23 Thoughts Realizations While Watching "More Than Blue".
1. Kailangan ba talaga na maging mali muna ang pananatili bago piliin ang pag-alis?
2. Palaging may darating sa buhay natin para bigyang-buhay ang mga alaala na matagal na nating inilibing.
3. Ang sarap sa pakiramdam na may isang tao na kaya kang sagipin kahit sa mga araw na hindi ka humihingi ng tulong. Pero ang tanong, hanggang kailan sila magiging gano’n?
4. Hindi tayo kayang gamutin ng pag-ibig pero kaya nitong baguhin ang mga paniniwala natin.
5. May mga pangako na napapako dahil mas kailangan nating magsakripisyo.
6. Mabigat ang katahimikan. Mabigat ang hindi pag-amin sa tunay na nararamdaman.
7. Hindi lang kung paano mahulog at magmahal ang itinuturo ng pag-ibig, kun’di tinuturuan din tayong pahalagahan ang oras na gustong-gusto nating ilaan sa isang tao o sa isang bagay.
8. Takot ang pinakamatinding kalaban ng pag-ibig.
9. Ang isang pagkabigo ay katumbas ng isang malaking pagbabago na maaaring bumuo sa atin at maaari din nating ikadurog.
10. Winawasak tayo ng sarili nating mga desisyon. Winawasak tayo ng ating pagiging malambot, ng pagpili natin ng tama kaysa sa kung saan tayo magiging masaya.
11. Minsan, nakukuntento na lang tayo sa pagiging kaibigan sa pag-asang baka makita nila tayo nang higit pa sa pagkakaibigan.
12. Nagmamahal tayo nang sobra at umaabot ito sa puntong sana hindi na lang tayo sumugal para hindi na tayo kailangang masaktan nang sobra.
13. Ano pa ang hindi natin kayang gawin tuwing nagmamahal?
14. Minsan, ipinapaubaya natin sila dahil hindi natin kayang ibigay ang pinapangarap nilang buhay.
15. Nakamamatay ang mga pagsisisi. Nakamamatay ang mga baka-sakali.
16. Hindi tayo nagluluksa sa maling tao. Nagluluksa tayo sa maling panahon at maling pagkakataon.
17. Required ba talaga na magparaya kahit hindi naman talaga tayo rito sasaya?
18. Hanggang sa huli, iniisip pa rin natin kung ano ’yong makabubuti kahit ito pa ang pinakamasakit.
19. Walang “sayang” kung naibigay mo ang lahat. Naibigay mo ba talaga ang lahat?
20. Sa huli, hahanapin pa rin tayo ng pag-ibig kahit ilang beses pa nating piliin na umalis.
21. Bakit mo ipagdadamot ang hindi naman sa ’yo?
22. Kulang na kulang ang oras para maging masaya. Kulang na kulang ang oras tuwing nagmamahal.
23. Sapat ba talaga na pinili natin ang magmahal kahit alam nating may hangganan ang lahat?
Conclusion
Hindi masama ang magmahal, nagiging masama lang ito kung ito ay nagiging ikaw ay nasasaktan na. Hindi kailangan ibigay ang kahat sa pag-ibig, mag iwan ka naman para saiyo kahit kunti lang. Masarap sa pakiramdam ang umibig at iniibig, ngunit ang pag-ibig din ang siyang magbibigay ng sakit katumbas kung gaano ka kasaya.
Maraming Salamat sa Pagbasa!
Lead Image Taken From Unsplash
-===-
That movie really hits different, ang daming realizations talaga about life and love