Lessons Learned from the Movie "Us Again".
Piliin ang nilalandi, pag mahal na ng iba, wag mo ng landiin.
Ang laki ng mundo, ang daming taong pwedeng mahalin. Wag ka ng mang agaw ng pagmamay ari na ng iba. Wag kang susugal sa taong may boyfriend o girlfriend na. Maaaring masaya sa simula pero darating ang panahon, pare pareho lang kayong masasaktan.
Tandaan, “if he cheats with you, he will cheat on you.”
Huwag mo hayaang maging option ka lang
No one deserves to be an option. Wag mo hayaang pansinin ka lang niya pag bored siya, tatawagan ka lang kung wala ang syota niya, makikipagkita lang sayo pag may kailangan o pag kinakati siya. Di mo deserve yan. You deserve so much better, you deserve to be loved, you deserve to be a priority.
Maging masaya ka ng walang nasasaktang ibang tao.
Wag kang selfish, hindi lang sayo umiikot ang mundo. Importanteng maging masaya ka pero importante din na wala kang nasasaktang ibang tao. Wag seloso, don’t steal someones happiness for your own sake. Temporary happiness won’t last.
Remember, It’s not genuine happiness, if you’re happy while others are hurting.
Don’t sacrifice friendship and family over love.
Pahalagahan mo yung mga tao na tumangap at nagmahal sayo bago dumating yung boyfriend o girlfriend mo. Wag mong ipagpalit ang pamilya at kaibigan mo sa isang taong walang kasiguraduhan.
Pag nasaktan ka, saan ka pupunta? Babalik ka parin sa pamilya at kaibigan mo.
Kanino ka iiyak? sa pamilya at mga kaibigan mo
Sino ang makikipag tagay sayo pag nagka problema kayo?
MOVIE REVIEW
On Jane Oineza, she’s such a brilliant actress. Napaka galing umarte. She was able to portray her role well. She exudes a wholesome sexy appeal!
On RK Bagatsing, he was all natural! You’ll feel the pain in his eyes same as you’ll feel the happiness in his smile.
On Sarah Jane Edwards, ganda ng mukha. I’m not sure if she’s a new comer but she acts really well. Ang galing para sa baguhan, if ever she is.
On Jin Macapagal, he has a long to go, bagay sa kanya ang mga probinsyano roles.
Maganda ang storya, the flow is understandable pero kailangan mo tumutok, wag ihi ng ihi para mas maintindihan mo, each scenes leads to the other.
Magalaw at magulo ang camera most of time, parang kinulang ng konti sa stabilizer. I don’t know if it is part of their style pero parang di naman kailangan sa eksena.
The film has the tendency to be monotonous, medyo matagal nag peak ang storya but the twist on the end, saved the film.
If you watched the film, comment your insights and the things you learned as well.
Thank You for Reading!
Leas Image Taken from Me
-===-
Dun tayo sa sa pipiliin ang lalandiin, pag meron ng nagmamay-ari abe hanap na ng iba. hahaha.Kapag nagkabukuhan ang sasabihin , nagmahal lang naman ako. haist.