking soda.

@Nengste

Ang natirang ulam ng tanghalian ang aming ulam pa rin ngayong hapunan nag steam lang akong cabbage para may gulay, bagay kasi ipares ang repolyo sa roasted chicken na may gravy. Nagustuhan ni bunso nabitin pa siya sa gulay, ako konting kanin lang, gulay at gravy solved na ako. Kumain na rin kayo😊

@Nengste

Magandang umaga! Kamusta po ang inyong tulog? Napasarap yata ang aking tulog minsan kasi hirap akong matulog pag sobrang malamig ang klima ng panahon hindi ako pwedeng pumunta sa ibang bansa na may winter season kasi baka ikamamatay ko hahah. Akala ko ay maaga pa ang oras ng ako ay nagising kaya bumalik ako sa pagtulog nang may narinig akong tunog ng washing machine naglalaba na ang aming kapitbahay kaya tiningnan ko ang orasan, nakita kong pasado 5 am na pala, hindi na ako…

@Nengste

Flex ko lang itong alaga naming aso na ang pangalan ay Zorro, natayo lang ako para kumuha ng kutsara pagbalik ko siya na ang nakaupo sa upuan. Kape muna tayo sa malamig na umaga at bago sumabak sa mga labahin.

@Nengste

Labadami labango na, nasampay na rin lahat. Pagkatapos maglaba namahinga saglit at saka inihanda ang lulutuin kong ulam, itong dish ay natutunan ko rin sa aking namayapang kabiyak, nakalimutan ko na kung ano ang tawag dito kasi mula ng nawala ang asawa ko ngayon lang ulit ako magluluto nito mga 8 years na din ang nakaraan nang pumunta kasi akong tindahan kanina nakita ko itong talangka kaya naalala ko ang isa sa mga paboritong ulam ng aking asawa.

@Nengste

Muli na naman “magandang umaga “ ang aking bati sa inyo, wag tayong magsawang magpasalamat sa mga biyayang mga bagay, mabuting kalusugan,paggabay sa atin araw araw ang magising muli sa pagkatulog ito ay ilan lamang na dapat ipagpasalamat. Sabi ni bunso huwag daw muna akong magluto ng ulam na may manok pass daw muna siya kaya ang lulutuin ko ay gulay ala chop seuy. Almusal po tayo!

@Nengste

Nakakain na po kami at nakapag urong na rin ng mga hugasin, ang ulam namin ay itong gulay at ala chop seuy dahil wala akong pritohing sariwang isda, Tinapang isda na lang ang pinirito ko para ipares sa gulay. Namamahinga na at naghahanda ng maligo maya maya para presko ang pakiramdam pag nagsiyesta. Kayo po Ka-ingay anu ang inyong ulam?

@Nengste

Nadismaya ako sa parcel na dumating galing shopee, 10 items ang aking order tapos 8 lang ang dumating heheh nang dumating kasi ang delivery rider naliligo ako kaya si bunso ang pinareceived ko nang makita ko ang parcel napaisip ako bakit sa maliit na pack lang nakalagay para kakong may kulang ng nicheck ko yung order ko sa shopee app kulang nga po ng 2 roll of kitchen paper towel need ko pa naman yun sa kusina.

@Nengste

Nashared ko po dito kanina ang tungkol sa parcel na nareceived ko from Shopee na kulang ang items, nichat ko po kaagad ang seller at nagrequest ng refund na kaagad namang tinugunan pagkaraan ng isang oras nareceived ko ang amount via Shopeepay wallet, sana ganito lahat ang seller agaran solution sa concern ng kustomer.

@Nengste

Goodmorning! Pagkagising ang una kong nicheck ay ang Coins.ph kasi kahapon may bagong update at kaagad ko namang inapdate kaso hindi maopen ang app ngayong umaga ganoon din kaya tiningnan ko sa app store ang nakalagay”update” so ibig sabihin hindi successful ang pag update ko kahapon kaya update ulet so ngayon ay naopen ko na at nakita na ang bagong interface may nadagdag na crypto wallet Axie at SLP

@Nengste

Nagbukas akong Television ngayon dahil nakakabingi ang sobrang tahimik, nag-iisa kasi ako ngayon, maagang lumuwas si bunso pinapaduty daw siya onsite then may gaganapin na yearend party ang company na kanyang pinapasukan, kaya wala akong problema kung anu ang aking uulamin kahit anu na lang na available dito sa kusina.

@Nengste

Hihiga na sana ako para magsiesta ng narinig kong may tinatahulan sina Grey at Zorro sa labas yun pala ay shopee delivery ni bunso, may parating pala siyang parcel hindi man lang nag-iwan ng pambayad. May nisent siyang photo sa family group chat namin may pahamon yata ang kompanya sa kanilang mga employee.

@Nengste

Kagigising lang sa pagkaidlip, kamusta? Nagmeryenda na ba kayo? Ang alinsangan ng panahon mukhang uulan yata. Nga pala naisip kong bumili ng SLP dahil ang baba pa ng value niya kanina nasa 1.57 pesos baka sakaling tumaas ang value sa susunod na araw.

@Nengste

Alas 8 na hindi pa ako nakakain ng hapunan parang busog kahit binusang mais lang ang aking kinain ganito epekto ng nag-iisa, walang ganang kumain puro dutdut ang ginawa maghapon pero kakain ako kahit tinapay at gatas para may laman ang tiyan. Kumain na ang hindi pa nakakain diyan, maganda gabi sa inyong lahat😊

@Nengste

Kinabahan po ako dahil hindi nagparamdam ang aking bunso text or chat ang huli naming chat ay 10 pm last night na andun na sila sa venue sa the Beech QC sabi ko sa kanya wag siyang uuwi ng alanganing oras doon muna siya tumuloy sa kaworkmates niyang babae, oo daw tapos binanggit niya ang pangalan. Ngayong umaga wait ko ang text or chat niya tanghali na hindi pa rin nagparamdam kaya nitext ko na at chat ang tagal din niya na seen kaya lalo akong kinabahan, nawala pag alala ko…

@Nengste

At last nakauwi na rin si bunso, makakain na ako ng maayos, ito ang mga pauwi ng company sa kanila, 2 box na donut, ham at queso de bola. Lunch time na kaya hinainan ko na siya ng makakain sa mesa, ang niluto kong ulam ay ginisang de latang macherel na may kangkong na gulay parang sinigang na macherel dahil nilagyan ko ng konting pampaasim, ayaw niya daw kaya nag sliced ako ng ilang pirasong ham. Kain na tayo!

@Nengste

Kababangon lang po sa pagkaidlip, dahil may donut na uwi si bunso nagtimpla akong kape, meryenda po tayo. Itong donut ay walang brand ito ay pinapamigay sa mga newly hired at under training as call center agent ng VXI, baka may kilala kayo na naghahanap ng work as a call center agent International account wala pa po silang local account sa ngayon its a work onsite, try niyo pong mag -apply dito,

@Nengste

Sabi ni bunso kanina pupunta daw siyang bayan tapos tinanong niya ako kung may ipapabili daw ba ako sabi ko sige ililista ko mamaya kaya bago ako natulog naglista ako at iniwan sa mesa pati pera, pagkagising ko wala na ang listahan at pera meaning umalis na si bunso papuntang bayan. Nang nagmemeryenda ako tumawag si bunso at sinabing lalabas daw ako para tulungan siya bumuhat ng mga pinamili niya, nagulat at nangiti ako ng nakita ko ang kanyang binili itong electric oven na…

@Nengste

Share ko lang itong ginagawa ni bunso, ayaw pumayag na sa new year na lang gagawa ng mango graham float kaya hinayaan ko na lang siyang gumawang mag-isa. Kumain na kami ng hapunan ang ulam ay ang natirang sinigang na salmon kaninang tanghalian.

@Nengste

Umagang kay ganda! Parang New year na dito sa amin kagabi dahil may nagpapaputok na, sina Grey at zorro nanginginig at umiiyak sa takot. Alas onse na ako nakatulog kagabi nang kumalma na ang dalawang aso at ngayon lang nagising. Tiyak na ang daming maalmusal sa inyo diyan, makikain na lang ako sa inyo hahah...

@Nengste

Kasalukuyang nag-aalmusal, ito ay mga bigay lang sa amin ang laking tinipid din, malaking halaga din ito pagbinili. Ang nabili ko lang ay ang mga sangkap sa paggawa ng mango graham float dahil requested ni bunso siya lang naman mahilig kumain heheh.. sa new year pa magtitipon ang magkakapatid dito sa bahay kaya tiyak na maghahanda ako ng aming pagsaluhan sa araw na iyon. Tara kain tayo!

@Nengste

Meryenda! Halina na meryenda tayo, sa kagustuhan kong subukan ang bagong biling electric oven ay nakagawa ako ng baked macaroni, gustong ni bunso ipagawa sa akin ay banana cake kaso kulang ang mga kasangkapan sa paggawa kaya ito na lang ang naluto. 1/4 kl ground beef at saka 1/2 kilo na pasta ang ginamit sa paggawa nito.

@Nengste

Dahil sa paggawa ng tiktok video nawalan si bunso ng 5k? Bakit siya nawalan dahil nahulog ang kanyang bagong biling iphone 10 wala pang isang linggo yun, pagkahulog nasira ang LCD pinagawa niya ngayon 5k paggawa palit LCD. Sus bakit yung cp kong samsung ilang beses na nahulog hindi naman agad nasira. Ang mahal ng iphone pero hindi nman pala matibay.

@Nengste

Ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon sumilip dito, nangangamoy tuyo po ang paligid namin hahah ang sarap kumain ng tuyo sa araw na ito pantanggal umay sa mga pagkain masasarap na inihanda kahapon. Tinanghali ako ng gising dahil napuyat sa pagcomfort sa aming 2 alagang aso, nagsisiksikan silang dalawa sa hinihigaan ko kaya nagising ako, natakot na naman sila sa paputok pati ako nga nagugulat sa lakas ng paputok. Magandang umaga sa lahat!

@Nengste

Kahapon nagtataka ako kung bakit hindi ko maaccess ang noise.cash gamit ang iphone, unang naisip ko ay weak internet ilang beses kong sinubukan ayaw talaga tapos inopen ko ang noise gamit ang andriod phone at naopen ko ito so ang pangalawa kong naisip ay baka niblock ni noise ang pagaccess ko ng noise.cash sa iphone dahil salitan na dalawang gadget ang gamit ko sa pag-open ng noise, nang may nakita akong post ngayong hapon sa isang user na @ezo siya din pala ay nakaranas ng…

@Nengste

Salamat walang nagpapaputok ngayon, kalmado at makakatulog ng maayos ang dalawa naming alagang aso. Matulog na tayo kaingay, pasukan na naman ulit bukas para maghanapbuhay. Magandang gabi sa lahat!

@Nengste

Musta po ang inyong umaga? Maingay ang umaga dito sa amin ngayon dahil may namimigay ulit ng stub, early blessing ulit from the owner of Baliwag lechon manok, bukas pa makukuha sa bahay ng may-ari ng Baliwag lechon manok, 5 minutes walk from home. Kape po tayo sa umagang malamig.

@Nengste

Nagpakulo akong tubig pambanli sa tubig na panligo nakasanayan ko na ito tuwing ako ay maliligo mainit man o malamig ang panahon, pagkatapos ko ligo saka naglunch pagkatapos kumain sinumpong ako ng antok. Iiwan ko na muna kayo iidlip muna ako.

@Nengste

Malapit na magbagong taon ilang araw na lang sasapit na ito, uso pa ba ang new year resolution? Nakapaglista na ba kayo? Napakaantukin ko nitong nakaraang araw, ito ay dala ng malamig na panahon sa akin heheh.. Tara ng magkape o magtea pampainit ng sikmura sa malamig na umaga. Araw ng aking paglalaba ngayon, siguro late ko na uumpisahan gawin ito malamig pa ang tubig.

@Nengste

Ilang beses akong nagtried to send tip via QR code ayaw po gumana bakit kaya? May bagong update kayang ginagawa si noise🤔 transaction failed to send lagi

@Nengste

At last nadelivered din 13 days din na paghihintay bago dumating, ang nagdelivered ay ang kapitbahay naming J and T delivery rider kilala na kami kaya hindi na nagtext o call bago hinatid dito sa amin. Gamit sa kusina para naman maging maayos tingnan pag sa magandang lalagyanan nakalagay ang mga condiments at spices para ganahan akong magluto heheh.. pag may mailuluto😄 katatapos lang namin magdinner ang ulam ay fried Tilapya at pritong talong ang sarap sanang isawsaw sa…

@Nengste

Maayong buntag sa inyo tanan! Nasa higaan pa si granny Nengste, nakakatamad pa kasing bumangon dahil malamig ang panahon ang sarap pang magbabad sa higaan ng ganitong oras. Si bunso lumabas pumuntang tindahan naghahanap ng maalmusal na may sabaw. Ilang gabi na akong hindi nagbubukas ng electric fan, ayos ang klima ng panahon nakakatipid ng konsumo sa kuryente.

@Nengste

Tulogan time! Tulog na ang aking mga kasama, ako na lang itong gising nakatulog po kasi ako ng hapon kaya dilat pa ako hanggang ngayon. Panay ang pagcheck ko ng aking coins.ph lagi kong binabantayan ang movement ni Bitcoin cash baka sakaling tumaas value nang makakurot man lang 😄 Magandang gabi sa lahat!

@Nengste

Naisip kong ichecked ang metamask wallet at nagulat ako sa aking nakita na ganito ang laman ng aking smartbch network wallet, nichecked ko kaagad ang value ng spice 0.0004 usd, parang hindi naman tugma sa value na nakalagay sa Spice wallet, it's a prank yata ito hahah akala ko pa naman makapamalengke na ako bukas.

@Nengste

Hello noisemates! Ito ang unang post ko dito ngayong araw, katatapos ko lang paliguan ang 2 fur babies, sinadya ko talaga na ngayon hapon sila paliguan dahil baka ginawin sila pag umaga paliguan. Share ko nga pala ang stolen shot ng mag-ina, si Grey yung nakasandal sa hita ni bunso at si Zorro naman na parang siga kung tumingin.

@Nengste

Ang aking kapitbahay naguumpisa ng magpatugtog ng malakas, ayos ang soundtrip sa umaga kasi hindi masakit sa tenga. Isang araw na lang year 2022 na na, salubungin natin ang bagong taon na masaya, masagana at may dalang puno ng pag-asa. Magandang umaga!

@Nengste

Nakabili ako ng isang pirasong bangus na isda dahil malaki naalala ko na gusto ng aking pangalawang anak ang baked bangus belly kaya ang ulo at buntot ay aking sinigang sa sampalok at ang belly ay ginawa kong baked bangus niluluto ko na ngayon iinitin na lang, kasi bukas pa sila pupunta dito, nabalot ko na rin ang beef lumpiang shanghai. Happy new year sa lahat!

@Nengste

Putukan dito putukan doon, tugtugan dito tugtugan doon handa na ang lahat sa pagsalubong sa papalapit na bagong taon 2022, samantalang itong kaguluhang ito a banta sa mga aso, nakakaramdam sila ng emotional stress, matatapos din ito 2 oras na pagtitiis na lang. Happy new year sa lahat!