The Day when she left us!

11 46
Avatar for MommySwag
1 year ago

This is my first article for this year. I may not so active nowadays sabagay even before, I occasionally write my thoughts here. The reason is I can't write a full English word,and for me my grammar isn't good for me to have a confidence to share it with others.

This article of mine i would share with you is when my mother passed away. Its hard to share coz its bring back those memories that I wanted to let go. All I want is to remember her as if she was alive and all I want is to cherish my good memories of her. But it seems that I can't let go the sad moment when she need to go somewhere, somewhere that I know she is in good hand na. No more pain,No more sickness and no more problem at all.

I remember when I wrote my article in here, if you remember "The greatest copy cat" Its all about her and me. I wrote that para sa Mother Day special. That's was the greatest article I made sa lahat ng nagawa ko. Kasi its all about my mother.

Now na magsusulat ako about sa paglisan niya ay naninikip ang dibdib ko at bumabalik yung sakit na nadama ko nung nawala siya. Until now hindi ko matanggap na maaga siyang kinuha samin. It was November 24 when the doctor said she's dead. Ang nakakalungkot pa is hindi ko na siya naabutang buhay pa. Ang nakita ko nalang sa Hospital ay yung katawan niya na wala ng buhay.

Ang sakit to the point na hindi ko man lang narinig ang huling salita niya. Tapos bago mangyari yun, nagaayos ako ng Medical Assistant niya. Lumalapit ako sa Government like DSWD para sa medical assistant na gagamitin niya pampacheck up at pambili narin ng gamot. That's time kasi unti unti ng nawawala ang tip sa noise at hindi rin ako makapagsulat or isip ng maganda article kaya wlaa akong kita. Wala akong maibigay sa kanya. Kaya sobrang sakit, tapos ng araw ding yun nagbiro pa ko sa kanya. Kasi nalate kami ng punta noon sa DSWD. 300 katao lang tinatanggap nila sa Medical Assistant pero sa Burial is walang limit. Kaya naman nung umuwi ako to tell her na hindi ako napasama sa Medical Assistant,biglang nasabi ng bibig ko na. Salagay kumuha ako ng Burial Assistant. It was a huge bad joke kasi nung gabi nangyari ang bagay na sinabi ng bibig ko. Kaya totoo ang kasabihan na makapangayrihan ang bibig"

Sinisisi ko ang sarili ko ng araw na yun. Bakit ko nasabi yun,at bakit nangyari ang ganun. Kung sana maaga kong inayos yung Medical Assistant niya,Kung sana lagi akong nandun para sa kanya at higit sa lahat kung sana may pera lang ako. Siguro kung may pera lang ako hindi mangyaysri yun, hindi siya magiisip ng kung ano-ano at hindi mamomoblema sa pang-gamot niya. Lagi kong sinisisi ang sarili ko.

Isa pang nagsisis ako eh! nung nagpicture kami sa lamay ng Ninang Edith ko. Nasa gitna siya that time. Kaya parang naniniwlaa na ko sa pamahiin na "Bawal magpicture ng tatlo,dahil mamatay ung nasa gitna. "

Hindi ko kinunan ng picture yung itsura ng nanay ko nung nasa Hospital siya. Kasi ayoko na maalala siya in that way. Ang sakit mawalan ng ina,lalo na yung nanay mo na yun is yung pinaghuhugutan mo ng lakas sa tuwing pinaghihinaan ka ng loob. Yung nanay mo na yun,yung nakakausap mo sa tuwing may problema ka. At higit sa lahat yun nanay mo na yun,ay ang taong naniniwala sayo na kaya mo kahit yung sarili mo is hindi naniniwala.

Kaya ang mapapayo ko sa mga may nanay pa diyan. Mahalin niyo ang nanay niyo,kasi once they are gone. Never mo na siyang makikita,never mo na siyang makakausap at never mo na siyang mababalik sa buhay mo.

Yan yung burol niya sa bahay namin sa San Rafael. Pinaganyan ko talaga yan kahit na mahal ang service kasi inisip ko yan nalang yung huling maibibigay ko sa kanya. Yung mabigyan siya ng magandang Burol. Na yung mga pangarap ko na iy sa kanya ay hindi ko naibigay nung nabubuhay siya. Ang dami kong pangarap na gustong ibigay sa nanay ko,nung buahy pa siya. Pero ngayon never ko ng magagawa pa yun.

Sa ngayon ang tangi kong maibibiagy sa kanya nalang ay yung mabayaran ng taon taon yung amiliar dun sa pinaglibingan niya. At yung kahit papano is maging in Good term sa tatay ko. Hindi kasi ako makatatay talaga. Si tatay kasi noon,may favoritsm at yun yung bunso namin. While my father give anything my sister want,my mother give the same attention to me. Nanay ko lang ang kakampi ko noong bata ako. Yung kapag may bago yung kapatid ko na binili ni tatay,si nanay to the rescue yan,bibili din niya ko ng bago. Kaya sobrang sakit nung nawala siya. Para na kong pinatay ng Diyos. Iniisip ko nalang nagyon na may mga anak ako na kailangan ko din buhayin,tsaka iniisip ko din na nasa piling na siya ng Diyos at wala ng sakit na mararamdaman.

Ito yung huling punta ko sa puntod niya. Tomorrow ay balak namin siyang puntahan ng kapatid kong babae ulit. Every week or kapag nandun ako samin ay hindi pwedeng hindi ko siya dadalawin.

Yung lapida niya pala is nilgayan ko ng picture niya para sa tuwing pupuntahan namin siya makikita namin ang mukha niya. Sobramg lungkot talaga nung nawala siya, kahit ilang buwan na ang ang nakalipas yung pain is still nandito at habang sinusulat ko ito. Panay tulo ng luha ko,dahil naaalala ko yung panahon na nawala siya,yung panahon an nagisip ako bakit siya pa. Bakit hindi niya nahintay na matupad ko man lang mga pangarap ko sa kanya. Hindi amn lang siya nakatikim ng masaganang buhay.

Hanggang dito nalang muna ito, Salamat sa mga magbabasa at makakapag appreciate ng article ko. Pero hindi lang para sa earnings ito. Isa si read.cash sa mga platform na nilalagyan ko ng memories kahit malungkot ito or masaya. Parang Facebook nandun lahat ng picture ng mga anak ko mga memories nila. Itong article na ito ay masasabi kong diary ko at labasan ng mga iniisip ko noon pa man. Yung pain at regret sa pagkawala ng nanay ko. Wala kasi akong masabihan na ibang tao. Alam ko dito sa pamamagitan ng platform na ito ay mananatili ang alala ng nanay ko. Sa mga makakabasa nito at yung ibang article ko about sa mother ko alam ko na isa kayo sa malulungkot dahil alam niyo kung gaano ko kamahal at ginagaya ang nanay ko.

Muli Maraming Salamat sa inyong pagbabasa .

You can reach me out on this account.

FB; Irene Manuel

Noise.App ; MommyMadamdamin

Hive; MommySwag

@MommySwagwag

5
$ 0.15
$ 0.13 from @TheRandomRewarder
$ 0.01 from @LucyStephanie
$ 0.01 from @Freedom007
Sponsors of MommySwag
empty
empty
empty
Avatar for MommySwag
1 year ago

Comments

May her soul rest in peace

$ 0.00
1 year ago

thanks buddy.

$ 0.00
1 year ago

Awww masakit tlga mawalan ng magulang.

$ 0.00
1 year ago

totoo po yan.😢Iniisip ko nasa panaginip lang ang lahat.

$ 0.00
1 year ago

Panahon lang talaga ang makakapag sabi kung kelan mo masasabing wala na yung sakit at tanggap mo na ng lubusan ang pagkawala ng mga taong mahal natin. Minsan nakakainis yung sasabihan ka na ok lang yan ganun talaga ang buhay, kapag ikaw ang nasa sitwasyon masakit eh. Hindi kasi ganun kadali na basta tanggapin at kalimutan ang isang tao sa sobrang mahalaga sa atin. Hayaan mong damhin ang sakit, iiyak mo para maibsan. Darating ang araw na masasanay ka din na wala na siya. May kapatid din akong nawala at every time na death anniversary niya napapaisip ako na bakit ang aga niyang kinuha pero ngayon tanggap ko na din naman though nandun pa rin yung what if buhay pa siya, ano kaya sitwasyon niya ngayon.

$ 0.00
1 year ago

totoo po yan. May mga nagsasbai na iba na okay lang yan,ganito ganyan pero syempre deep in my heart paanong magiging okay . hindi ganun kadali. May iba pa na sasabihin huwag daw isipin ng isipin dahil baka mahirapan daw umakyat sa langit kaya lang hindi talaga mawawala sayo yun. Nanay ko yun eh. 😢 Hindi talaga madali po kapag nawawalan talaga.

$ 0.00
1 year ago

I am very sorry to hear that. It is the most difficult thing to accept in this world when our loved ones is no longer alive. One thing for sure your Mother is always looking up to you even she is now with God in heaven.

$ 0.00
1 year ago

yan nalang din iniisip ko sis. Para kahit papano maibsan yung lungkot na nararamdaman ko.

$ 0.00
1 year ago

Bakit naiiyak ako habang binabasa ko to? Masakit talaga mawalan ng magulang, ganyan din ako nun namatay ang Papa ko. Di ako showy when it comes to showing my feeling sa father ko kaya sising sisi ako nun namatay sya, kung bakit di ko pinapakita sa kanya. But he knows that I love him.

$ 0.00
1 year ago

Ganyan din ako sis hindi ako showy na tao. Kaya laking sisis ko nung nawala siya taz ang dmai ko pang promise sa kanya before pero lahat ng yun hindi ko natupad.

Kaya naman talaga totoo kasabihan na MAREREALIZE lang natin ang isang bagay kapag nawala na. Sobrang sakit sis. Kaya hindi talaga ako makapagsulat gaano din,sa ngayon nagfocus nalang ako paano ko ngayon matutupad yung promise ko kay nanay para naamn sana sa tatay ko.. Kung hindi ko nagawa sa mother ko sana magawa ko this time sa tatay ko. Kaya nagsisikap ako now pero wala sa mahal ng bilihin kasi at agstusin hindi talaga sasapat. 😢

$ 0.00
1 year ago

Same here sis, ill be a better daughter sa Mama ko..

$ 0.00
1 year ago