Pag-uulayaw Sa Asotea

8 26
Avatar for MrsPepper27
2 years ago

Tanda mo pa ba? Ang kwento nina Maria Clara at Crisostomo Ibarra? Ang mga bidang likha ng ating pambansang bayani sa Huwag Mo Akong Salingin, o Noli Me Tangere sa nakararami.

Balikan natin ang ilang mga sandali ng dalawang bida na sa huli'y naging sawi rin. Ikapitong kabanata, Ang Pag-uulayaw Sa Asotea, dito pinakita kahit sandali lamang ang pagiging magkatipan ng dalawa. Kahit sandali lamang, silang dalawa ay nabigyan ng pagkakataon para makapagsarili. Saglit na sinariwa ang mga lumipas na sandali. Mga alaalang kay tamis na nagbigay ngiti sa kanilang mga labi. Ang pinagmulan ng kanilang pagmamahalan, tawanan at tampuhan. At nagtapos nga ang kabanata sa pagtulos ng dalawang kandila ni Maria sa mga Patron ng Manlalakbay.

Kung di mo pa batid ang ibig sabihin ng salitang 'pag-uulayaw' ay halika at lumapit sa akin at nang maibulong ko sa'yo giliw. Suyuan, lambingan o pwede rin namang landian. Para sa magkasintahan o kahit na mag-asawa basta may dalawang pusong wagas na nagmamahalan.

Ganyan sila noon. Ganyan sila magpahayag ng nararamdaman para sa kanilang sinta. May paggalang sa babae, may respeto sa pamilya ng babae at sa kanya mismo. May pagtalima sa mga pangakong binitiwan. Ganyan pa rin ba tayo ngayon? Sa makabagong panahon, buhay pa ba ang lahi ni Crisostomo Ibarra? Mayroon pa rin bang kamag-anak si Maria Clara? Ikaw? Paano mo pinapakita ang pagmamahal mo sa iyong sinisinta? Paano mo pinahahalagahan ang mga pangakong inyong binitiwan sa isa't isa? Paano nga ba magmahal ang mga Maria Clara at Crisostomo Ibarra ng makabagong panahon?

Ikaw, Ibarra ng makabagong panahon, naranasan mo bang magsibak ng kahoy, mag-igib ng tubig o kahit magluto para suyuin ang iyong minamahal? O nagpa-Grab Food ka na lang o kaya ay Food Panda para kayong lahat ay makakain na? Nagbigay ka na ba ng isang bungkos ng rosas? O ikaw mismo ang nakatanggap? Mukhang may kasama pa nga na tsokolate at maliit na laruang oso. At kung medyo nakaluluwag-luwag ay may kasamang ding pera.

Uso pa ba ang harana? Tanong yan ni Chito Miranda. Mayroon pa nga bang gumagawa nito ngayon? Sinong lalaki ang hanggang ngayon ay kinakantahan ang kanilang kasintahan upang iparamdam ang kanyang pagmamahal? Mayroon na bang babae ang gumawa na nito? Isa ding paraan upang mapagkasundong muli ang mga pusong nagkatampuhan.

Paano naman ang mga liham, tula o sanaysay na handog para sa iyong minamahal. Naranasan mo na ba gumawa, o ikaw ang ginawan? Mayroon nga kanta ang ginawa, laman ang paghanga sa taong minamahal.

Hatid-sundo mo rin ba mula sa bahay hanggang eskwelahan o opisina ay iyong dilag? O may lihim kayong tagpuan sa malapit sa punong mangga? Kasabay sa paglalakad sa tuwing may pagkakataon. Inaalalayan para hindi madisgrasya at hindi mahulog sa iba.

Patalastas! Huwag mong kalimutang bisitahin din sila.

Sponsors of MrsPepper27
empty
empty
empty

Nagbago man ang panahon, ang mga tao maging ang ating paligid, ngunit may ilang bagay ang nananatili. Magkaiba man ang kinalakihang henerasyon, pagdating sa pag-ibig ang lahat ay nagkakaisa.

Ang Sa Akin Lang

Napakalaki na ng pinagkaiba ng henerasyon noon kumpara sa henerasyon ngayon. Mayroong mga nagsasabi na mas mainam pa ang dati kumpara sa kasalukuyan dahil sa maraming bagay. Ang sa akin lang, parte ng paglaki ng tao at mundo ang pagbabago. Totoong napakalayo na nga nang ating narating. Mula sa teknolohiya, sa mga paniniwala, sa pamumuno at marami pang iba. Ang lahat ay may kakabit na kabutihan at kasamaan. Pero ang lahat ay isa lang ang pinagmulan, pagmamahal sa sarili, para sa kapwa, para sa bayan, para sa May Likha.

-WAKAS-

Orihinal na likha ng malikot na pag-iisip ng inyong likod.

If you wanna know some of my daily activities, short posts or want to have some good vibes, you can visit my Noise account MrsPepper.

7
$ 0.11
$ 0.05 from @Bloghound
$ 0.05 from @bbyblacksheep
$ 0.01 from @FutureDoctor
Sponsors of MrsPepper27
empty
empty
empty
Avatar for MrsPepper27
2 years ago

Comments

PAG-UULAYAW. My gulay. Biglang bumalik ang sakit ng uko ko. Hahaha.

Para sagutin ang iying katanungan, hindi ko pa naranasan ang makatanggao ng rosas o ang haranahin ng mga manliligaw. Narinig ko lang ang nga kwentong iyon sa aking ina at kanyang nga babaenhmg kapatid. Para sa kanila ay maganda ang ginagawang panliligaw noon kumpara sa ngayon. Tama ka na nag-iiba ang panahon ganun din ang mga tao. Ngayon ang mga Crisostomo at Maria Clara ay mga mapupusok. Wala na yung ibibigay ang kanilang sarili para sa iisang tao. Nakakalungkot pero ganun na ang nangyayari sa karamihan ngayon. Ok lang sa akin magbago ang istilo ng panliligaw pero sana ay konserbatibo pa din ang mga babae. Para kasing nabibilang na lamang sa daliri ang mga babae na makalumang Maria Clara. 😔

$ 0.00
2 years ago

Mas kita yung effort noon dahil lhat pinaghihirapan hindi tulad ngayon na isang tawag lang hehe..

$ 0.00
2 years ago

Ika nga nila "change is constant" sa paglipas ng panahon, nagbabago din ang mga tao pati ang kanilang mga gawain. Ibang iba na ang panahon ngayon sa panahon noon dala na rin ng makabagong teknolohiya na pinapadali ang lahat. Para sakin nangyayari parin po ata yung way ng panliligaw ng mga lalaki sa babae sa mga probinsya nga lang pero mas lamang parin yung sa text o social media nalang ang gamit sa panliligaw.

$ 0.00
2 years ago

Digital na kasi ang labanan ngayon hahaha pati panliligaw, virtual na din karamihan

$ 0.00
2 years ago

We are all affected by the change. But we need to have a healthy attitude towards the idea of change which is the only constant in the world. Stop being so judgmental and let's focus on the present situation, accept the things as they are, and do change the things which are in our control without any fear.

$ 0.00
2 years ago

S title pa lang napaclick na ko, may pagkaerotic na ewan, hahaha.. And di nga ako nagkamali sa maria clara at crisostomo ibaraa. Nabasa ko kasi yun post mo sa noise.cash😂. Tama, ibang iba na ngayon ang suyuan, ngayon tru social media lang nagiging mag on eh kaya arang walng sincerity. Unlike dati na haharanahin ka, ipagsisibak ng kahoy, susungkutin pa ang buwan😅

$ 0.00
2 years ago

Kala mo 50 Shades, mamsh? Muntik na nga dun mapunta kaso baka ma-ligwak tayo dito pag ganun ang sinulat ko Hahaha gustong gusto ko yung 'susungkitin ang mga buwan' hahaha

$ 0.00
2 years ago

Alam mo bang napangakuan ako nyan, hahaha.. Nanligaw sa akin ng lasing kaya ligwak sya, hahhahhaha

$ 0.00
2 years ago