Lessons Learned from "My Amanda".

9 31
Avatar for MoonTrader
2 years ago

1. Pag mahal mo, sabihin mo, ipakita mo, iparamdam mo.

Kung walang tao na masasaktan sa pagibig mo para sa kanya, walang rason na hindi ka magpakatotoo sa nararamdaman mo. Ang pag ibig ay isang sugal, hindi mo malalaman kung anong magiging resulta kung puro takot lang ang paiiralin mo.

Kung tatangapin ka niya o hindi, kailangan handa ka din sa pwedeng maging resulta. Mas mahirap kung puro “what if” ka lang.

What if sinabi ko?

What if sinubukan ko?

What if gusto niya din ako?

Iparamdam mo sa kanya! Malay mo mahal ka din niya!

2. Gamitin mo din ang utak mo, wag puro puso lang.

Minsan dahil sa sobrang pagmamahal natin sa isang tao, hindi na natin nakikita ang tama o mali, hindi na natin napapansin kung meron silang ginagawang mali o tayo mismo nagbubulag bulagan sa totoo at sa mga maling ginagawa nila.

Wag mo pairalin ang feelings mo, let your mind decide what is right! Pagisipan mo if you deserve the love you are getting or kung worth it ipaglaban ang pag ibig niyo o ang taong minamahal mo!

Importante din na pag umiibig ka, nakikinig ka din sa sinasabi ng mga taong mahal ka, yung mga tao na alam mo yung mabuti lang ang hangad para sayo. Listen to their advice at tingnan mo kung merong point ang sinasabi nila. Be open minded!

3. Kahit sino ka pa, merong taong magmamahal sayo.

You deserved to be loved, kahit ano pa ang nakaraan mo, kahit ano ang itsura mo o kahit ano pa ang kulang sayo. The right person will love you just the way you are. Hindi mo kailangan mag pretend para mahalin ka!

Mas masarap mahalin ng walang tinatago, at walang pagkukunwari.

If the person can’t accept who you truly are then that person is not the one for you! Ganun lang ka simple.

4. True love can just be around the corner.

Sa kakahanap natin ng tunay pagibig, hindi natin napapansin yung mga tao na nasa paligid lang natin baka nandyan lang yung tao na handang mahalin ka.

Madalas kasi ang taas ng standards mo at ang dami mong gusto sa isang tao pero sa totoo lang ang importante ay mahal ka, tanggap ka at mahal mo din!

HONEST FILM REVIEW

  • The story is unique! It shows a different kind of love, it’s overwhelming and unconditional. Yung tipong mapapatanong ka, meron din kaya kayang mahalin ako ng ganyan? Not the typical love story!

  • It is well written and the transition is understandable. Di ka mahihirapan na sumabay sa kwento.

  • Alexandra is Piolo is really good. Parang hindi pelikula it’s feels more like barkada mo sila at kasabay ka sa lahat ng eksena. It is more like it is happening in front of you. They act natural and not scripted at all!

  • Most of the scenes maraming chikkahan at batuhan ng linya pero hindi mo ramdam na acting lang.

  • Yung kasal scene, wala masyadong script pero ramdam mo ang sakit ng eksena.

  • Rating: 9/10

Worth your time! 💚

Thank You For Reading!

Lead Image taken from Me

-===-

5
$ 0.97
$ 0.89 from @TheRandomRewarder
$ 0.04 from @King_Gozie
$ 0.02 from @OfficialGamboaLikeUs
+ 2
Sponsors of MoonTrader
empty
empty
empty
Avatar for MoonTrader
2 years ago

Comments

Yiee totoo naman, pag mahal mo iparamdam mo, di yung puro patago lang kasi di yan maramdaman ng taong mahal mo. Pag mahal mo ipakita mo, effort will make his/her heart flutter.

$ 0.00
2 years ago

Parang need ko mag watch nito. Hehe

$ 0.00
2 years ago

Ndi ko pa nawatch yan

$ 0.00
2 years ago

I agree it is worth to watch! Naiyak nga ako eh

$ 0.00
2 years ago

Yown, may nakaka relate din❣️

$ 0.00
2 years ago

Parang Hindi ko pa napanuod to. True naman ang lesson. Pag nagmahal gamitin din ang utak kaso impossible na kasi nakakalimutan ng mag isip kung ano ang tama kapag nabalot na ng pagmamahal charot

$ 0.00
2 years ago

Hugot na hugot ate ahh😅

$ 0.00
2 years ago

Tagalog article kannow ah, ako rin minsan napapatagalog kapag wala na laman utak q

$ 0.00
2 years ago

Oo ate di na kaya English always hihihi.

$ 0.00
2 years ago