Sabi ni bunso kanina pupunta daw siyang bayan tapos tinanong niya ako kung may ipapabili daw ba ako sabi ko sige ililista ko mamaya kaya bago ako natulog naglista ako at iniwan sa mesa pati pera, pagkagising ko wala na ang listahan at pera meaning umalis na si bunso papuntang bayan. Nang nagmemeryenda ako tumawag si bunso at sinabing lalabas daw ako para tulungan siya bumuhat ng mga pinamili niya, nagulat at nangiti ako ng nakita ko ang kanyang binili itong electric oven na matagal ko ng gustong bilhin heheh ito daw regalo niya sa akin, binubuhat ko pa lang papasok ng bahay nagrequest na ng banana cake.
1 comment
Ang ganda nyan mommy! Subukan na agad at magbanana cake na..😍