Timing po ang pagdelivered kahapon ng inorder ko sa Shopee na non stick copper square pan dahil may nagbigay din kagabi ng isang buong manok so naisip ni granny Nengste na subukan gamitin ngayon at ito po ang itsura ng aking niluluto malapit ng maluto. Ito ay roasted chicken, madali lang gawin ang pagluluto nito, nilamas muna ang buong manok sa iodized salt,butter at pamintang durog saka niluto ito gamit ang copper pan at sinabay na rin ang patatas.
1 comment
Ay naman nasubukan agad mam. At nakakatakam.