Beauty hacks: Ka-ingay nasubukan niyo na po bang gumamit ng iodized salt na panghilod? Alam niyo po sinubukan ko iyon may nakita akong dalawang paketeng iodized salt at naisip kong gawin itong panghilod nakailang beses kong ginawa ito sa tuwing ako ay naliligo tapos minsan na nag-aayos ako ng gamit sa kusina may nakita akong baking soda, hinalo ko ito sa iodized salt na ginawa kong panghilod. Ang ginagawa ko ay magsasabon muna pagkasabon saka ilalamas ang iodized salt na may baking soda sa mukha at buong katawan banlawan ng tubig at saka sabunin ulit ang mukha at buong katawan at saka banlawan, tanggal po ang mga dead skinat saka naging smooth ang balat. Subukan niyo po. Minsan pumunta dito ang isa kong anak tinanong ako kung ano nilalagay ko sa aking mukha dahil nag lightened at sinabi ko wala, naghihilod lang ako ng ako gamit ang iodized salt na may halong baking soda.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
4 comments
Ang galing naman po ma try nga din po yan.
Mukhang May bago na naman ako g susubukan ✨ sana po umepekto din ng maayos sa akin
Sa paa at kamay ko lang po nagamit ang iodized.. hindi po ba mahapdi pag sa katawan..will try this po, thank you
Ay may gnun pala na beauty regimen. Matry nga nyan. Parang punong puno na ako ng dead skin e. Hahah