"Things I Realize While Watching RTIA"
Blog #52
May mga bagay tayong narerealize habang nanonood ng kung ano mang panoorin sa telebisyon man yan or sa socmed.
Isa sa mga talaga namang pinapanood ko sa socmed ay ang "Raffy Tulfo in Action/ RTIA" kung nasa Pilipinas ka malamang sa alamang alam mo ito. Dahil hindi lang sila basta basta socmed na para sumikat lang bagkus ay isa silang programa na kung saan ay tumutulong sa mga taong nangangailangan. Basta make sure mo lang na once you nedd their help is malinis ka, wala kang bahid ng kasalanan kasi later on mababakiktad ka. Sa mga napanood ko sa RTIA may mga complainant na bandang huli ay sila ang nababaliktad kaya magiingat karin and make sure na wala kang nagawang mali para smooth sailing lang ang pagtulong na makukuha mo galing sa kanila.
Itong segment na ito ang napanood ko kahapon. Even matagal na siya napaisip ako ng bonnga. Panoorin niyo nalang po ang video sa mga hindi pa nakakapanood.
Things I realize when I watched the video above; 👆
Huwag umasa sa kita ng asawa
Isa ito sa naisip ko habang pinapanood ko ang video sa taas. Kasi in the video yung lalaki lang ang kumikita while yung babae ay nag-aalaga lang ng kanilang nga anak. Kaya nung tjme na hindi na nagpadlaa yung lalaki at hindi sila inuwian gutom ang mga bata. Kaya huwag na huwag mag rely sa asawa, bagkus taong nga babae ay dapat magkaroon ng sideline or sariling pinagkakakitaan dahil kapag ang lalaki ay sinapian ng masamang espirito alam muna mangyayari.
Mag-impok ng pera
Hindi habang panahon ay nandiyan ang asawa mo,hindi habang panahon magkasama kayo. Kaya kung may pagkakataon ay dapat magtabi kahit konti or kahit papano. Para kung dumating ang panahon na sumakabilang bahay o tao siya may laban ka dahil may naitago ka para sa isang panibagong simula.
Mag-isip ng ibang raket or negosyo.
Habang nagibigay pa ang asawa mo or habang nasa tabi mo pa siya. Matutong maging bussiness minded. Hindi kailangan ng malaking puhunan sa taong may pangarap. Ang negosyo o ang pagnenegosyo ay hindi easy money ito ay pinaghibirapan pero kung ito ay mag- boom at mahal mo ang ginagawa mo surebol hindi muna kakailanganin ang suportang pinansyal ng kahit na sinong babaero.
If kasal kayo/hindi ng lalaki fight for the right of your kids needs.
Kasal o hindi may karapatan ang mga bata na suportahan ng mga tatay nila. Kaya ipaglaban kong ano ang nararapat na kailangan ng mga kids. Naisip ko kung ako or sakin nangyari yan yung para sa mga bata nalang talaga ang ipagallaban ko. Dahil once na trust ang nawala sakin hindi ko na kayang ibalik pa yun, kaya much better yung para sa mga bata.
Once a cheater always a cheater
Sa mga lalaking manloloko o nagloko they did notdeserve a second chance kasi once a cheater always a cheater. Magloloko at magloloko na yan,if ever man yung pain na dala ng panloloko niya never ng mabubura sa utak mo. Kaya don't be fool na magpaloko muli. Kahit na sabihin na wala na sila or kung ano man yan hindi majujustify nun yung ginawa niya or nila. Dahil ang taong nagmamahal ay hindi kailanman sasaktan ang mahal niya. At kung may respeto siya sa pagsasama niyo,iisipin niya ang consequence ng mga bagay bagay bago niya gawin.
Yan ang mga bagay na naisip ko while watching that segment of RTIA. Masyadong nakadepende yung girl sa asawa niya kaya nung time na nagkalabuan siya ang masyadong naapektuhan ay yung mga bata. Kaya naman advice ko sa mga may asawa na katulad ko huwag maging or huwagumasa lamang sa lalaki kailangan laging mag second plan or may sariling kita para if ever man na magloko ang taong kinakasama mo hindi magiging kawawa mga anak niyo.
Sa panahon ngayon na masyado ng laganap ang teknolohiya hindi malabong mangyari ang mga bagay bagay na yan sa mag-asawa. Kung noon nga na hindi pa gaano kalaganap ang technology ay may mga nagloloko na what more pa kaya ngayon. Kaya nasa tao nalang yan kung magiging loyal siya sa sinumpaan niyo or sa pangako niya sayo.
Kung sayo mangyari yan,handa kaba? Kaya mo ba? At ano ang unang unang gagawin mo? Comment mo na yan sa baba👇,para may topic tayo.
Btw thank you very much sis @BCH_LOVER sa pagtitiwala sa akin. Welcome back to may sponsorship board. 😉😊
Author's Quota;
Ang pag-aasawa ay hindi gaya ng social media na kapag nakakita ka ng ibang content na maganda ay dun kana. Kailangan magstick ka sa sarili mong content para ito ay gumanda kagaya ng sa iba. Hindi rin pwedeng maging gaya-gaya dahil mas importante parin ang original. Parang legal wife lang yan siya ang original kaya siya ang may laban. Ano daw? Haha😉😊
Kung nagustuhan mo po please do 👍
Subcribe kana rin (MommySwag)
Comments kana rin para 😊
Iba pa rin talaga un may sariling pera e.